JANE POV Nang makita ko si mama, tiniklop ko ang mga kamay ko sa galit. Parang naaligaga pa nga si mama na nakatingin sa amin. At kahit na hirap akong tumayo, pinilit ko na lamang ang sarili ko. Samantalang si mama naman, parang naging statwa na siya sa kinalalagyan niya. "Ano ma? Wala ka po bang planong sagutin ang tanong ni tita? Kasi ganyan din po ang tanong namin sa mga utak namin ngayon." "Anak naman... wag mong masyadong... stressin ang sarili mo sa nangyayari. Ang maigi pa bukas na lang tayo mag usap. Maaga pa akong pupunta sa hospital. At siya nga pala, galing lang ako sa isang kaibigan ko, medyo malayo ang bahay niya, tinext ako at napasarap ako sa usapan namin." Kilala ko si mama kapag nagsasabi siya ng totoo, diretso siya magsalita at hindi siya nauutal magsalita. Subalit n

