MABILIS akong pumunta sa sala at iniligpit ang mga kalat doon na naiwan kanina. Samantalang si King naman ay dumeretso sa kwarto nito upang maligo. Maalinsangan daw kasi at para matanggal na din ang tama nito. Isa-isa kong pinulot ang mga empty beer cans at inilagay sa trash bin. Isinunod ko ang mga plato at basong ginamit. Pinunasan ko ang center table at inayos ang pagkakasalansan ng mga pillows. Nang may mapansin akong kumikinang na bagay na nakasuksok sa may dulo ng couch. Hinila ko iyon at nakitang isang gold necklace iyon. Ang pendant noon ay dalawang singsing na magkapareho ang desinyo. The design is simple but elegant. May nakasulat na pangalan sa loob pero hindi niya maintindihan. Kanino kaya ito? Baka kay Damien. Kanino naman kaya niya ibibigay ang singsing na ito? Napakibit-ba

