“Ipe, ibigay mo pala ito kay Uella. Sabihin mo na sahod niya rin sa pagpapanatiling malinis ang bakuran ng rancho,” sabay abot ni Kanor ng ilang ilibuhin kay Ipe. “Napakarami naman niyan, Mang Kanor? At saka, isang linggo pa lang naman na nagwawalis si Uella sa rancho,” sagot ni Ipe dahil nagtaka sa pera na binibigay ni Kanor samantalang wala naman silang usapan na pati ang anak niya ay kailangan nitong sahuran. “Kunin mo na. Ipunin niya kamo para mapatingin niya ang kanyang mga mata. Malay mo at may pag-asa pa talagang makakita ang anak mo at kailangan lang ng tamang medikasyon,” kunwari ay concern pang sambit ni Kanor ngunit ang totoo kapag nagkagipitan ay ang mga pera na iaabot niya sa mag ama ang gagamitin niyang panabla kapag nagkabukuhan at isumbong siya sa mga pulis. Sasabihin niy

