Episode 36

1302 Words

Gusto ni Kanor na mag inuman sila nina Ipe at Ferson sa labas ng kanyang bahay kaya naman doon nila inilagay ang lamesa na sakto lamang sa kanilang tatlo habang si Uella ay nasa loob lang ng bahay at naglilinis na naman sa library. “Kumpleto na ba ang lahat ng mga alak ay pulutan natin, Ferson?” paniniyak na tanong ni Kanor at tumango naman si Ferson. “Opo, Mang Kanor. Mamaya kapag kulang pa ng pulutan ay madali na lang naman magpainit sa kalan,” sagot ng binata at bitbit na nga ang case ng mga alak na kanila na ngang iinumin na tatlo. Si Ipe naman ay nagpaparingas ng mga tuyong sanga at mga dahon malapit sa pagpupuwestuhan nila para pantaboy sa mga kulisap at mga lamok. “Tama na yan, Ipe! Maupo ka na at makapag umpisa na tayo,” ang tawag na ni Kanor kay Ipe na abala sa pagpapa apoy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD