MSTTOYL1

1718 Words
"I love you Fay!" sigaw ng mga fans ko. Papalabas pa lang ako sa JYP Entertainment. Ang agency na nangangalaga sa'kin at sa career ko bilang artista. Kinawayan ko sila at nginitian para sa kanilang walang sawang pagsuporta sa akin. Mahigit anim na taon na rin pala ako sa showbiz. Noong una ay hindi ko inakala na papasukin ko ang mundong 'to. Wala akong hilig sa pag-aartista at ang nais ko lang noon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. "Salamat sa inyo!" masayang bati ko sa kanilang lahat at panay yuko lang ako habang napapalibutan ng mga bodyguard. Sa anim na taon ko sa industriya ay hindi ko na mabilang ang mga ginampanan kong mga karakter sa palabas. Mayroong bida ako, kontrabida at extra. Lahat ng klase ng role ay tinanggap ko ng buong puso, hindi ako nag-reklamo kahit ano pang role 'yan. Nagsimula ako bilang isang endorser ng isang kilalang brand ng conditioner. Aksidente lamang iyong pag-audition ko sa naturang brand. Ang totoo niyan, ang kaibigan kong si Diane talaga ang dapat na mag-au-audition napasama lang ako and luckily ako 'yung napili ng may-ari ng brand para sa commercial. Si Diane naman na bestfriend ko ang tumayo kong manager at hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming dalawa. "Anong masasabi mo sa kumakalat na balita na kayo na raw ni Marcus?" tanong no'ng isang reporter. Napangiti na lamang ako. Halos araw-araw na ata nila akong tinatanong tungkol sa ka-love team ko na si Marcus. Hindi na bago sa akin ang mga tanong na ito at alam na alam ko na kung paano ito lusutan. Si Marcus ay ang ka-love team ko. Kasabayan ko siya sa industriya at agad kaming isinabak sa love team na pumatok naman sa madla. Ang sabi nila ay hindi maikakaila ang chemistry naming dalawa. Umani kami ng libo-libong taga-suporta at mga fanclubs sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Masaya akong malaman na marami kaming napapasaya pero hindi talaga maiwasan ang ganitong eskandalo lalo pa't hindi basta-basta ang mundong pinasok ko. Ang salitang "Privacy" ay isa na lamang pangarap sa'ming mga artista. "No comment po," magalang kong sagot sa reporter na nagtanong. Ang turo sa'kin ni Diane ay hindi ko dapat kumpirmahin sa mga taga-media ang tanong na 'yan. Umiiwas kasi kami sa gulo na pwedeng maka-apekto sa love team naming dalawa ni Markus. At saka ayaw naman naming masaktan ang mga masugid naming mga tagahanga kung itatanggi ko rin. "Excuse me, padaan po," sigaw ni Diane. "Excuse me Miss Fay, may kumakalat na balita na nabuntis kayo noon at may anak na tinatago, anong masasabi niyo sa isyu na 'yun?" Bigla akong kinabahan at napatigil din si Diane sa paghawi sa mga media at reporter na nag-iinterview sa'kin. Natigilan ako sa paglalakad kaya mas lalo akong dinumog ng mga fans. Kung hindi dahil sa mga bodyguard ko ay kanina pa ako lantang gulay ngayon. "Purong chismis lamang 'yun, at 'wag kayong mag-papaniwala sa mga fake news!"si Diane. Hindi ko namalayan na siya na pala ang sumagot sa tanong na ibinato sa'kin. Lumukob ang kaba sa aking dibdib at halos magpigil ako ng hininga sa itinanong nito. Pagkatapos nitong masagot ang tanong na para sa'kin ay agad na niya akong hinila papasok sa van namin. Nang makapasok kami ay saka pa lang ako nakahinga nang maluwag. "Wew! Grabe ang agresibo ng mga reporter ngayon!" saad ni Diane habang pinupunasan ang pawis sa noon. "Saan naman kaya nila nakuha ang impormasyon na 'yun?" tanong ko. Kasalukuyang nasa labas ng bintana ng sasakyan ang mga mata ko at inaalala ang tinanong sa'kin no'ng reporter. "Nag-aalala ka ba?" "Medyo, alam mo namang magulo ang pinasok kong mundo Diane," wika ko. "Hindi naman nila malalaman 'yun di ba? Natatakot ako baka mapano si Bambie at masangkot pa siya sa isyu," sambit ko sa kaibigan. Napabuntong-hininga na lamang si Diane. Si Bambie ay ang anak ko. Totoong may anak na ako at iilan lamang tao ang nakakaalam. I had Bambie when I was 19, I got pregnant when I was just eighteen years old. Batang-bata kung iisipin, I'm too young and naive that time na hindi ko alam ang magiging consequences ng mga ginawa kong kagagahan. I'm am so in love with him and my past version was so crazy to that man, na nakaya kong ibigay ang sarili ko at sa huli ay iniwan at pinagpalit pa rin sa iba. Para sa kan'ya ay isa lamang ako parausan noon. Napakatanga ko para maniwalang pagmamahal ang ipinapakita niya sa'kin. "Fay? Fay? Are you listening?" Napukaw ang atensyon ko sa kaibigan na nasa harapan. Kanina pa pala nito tinatawag ang pangalan ko. "Bakit Diane?" I asked. "Maybe you should visit your family," si Diane. "Dalawin mo sila, I'll arrange some things for you," dugtong pa nito. "Are you sure? Akala ko ba tambak ang schedule ko at hindi ko maisisingit ang panandaliang pag-babakasyon ko sa Cebu?" "You seem pretty occupied these days and stress na stress ka na. Kailangan mo munang mag-recharge. Ako na ang bahala. I'll arrange your one week vacation," sambit ng kaibigan. My