“Hanggang kailaj kayo maninirahan dito ng tatay mo, Uella?” ang tanong ni Ferson ng makasama na naman ang bulag na dalaga sa paglilinis sa paligid ng rancho. “Baka rito na lang kami ni Tatay at hindi na aalis pwera na lang kung si Mang Kanor ang magpapaalis sa amin,” sagot ng dalaga na kinakapa-kapa ang mga damo sa paligid. “Ibig mong sabihin wala na kayong balak na umalis?” pagtatakang tanong pa ni Ferson. “Saan naman kami pupunta ni Tatay kung aalis kami rito? At saka, okay ang buhay dito, Ferson. May tirahan kami ni tatay at kumakain na ng tatlong beses sa isang araw kaya paano pa kaming aalis?” katwiran ni Uella. “Ganun? As in wala pala talaga kayong mapupuntahan na iba ni Mang Ipe?” Tumango na lang ang dalaga bilang sagot. “Sabagay kung ako rin ang nasa kalagayan niyo hindi ko

