“Magluto ka ng maraming pwedeng pulutan natin mamaya, Ferson. Gusto ko namang uminom ng alak ngayon dahil pakiramdam ko ay kulang lang ako ng alcohol sa katawan,” ang utos ni Kanor kay Ferson ng makita niya ito sa kusina. “Mang Kanor, basta po konti lang ang inumin niyong alak,” ang bilin naman ni Ferson dahil kapag namatay agad ang alaga niya ay baka hindi siya makaipon at mahirap makahanap ng trabaho na malaki na ang sinasahod ay libre pa sa lahat ng pangangailangan niya. “Kuh! Baka kaya lalo akong nanghihina ay dahil sa nalilimitahan na ang mga ginagawa ko kaya ngayon ay pagbigyan mo na muna ako. Gusto kong uminom tayo nina Ipe kaya puntahan ko muna ang lalaking iyon para bilinan kong umuwi agad para maaga tayong makapag umpisa ng inuman at kwentuhan na rin ng mga buhay-buhay natin,”

