Kasalukuyan akong nag-uunat ng aking mga kamay. Napasarap ang tulog ko dahil hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa Cebu kung hindi pa ako ginising no'ng katabi kong lalaki kanina. Inayos ko muna ang suot kong sombrero at salamin mata. Mas mabuti ng nag-iingat dahil baka dumugin ako ng mga tao.
Mahigit tatlumpung oras ang itinagal ko sa loob ng airport at noong makalabas ay agad akong nagtawag ng taxi para magpahatid sa bahay ng mga magulang ko. Huminto ang isang taxi sa harap ko at sasakay na sana ako nang biglang may isang lalaking naunang pumasok sa loob. My eyes would pop out any minute because of irritation. Ang kapal naman ata ng lalaking 'to para sumakay sa taxi na ako mismo ang nagtawag.
"Ikaw na naman?!" I shouted at him. Ang lalaking umagaw sa taxi ko ay walang iba kung 'di ang lalaking nakatabi ko sa airport kanina.
"Wow! What a coincidence!" masayang ani pa nito habang prenteng nakaupo sa loob ng taxi.
"Are you following me? Stalker ba kita?" Napakamot nalang ako sa kilay ko dahil sa kunsemisyon. Ang gusto ko lang naman ay mag-relax at mag-bakasyon pero kanina pa ata ako sinusundan ng misteryosong lalaking 'to.
"Whoah? Ako? Stalker mo? Ang guwapo ko naman atang stalker kung gano'n," nakangiting tugon ng lalaki. Actually, I really find him suspicious lalo na sa get up nito na halos hindi makita ang pagmumukha dahil sa balot na balot ito ng kung ano-ano sa katawan. Don't get me wrong ha? I do have lots of interactions sa mga stalker. Ma-susurprise ka na lang talaga sa pwede nilang gawin. Minsan nga ay may nag-aabang sa'kin kung saan-saan kaya hindi niyo ako masisisi kung nag-ooverthink ako ngayon.
"Will you please get out?" Pinapahaba ko na lang talaga ang pasensya ko dahil ayaw kong masira ang araw na dapat ay masaya akong nag-rerelax.
"Come on, share na lang tayo. Hindi naman ako madamot."
"Are you insane? Does not how taxi works! Dapat isang destinasyon lang ang patutunguhan ng mga taxi." I'm starting to get really irritated that I just want to drag him, at ibalibag siya sa labas and the fact that he's very annoying makes my blood boil even more.
Bigla namang nagsalita ang driver ng taxi at tinanong kami pareho.
"Saan ka ba Iho?" tanong ni Manong.
"Jade Village po," magalang namang sagot nito.
"What the hell? Now, that's really suspicious!" gulat kong wika. "That's where I live also, huwag mong sasabihin na tadhana lang na nagkatagpo tayo dahil hindi ako maniniwala!"
He laughed at my face while he's touching his stomach. Kulang nalang ay gumulong ang lalaki dahil sa kakatawa nito. Napapitlag naman ako nang biglang bumusina pa ang isang taxi na nasa likuran namin. The taxi in front is blocking the way kaya pala bumusina ang nasa likuran namin.
"Come on, get in. Same place lang pala ang pupuntahan natin. Para makatulong na rin kay Manong" Itinuro nito si Manong sa pamamagitan ng kan'yang nguso.
Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga. Ang plano ko sana ay magtawag na lang ng panibagong taxi but this man pulled out the pity card on me kaya hindi na ako nakaangal. Oo nga naman, malaking tulong na rin 'yun para kay Manong kung dalawa kaming ihahatid niya, dobleng bayad na rin kung sakali. While on our way ay walang umiimik sa aming pareho. Surprisingly this man beside me shut his mouth. Nang tinignan ko ay nakatulog na pala ito habang nakasandal ang ulo sa bintana ng taxi.
Ako 'yung nahihirapan sa sitwasyon niya ngunit mas minabuti kong huwag siyang pakialaman. I don't know why, but he seem really familiar to me. The way he laughs, talks and moves reminds me of that one person who I loathed until now. For a little while I manage to get back my excitement for going home. Nakalimutan ko na ring may kasamang ibang tao sa loob ng taxi. Ang nasa isip ko lang ay mayakap ang mga magulang ko at makasama si Bambie. I open the window beside me to breathe some fresh air on my way home. All the fatigues, stress and sleepless night gone as soon as the wind smoothly touches my whole face, para bang bumubulong ang hangin sa'kin ng welcome home, dahil damang-dama ko ang kapayapaang hatid nito.
"This is life," I murmur to myself.
Naging matiwasay ang biyahe ko pauwi. Humigit isang oras din ang biyahe mula sa airport papunta sa Jade Village. Jade Village is a private subdivision, it is located near a private resort, and as of now there are 20 families in the neighborhood. Hindi ka basta-basta makaka-pagpapatayo ng bahay sa Jade Village kung hindi ka papasa sa requirements nila at isa na roon ang financial status mo at mga ari-arian. There are a lot of people who applied for residency there but failed the requirements needed. Given for the high end facilities this village had, masasabi mo talagang worth it ang ibabayad mo. Napalingon naman ako sa lalaking nasa gilid ko na kasalukuyan paring tulog. This man also lives at Jade Village, kung gayon mayaman din 'tong taong 'to.
