JANE POV Gabi na, 10 pm to be exact pero hindi pa rin ako mapakali. Hindi pa rin ako makatulog. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Nandito ako sa lamesa, nakatingin sa pintuan at tamang abang lang sa pagdating ni mama. Kasama ko si Tita Nancy at si Shaina. "Ate naman, ang tindi mo naman po," sambit ni Shaina sabay hikab sa harapan ko. "Matulog na tayo, mukhang walang planong umuwi si mama ngayon." "Anong matulog? Bukas na ako aalis Shaina, kailangan makita ko si mama at makausap. Ikaw, kung naantok ka na, pwedeng pwede ka nang pumasok sa kwarto. Masama sayong magpuyat." "Eh ikaw kasi ate eh! Halata naman sa mukha mo na badtrip ka! Baka mamaya dito pa kayo mag pang abot ni mama." "Hayaan mo na ako Shaina. Gusto ko lang naman kausapin ng masinsinan si mama ngayon kasi baka matagalan ako

