TAPOS NA ang renovation ng condo unit ni King kung saan kami titira pagkatapos ng kasal. Minor renovations lang naman ang ginawa like putting fixtures, and arranging the furnitures on the right places. Dati kasi nakabase ang ayos ng unit sa panlasa ni King -- very manly and odd. Ngayon naman ay pareho na naming gusto ang pinagbasehan. He said that the unit feels home now. Malaki at malawak ang unit ni King dahil tatlong units pala iyon nang binili niya. Tapos yung room niya, na magiging room na namin sa susunod na mga araw ay pinalitan namin ng wallpaper. King made it sound proof, too. Tapos yun dingding na nakapagitan sa room na ginagawa niyang mini-office/library ay pinapalitan namin ng glass wall at glass door. Sabi niya, gusto niya daw laging makakita ng magandang view from there kapag