Papasok na kami sa loob ng village nang biglang hinarang kami ng security guard.
"Magandang hapon ho ma'am," bati no'ng guwardiya sa'kin. "Bawal po kasi ang taxi sa loob kasi hindi rehistrado, may card po ba kayo?" tanong nito.
Agad ko namang hinalukay ang mga gamit sa loob ng bag ko. Nang makita ko ang pitaka ko ay inilabas ko ang card na hinihingi nito. May apat na card ang Jade Village, the diamond, gold, silver, and bronze card. Ang diamond card kung saan mga bilyonaryo at mga tanyag na mga businessman sa loob ng bansa at sa ibang bansa ang nakakakuha. Pinagbabasehan nila rito kung gaano ka kayaman.
Parang nagulat pa ang guwardiya nang ipakita ko sa kan'ya ang gold card ko. Sa pagkakaalam ko ay dadalawang tao lamang ang may gold card sa Jade Village, ako at 'yung isang international model na naka-base sa New York ngayon.
"Pasensya na ho talaga ma'am," panghihingi nito ng pasensya sa'kin. Well, its no big deal for me. Protocol naman kasi talaga nila 'yun para sa safety na rin ng mga nakatira sa loob.
"It's okay kuya," I replied with a smile.
"Kasama niyo ho?" tanong nang guwardya sa'kin at itinuro 'yong lalaking nasa gilid ko.
"Hindi eh," I said. Iniwan ako ni Mamang guard at umikot ito papunta sa kinaroroonan no'ng lalaki. Curious din ako kung nagsasabi ba talaga ng totooo ang lalaking 'to o nagpapanggap lang siya na nakatira rito.
"Sir," katok ni Mamang guard sa bintana ng taxi. Hindi ito nagigising kaya't napilitan akong tapikin ang balikat nito dahil kung hindi ay matatagalan kami rito sa labas.
"Hey, gising," gising ko sa kan'ya.
Marahang kumilos ang katawan nito at tinignan ako.
"We're here and the guard needs to see your card." Itinuro ko ang guwardiya na nasa labas ng bintana nitong taxi.
Tumango lang ito at ibinaba ang bintana para makausap ang guwardiya na nasa labas.
"Here," saad no'ng lalaki. I stretch my neck a little bit to see what card does he have. I'm shocked when he hand his diamond card to the guard from his wallet. Hindi ako makapaniwalang may diamond card siya! For what I know, wala pang nakakakuha ng diamond card sa Village, to have that card you must be super wealthy to pass the requirements to possess the highest card of the Jade Village. Hindi ako makapaniwalang napakayaman pala ng lalaking 'to.
"O-okay na ho Sir." Nataranta naman bigla ang security guard. Sinong hindi? Kung puros diamond at gold card holder ang sakay nitong taxi. It's crazy to think that we both possess diamond and gold cards atsaka sabay pa kami rito sa taxi. To think that we have cars to use pero nag-taxi kami pareho, in my case, gusto kong surpresahin ang pamilya ko sa biglaang pag-uwi ko, ewan ko lang dito sa isa.
Bumukas ang gate at pumasok na ang taxi sa loob. Manong driver asked direction to me kung saan daw siya liliko. I guided him at tumigil ang kotse sa isang two-storey mansion. I'm very proud to say that this is the fruit of my hard work for six years. Ito ang unang property na pinagawa ko. When I was young, I always dream to have our own house kahit pa maliit basta masasabi kong amin. Lagi lang kasi kaming nangungupahan at palipat-lipat ng lugar noon. I'm so thankful to God dahil dininig niya ang dasal ko at sobra-sobra pa ang ibinigay Niya sa'kin.
Nakita kong 500 pesos ang nakalagay sa meter rate ng taxi. I handed 1000 pesos to him at nagulat pa ito dahil sa doble ang ipinamasahe ko.
"Keep the change Manong," saad ko. Nang makita kong masaya siya sa sinabi ko ay napangita na rin ako.
Kinuha ko ang maleta at nagulat ako noong bumaba rin ang lalaki mula sa taxi. He gave Manong a 2000 pesos for his fare, tsk! Eh di siya na ang mayaman. Nang makaalis ang taxi ay pareho kaming naiwan dalawa sa harap ng bahay ko. He stared at me at nagpabalik-balik ang tingin nito sa mukha ko at sa bahay na nasa harapan niya.
"Nice house, my Fay," he said. I almost dropped my handbag when I heard that familiar name he called me just now.
"M-my Fay?" nalilitong tugon ko. My mouth is slightly open and shock was written all over my face. Iisang tao lang ang tumatawag sa'kin niyan, iisang tao lamang, that man is Lexus Montecorpuz, the father of my child, and the man who broke my heart into pieces.