REESE' POV Natapos na ang dalawang araw na camp tour namin sa Batangas at sa loob ng dalawang araw na iyon ay maraming mga nangyari at nabago sa akin. Gusto ko na sanang kalimutan ang lahat ng iyon pero nandito ako sa reyalidad at kahit anong limot at iwas ko na hindi maalala iyon ay kusa pa rin iyong tatatak sa isipan ko. Nandito si Ryu sa bahay namin at ngayon nga ay sasabihin ko na sa pamilya ko ang relasyon naming dalawa. Alam kong sa oras na malaman ito nina Kuya Red at Kuya Reevo ay sigurado akong magagalit at magtatampo sila sa akin. Hindi nila gusto si Ryu para sa akin noon pa man. Ang dahilan kasi nila ay hindi raw mabuting tao si Ryu. Ako naman ay hindi naniniwala sa kanila sa kabila ng mga ipinakitang kabutihan ni Ryu sa akin. Overprotective lang talaga ang mga kuya ko dahi

