“Maraming salamat po pala, Mang Kanor sa mga biyaya na pinadala niyo kay Ferson para sa amin,” ang pasasalamat ni Uell sa among lalaki sa mga pinada nitong mga delata na karamihan ay nalalapit na expirations date. “Kuh, maliit na bagay, Uella. Basta mayroon ay bakit ko naman kayo hindi bibigyan?” ang sagot ni Mang Kanor na sa loob-loob ay naging mabuti na naman kahit pa expired naman ang mga pinamigay. “Bihira lang ho kaming makakain ng ganun kasasarap, Mang Kanor. Madalas ay kapag pasko o bagong taon at nakikibisita kami ni tatay sa mga kaibigan niya,” kwento pa ng bulag na dalaga sa lalaking amo. “Kaya nga naisip ko na bigyan kayo dahil alam ko naman ang pakiramdam ng wala at ignorante,” wika pa ni Mang Kanor. “Mang Kanor, wala na ho ba kayong ibang ipalilinis? Tapos na ho kasi ako s

