THIRD PERSON'S POV "Hangga't maaga pa ay layuan mo na si Reese dahil sa akin lang siya!" Sigaw ni Ryu sa binatang kaharap niya. Tinignan lamang siya ng masama ng binata at hindi ito nagpadala sa takot sa kanya. "Hindi. Hindi ko lalayuan si Reese dahil mahal ko siya at hindi ako makakapayag na mapunta lang siya sa isang demonyong katulad mo!" Sigaw naman ng binata. Mas lalo lang nagdilim ang mukha at nagalit si Ryu sa sinabi sa kanya ng binata kaya kwinelyuhan niya ito at kaagad sinuntok sa mukha. Napaupo naman ang binata sa sahig at kaagad nagdugo ang labi nito dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Ryu. Tumawa naman si Ryu at ngumisi ito pagkatapos. "Huwag na 'wag mo akong kakalabanin dahil hindi mo alam ang mga kaya kong gawin para masigurado ko na sa akin lang ang babaeng pinakamamahal

