JANE POV Napatingin na lamang ako kay Sir Charles na nakangiti lang sa akin. Naka suot pa siya ng coat at nakasalamin. "Take your time Jane and I would like to say sorry kung sobrang excited ko kaya nagpunta ako ng maaga rito. Wag kang mag alala, nakausap ko na naman ang mama mo at pumayag na siya na sa mansyon na kita titira." Napangiti na rin ako sa sinabi ni Sir Charles. Bagamat ayaw ko talaga na nai storbo ang tulog ko, maganda na rin siguro ang ganito dahil paalis na ako sa bahay namin. Mami miss ko rin ang kwarto kong ito na naging kasama ko sa loob ng napakaraming taon. Ilang buwan din akong mawawala. Bumaba na kami at tsaka kami sabay sabay na kumain. Mabuti na lamang at malinis ang bahay namin kaya kahit papaano ay komportable si Sir Charles. Paano ba naman kasi, marami si

