CHAPTER TWENTY NAKATULALA lang si Andrei na nakatingin sa picture nila ni Deatrice sa cellphone niya. Miss na miss na niya ang dalaga at wala man lang update ang kinuha niyang private investigator s***h kaibigan niya tungkol dito. "Tulala ka na naman..." Walang buhay na tiningnan niya si Kylo na kumanta "lagi ka na lang nagkaka-ganyan..." Kanta pa nito. Nandito sila ngayon sa mala-palasyo na bahay ng kaniyang mapapangasawa, ayaw sana niyang isama ang mga kaibigan pero nagpumilit ang mga ito kaya naman sinama na lang niya. Buti na lang at hindi nagalit ang mga magulang niya at ang tatay ng papakasalan niya dahil sa mga asungot na kaibigan. "Bud?" Betel tapped his shoulder "ayos ka lang?" Tanong nito. "Oo, palagi naman akong ayos, eh." Tumayo siya at nagtungong terrace. Ayaw na muna ni

