"Do we have a problem?" He said. Nagpupunas ito ng towel sa buhok. Preskong-presko itong tingnan. May mga butil pa ito ng tubig sa balikat at leeg. "Huh?! Wala naman. Why?" Patay-malisya kong sagot. Deretso ang lakad ko papasok sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig. Hindi ako makahinga, pakiramdam ko ay masusufocate ako. Mabuti nalang at nagpaalam itong magbibihis. Naka-shorts lang ito ng lumabas ng bathroom at walang pan-itaas. "I'll just change my clothes hon. Let's cook dinner nalang here. Tumawag na ako kina Tito at Tita. I told them we are here at my condo." Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon rito. Bumalik ako sa refrigerator upang maghanap ng maaaring mailuto. Marami namang lamang pagkain ref nito. Nakakita ako ng mga meat at gulay. Marunong naman ako ng mga simpleng di

