EPILOGUE NAKANGITI lang si Andrei habang pinapakinggan ang wedding vow ng kaniyang asawa na ngayon ay limang buwang buntis na, matapos kasi ng gabing kasal nila sa tradisiyong Shèxiang Hūnyīn ay inaya niya itong magpasakal ulit. Kung ang unang kasal nila ay ginanap sa China, ngayon naman ay nasa Pilipinas na. Mula din ng gabing yun ay kinausap nila ang kanilang mga magulang at yun na nga ay nalaman nilang dalawa na plinano pala ng mga ito ang lahat. Ang pagiging maid nito sa kaniya ay hindi pala aksidente dahil ang kaniyang ina pala mismo ang may dahilan nun. At talagang kinunsaba pa ng ina niya ang mga kaibigan. Napapailing na lang siya habang nagpapaliwanag ang mga ito. Nagpapasalamt siya sa mga kaibigan, dahilan niya at sa papa ng kaniyang asawa, dahil kung hindi dahil sa plano nang

