WALA akong maapuhap na salita habang nakatingin sa engagement ring na isinuot ni King sa akin kani-kanina lang. "Do you like it? A friend helps me choose the design." May himig pagmamalaking sabi ni King. "Yeah, ang ganda niya." Ang tanging naisagot ko rito. Hindi ito ordinaryo desinyo ng singsing dahil mukhang limited edition iyon. At alam ko ding hindi biro ang halaga niyon dahil sa nakasulat na tatak niyon sa pulang box. I have the same brand of necklace. "Hindi na ako magtatanong ng "will you marry me" dahil alam ko naman ang isasagot mo. That ring is for formality only. I don't want people asking you why you don't have a ring. Since ikakasal na din tayo, I bought you one. At dahil sa singsing na iyan, totohanan na ang lahat Ysia. Wala nang atrasan pa ito." Hawak pa rin nito ang da