face lit up and I smiled at her. Niyakap ko siya nang mahigpit ang nagpasalamat. "Thank you bestfriend," maiyak-iyak kong ani. "O siya, siya, dumiretso ka na sa airport." "What about my things?" Litong tinignan ko na lamang ang kaibigan ko at napangiti ako nang narinig ko ang sinabi nito. "I have them prepared, last night pa. I know kailangan mo kasi ng bakasyon talaga, your things is on the back," she said at tinuro ang pinakadulong bahagi ng van. "Thank you talaga, maasahan ka talaga always manager!" Sumaludo lang ako sa kan'ya at nagtawanan kami. "Ikamusta mo nalang ako sa kanila. Hindi kasi kita masasamahan ngayon, I need to do my work here dahil one week ka rin mawawala," saad ni Diane. Inihatid nila ako sa airport at bumili kami ni Diane ng ticket papuntang Cebu. May suot akong sunglasses at sombrero para hindi ako dumugin ng mga tao kapag nakilala nila ako lalo pa at ako lang mag-isa ang babiyahe ngayon. "Okay ka na ba talaga rito?" "Oo, ako na ang bahala." "Sige Fay, mag-ingat ka ha? Send me a message kapag on board ka na at kapag dumating ka na sa inyo." We hug each other and bid goodbyes at naiwan akong mag-isa sa loob ng airport. Mabuti na lang talaga at perfect ang disguise ko at wala ni sinuman ang nakakakilala sa'kin ngayon. Mag-isa lang akong umuupo sa may likurang bahagi ng waiting area dahil ang ibang tao ay sa unahan piniling umupo hanggang sa nakarinig ako ng boses ng isang lalaki sa likurang bahagi ko. "Can I sit here, Miss?" I heard a manly voice from behind and I turned my head slowly. I saw a man who was wearing a black cap and a black glasses. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dahil sa suot nitong sombrero. Nakasuot din ito ng puting t-shirt na pinatungan ng isang denim jacket. Ang pang-ibaba naman nito ay isang faded na pantalon at may nakasukbit na headphone sa may leeg. "Yeah, go ahead," maikli kong sagot pagkatapos kong kilatisin ang suot nito. "Thanks," he replied. Hindi ko masyadong binigyang pansin ang lalaki at nakatuon lamang ang isip ko sa pananabik na makauwi. It's been a year since I last saw them at pinagkakasya ko lamang ang sarili ko sa video call at tawag sa kanila. Kaya ngayon ay walang paglagyan sa tuwa ang nararamdaman kong pananabik. I can finally go home and hug my daughter. I can't wait to see her. Bambie is my hidden daughter. Dahil nga sa maaga akong nabuntis ay ipinatapon ako ng mga magulang ko sa Cebu. Doon ako nanganak at pinalabas nilang kapatid ko si Bambie at hindi anak para protektahan ako sa mga mapanghusgang tao. Ayaw nilang masira ang buhay ko dahil sa nangyari sa'kin kaya inako nilang anak si Bambie. Kaya ang turing ni Bambie sa'kin ay ate at hindi isang nanay. Gayunpaman ay tinanggap ko iyon ng buong puso kahit gusto kong ipagsigawan na anak ko siya pero hindi ko magawa lalo pa no'ng pumasok ako bilang isang artista mas lalong nanaig sa aking itago siya kaysa maungkat pa ang nakaraan ko at mapamahak siya. Ayaw kong maging tampulan siya ng kritisismo ng ibang tao. She's an angel and she doesn't deserve a chaotic life. Sabay kaming napatayo ng lalaki sa may gilid ko noong tinawag na ang flight for Cebu. Hindi ko inaasahan na sa Cebu rin pala ang flight niya. Naunang maglakad ang lalaki sa'kin habang ako naman ay nakasunod lamang sa likuran niya hila-hila ang may kabigatan kong maleta. Nang nakasakay na ako sa loob ng eroplano ay agad ko rin hinanap ang upuan ko. I gasped when I saw him again! The man was sitting beside the window and my seat was beside him. Masyado atang mapaglaro ang tadhana at parang lagi kaming pinagtatagpo. Gusto ko pa naman sana sa may bintana kaso hindi iyon ang designated seat ko. Kahit nahihirapan ay pinilit kong ilagay sa ibabaw ang dala-dala kong maleta. Masyadong mabigat iyon kaya hindi ko maabot. Nagulat ako nang biglang tumayo ang lalaki at inagaw sa'kin ang maletang hawak. "Ako na," he said with a serious tone. Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinabahan at parang masusuka ako. Hindi naman 'yong kaba na parang natatakot ako, iba 'yong kaba na para bang nahihiya ako sa lalaki. Tumabi ako saglit at hinayaan lamang siyang mailagay ang maleta ko sa ibabaw. "Thanks," ani ko. Tumango lamang ang lalaki at bumalik na sa pagkakaupo habang ako naman ay umupo na rin sa may tabi niya. Noong nagsimula na ang biyahe ay para akong tila isang paslit na pilit tinitingnan ang naggagandahang mga ulap sa labas. "You wanna sit here?" biglaang tanong no'ng lalaki. Napansin siguro nito ang kasabikan sa mga mata ko nang makita ang mga ulap. "No, it's okay," nahihiya kong tugon. "Let's switch places," alok naman nito. "Okay lang talaga." "Hmm, the view here is much clearer, you sure you don't want to switch places?" May panunukso sa boses ng lalaki habang nagsasalita at kaunti na lang talaga at bibigay na ako. "No, thanks." Kinuha ko na lamang ang earpods ko at nakinig na lamang ng tugtog hanggang sa unti-unti na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD