CHAPTER FOURTEEN
NANG MAGISING si Andrei wala na sa tabi niya si Deatrice, agad siyang bumangon at nagbihis, ng maayos na ang sarili ay bumaba na siya. Hinanap niya ang dalaga sa loob ng bahay pero wala ito, kaya pumunta na lang siya sa garden ng bahay niya at dun niya nakita ang dalaga na tuwang-tuwang nanonood sa mga kaibigan niyang naglalaro, si Amadeus, Kimball, Zeke, Kylo at Fabian ay naglalaro ng tumba lata, samantalang sina Omni at Betel naman naglalaro ng bato-bato pick, ang kung sinong talo ay iinom ng kalahating basong tubig.
Aba't hindi pa pala tapos maglaro ang mga ito?
"f**k you Kimball, ang daya mo! Ako yung first, ehh!" Rinig niyang saad ni Amadeus na parang batang nagpapadyak-padyak pa.
Kimball looked at him "Ha? Akala ko tapos ka na." Saad ni Kimball.
"Tumabi ka diyan Kimball ako na yung titira." Saad naman ni Zeke at tinabig pa si Kimball. Tinantiya nito ang layo ng lata, at ng matantiya na, tinira nito ang lata gamit ang tsinelas kaso hindi nito natamaan.
Kinuha nito ang tsinelas "f**k! Ang daya, uulitin ko kasi yung hangin, ehh!" Nakabusangot na saad nito at akmang titirahin ulit ang lata ng pigilan siya ni Kylo
Sinisi pa ang hangin. Tsk!
"Manahimik ka diyan Zeke, ako na." Nangingiting saad naman nito.
At katulad ni Zeke ganun din ang ginawa nito at hindi din nito natamaan ang lata "f**k! Uulitin ko, yung hangin nga talaga, nilihis ba naman ang lipad ng tsinelas na pamato ko." Titirahin din sana ulit nito ang lata.
"Ang daya mo Kylo, pareho kayo ni Zeke, ehh! Ako na naman ang titira." Saad naman ni Fabian.
At katulad ng ginawa ng dalawa ay tinantiya din nito ang lata bago tirahin and boom! Natamaan nito ang lata. "Ang daya!!!!" Sabay na saad ng apat.
Fabian looked at the four innocently "bakit? Anong madaya dun?"
"Basta ang daya mo." Si Kimball.
At yun nag-umpisa ng magbanghayan ang mga loko na parang mga bata. Naiiling-iling na nilapitan na lang niya ang dalaga.
"Hey!" Saad nito ng makita siya.
He grabbed her closer to him "hey, pasensiya ka na sa mga kaibigan ko, hah? Mga baliw talaga ang mga 'yan, ehh." Saad nito.
She just chuckled "nakakatuwa nga, ehh! Para silang mga batang nag-aagawan sa isang candy." Saad nito habang nakatingin sa lima niyang kaibigan na nagbabanghayan.
"Andrei?" She called him.
"Yes?"
"Pwede bang umuwi na tayo sa Manila?" She asked.
He looked at her "bakit naman?"
"Ayaw ko lang talaga dito sa Cebu..." She sighed "kailan ba tayo pwedeng umuwi?" She asked.
"Pwede bang sa lunes na lang tayo umuwi?" Tanong niya.
Gusto pa niya munang mag-enjoy sila ng dalaga sa lugar na ito, at balak niya itong yayain mamaya sa dagat na hindi naman kalayuan sa mansion niya.
"Ganun ba? Okay." Lumungkot ang mata nito pero agad din namang nawala.
"Alis tayo." He whispered.
Tiningnan naman siya nito "saan tayo pupunta?" Tanong nito.
"Basta." Saad niya at hinila papasok ang dalaga sa bahay.
Wala na siyang pakelam kung makita man siya ng mga kaibigan na hinila niya ito at kung mag-isip man ito ng iba.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Bungad na tanong ng dalaga ng makapasok sila sa kwarto niya.
"Pupunta tayong dagat, dalhin mo na ang mga kailangan mo." Saad niya habang hinahanap ang kaki shorts niya.
"Okay." Tanging saad na lang nito.
Nang matapos silang makapag-ayos ng mga dadalhin tulad ng; sun block, lotion, tuwalya at extra na damit, ay lumabas na sila ng kwarto niya. Dahil wala siyang kotse dito sa Cebu, hiniram niya ang van na dala ng mga loko, kaya ang ending, sumama ang mga loko-loko niyang kaibigan.
Iniwan na lang nila sina Betel at Omni na nalasing dahil sa tubig.
"Are you ready guys?" Excited na tanong ni Kimball sa kanila na nasa driver seat.
Nagsi-aye naman ang mga loko liban sa kanilang dalawa ng dalaga, wala pa naman siyang balak isama ang mga loko-loko.
He took a deep breathed "hayssst."
"Ayos ka lang?" Tanong sa kaniya ng dalaga.
Umiling siya "Hindi ako okay, nakakainis kasi, ehh! Gusto kitang makasama ng buong araw..." He paused "yung walang mga sagabal sa mundo." Pagpaparinig niya sa mga kaibigan.
Alam niyang alam ng mga ito na pagpaparinig siya dahil tumawa ang mga loko-loko.
"Bakit naman? Kaibigan mo naman sila, Ahh?" Deatrice said.
"Oo nga naman dude, kaibigan mo naman kami, ahh?" Sabat ni Zeke.
He just rolled his eyes "shut up kulot." Saad niya at hinilig ang ulo sa balikat ng dalaga.
At yung loko, ngiting aso lang ang tinugon sa kaniya.
"Andrei!" Saad nito at tinanggal ang ulo niyang naka-hilig sa balikat nito pero hindi siya nagpatinag.
"Just let me baby, please?" Bulong niya dito.
He just heard her sighed. "Deatrice?" Tawag niya dito.
"Hmm?" She hummed.
He sighed "may bugtong ako sa'yo." He said.
"Ano naman?"
Umayos siya ng upo at tiningnan ang dalaga "Tatlong salita, walong letra, madaling iparamdam pero mahirap aminin. Anong sagot?" He asked.
Napatitig naman itong naguguluhan sa kaniya "ha? Hindi ko alam, ehh..." She said " Ano bang sagot?" Tanong nito.
He just smiled and caress his cheeks "ikaw mismo ang makakaalam ng sagot nun, kahit hindi ko sabihin at kapag naramdaman mo na, malalaman mo na ang sagot sa bugtong na yun..." He paused "ohh, sige! May bugtong pa ako."
"Ano?"
"Masayang maramdan, pero napakasakit na katotohanan." Muling bigay niya ng bugtong dito bugtong na siya lang naman ang nakaka-alam ng sagot.
"Ehh? Anong sagot?" She asked.
Pinanggigilan niya ang ilong nito "you'll know someday." He said then pressed his lips to her.
Mahina siyang tinulak ng dalaga "Andrei! Baka kung anong isipin ng mga kaibigan mo." She hissed.
"Edi mag-isip sila ng kung ano-ano, wala akong pakelam sa kanila, mamatay sila sa inggit." Parang batang saad niya at muling hinalikan ang dalaga na buong puso naman nitong tinugon.
"Dude, pwede bang mamaya na kayo mag-tukaan diyan, h'wag kayo masyadong fan ng PDA." Biglang saad ni Fabian kung kaya't napatigil silang dalawa ng dalaga at lahat ng kaibigan niya ay napatingin sa kanila maliban kay Kimball na nagda-drive.
He just raised his middle finger to Fabian, umayos na lang siya ng upo at pagkuway tiningnan ang dalaga na namumula ang pisngi, haha, How cute.
He hope that someday, he'll hear those magic words from her, kailangan niyang marinig ang katagang yun sa dalaga bago siya ikasal, ng saganun ay may dahilan siya para umayaw sa kasal na hindi naman niya ginusto, at para habang buhay na makasama niya si Deanna, Deatrice, Deang o kahit ano man ang pangalan nito, makasama niya lang ito habang buhay, masaya na siya.
ALAM NI DEATRICE na sobrang pula pa din ng pisngi niya, nakakahiya talaga! Bakit ba naman kasi niya tinugon ang halik nito kanina, 'yan tuloy na caught on eye sila ng mga kaibigan nito. Ano na lang ang iisipin ng mga ito sa kanilang dalawa ng binata?
"We're here!" Nakangiting anunsiyo ni Kimball.
"Halika na baby." Yaya sa kaniya ng binata at pagkuway hinawakan nito ang kamay niya hanggang sa makababa nga sila ng van.
Nakakahiya talaga yun, s**t! s**t! s**t! Naglakad silang dalawa patungo sa isang cottage habang ang mga kaibigan naman nito ay diretso sa dagat, parang ngayon lang nakakita ng dagat ang mga loko dahil parang mga bata ang mga itong nagsasabuyan at naglalaro sa tubig.
"Ganyan ba talaga ang mga kaibigan mo?" Tanong niya sa binata.
Natatawang tiningnan naman siya nito "Ganyan talaga sila, parang mga takas mental pag-magkakasama."
She chuckled "nakakatuwa nga silang tingnan, ehh. Ang yayaman nila pero hindi sila nahihiyang ipakita ang ganiyang side ng pagkatao nila." She said.
He embraced her from behind "alam mo, kahit ganyan ang mga 'yan, napaka-buti nilang tao, at higit sa lahat..." He paused "maasahan silang kaibigan, kahit na minsan mapang-asar sila kapag may kailangan ka naman, tutulungan ka nila, pero asahan mong aasarin ka muna ng mga 'yan bago ka nila tulungan." He said then chuckled.
She smiled, mukhang mahalaga para sa rito ang mga loko-lokong mga kaibigan. "Pwedeng magtanong?" Pagkuway tanong nito.
"Nagtatanong ka na." Pamimilosopo niya na tinawan lang ng binata.
He sighed "I just want to know lang, nung una kasi nating dating dito sa Cebu, parang galit na galit ka, ayaw mo ba dito? O kaya naman may bad memories ka dito kaya ayaw mong magtagal dito?" He said and asked.
She bit her lower lips to hold her tears, that accident three years, kahit tatlong taon na ang nakakalipas napaka-sakit pa din, she's a mama's girl kaya napaka-hirap para sa kaniyang tanggapin ang nangyari.
"Shh... don't cry, h'wag mo na lang sagutin ang tanong ko." Pag-aalo sa kaniya ng binata. Hindi man lang niya napansin ang luhang kumawala sa mga mata niya.
She hugged him "I-ito k-kasi yung l-lugar kung saan nag-umpisang naging miserable ang buhay ko, ito y-yung l-lugar kung saan n-namatay yung p-pinakama-mahal k-kong tao..." She sobbed "S-si mama, d-dito siya n-namatay, namatay siyang w-wala man l-lang akong magawa, n-namatay siya sa harapan ko mismo, ang s-sakit lang kasi n-na yung nanay mo namamatay na sa harapan mo't lahat-lahat p-pero ikaw w-wala man lang m-magawa kundi ang umiyak l-lang." Humagulgol siya ng iyak.
"Shh... wala ka namang kasalananan sa nangyari sa mama mo, okay? Nakaraan na yun so please h'wag ka nang umiyak, ako yung mas nasasaktan kapag nakikita kitang ganyan, please don't cry." Saad nito habang hinahagod ang likod niya.
Naguguluhan siyang napatitig dito, bakit naman ito nasasaktan kapag nakikita siyang ganito? Mukhang alam na niya ang pinapahiwatig sa kaniya ng binata, pero ayaw naman niya mag-assume ng kung ano-ano, masasaktan lang siya kung mali ang inaakala niya. Love hurts nga di'ba?
"Andrei, ano ba ang gusto mong ipahiwatig? Gulong-gulo na ako, ehh! Pwede bang sabihin mo?" She asked.
He looked at her "look Deang, alam kong masyadong maaga ang lahat, but Deang, I want you to know this, ang harap na kasing itago, ehh! Ang hirap ng itagong ma—"
"Andrei!" Naputol ang iba pang sasabihin ng binata sa kaniya ng tinawag ito ni Kimball basa na ang katawan nito "Pwedeng hiramin ka namin? May itatanong lang kami sa'yo." Seryosong saad nito.
Tiningnan siya ng binata kung papayagan ba niya itong sumama sa kaibigan, so she said 'Yes, go with your friend' sino ba siya para pigilan ito? Saka mag-uusap lang naman ang mga ito. Nang maka-alis na ang binata at ang kaibigan nito, ay nilapitan naman siya ni Fabian.
"Hey, best!" Anito ng makalapit sa kaniya.
She looked at him, katulad ni Kimball basa din ang katawan nito.
Inirapan niya ito "don't call me best Fab, baka may makahalata satin na magkakilala tayo." She said.
He just chuckled "okay." Nangingiting anito "let's talk about you and Andrei, Deatrice."
Kumunot ang noo niya "ano naman? Kung may iniisip kang iba tungkol saming dalawa ni Andrei, inuunahan na kita, wala!" She said.
Umupo ito sa kawayan na upuan "Ang advance mo mag-isip, hindi pa nga ako nagtatanong, ehh! Todo react ka na agad, nagpapahalata ka talaga masyado." He said then sighed "ano mo ba talaga si Andrei, Deatrice? I mean, hindi mo naman tutugunin ang halik niya kung wala kayong something na dalawa..."
He looked at her deeply "Umamin ka sa'kin, Deatrice."
"Ano naman ang aaminin ko sa'yo?"
"Mahal mo ba si Andrei?" He asked and it makes her world stop.
Mahal nga ba niya si Andrei? Oo, ang sagot dun.
She bit her lip "h-hindi!" She denied.
"Don't deny it Deatrice, I'm your bestfriend after all, at alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." He said "Umamin ka na Deatrice, mahal mo ba siya?"
Dahan-dahan siyang tumango "Oo, m-mahal ko siya, so please h'wag mong sabihin sa kaniya."
He smirked "sabi ko na nga ba, ehh! Don't worry Deatrice, your feelings is sexret to me." He said.
"Really? Sexret talaga?"
Tumayo ito "Haha, yeah..." He chuckled "and also Deatrice, kahit hindi ko sabihin sa kaniya, alam kong malalaman niya pa rin, at alam ko ding may nararamdaman siya sa'yo." He said.
Mapakla siyang ngumiti "imposible 'yang sinasabi mo Fab."
"Hindi yun imposible Deatrice, katotohanan yun, at alam kong may nararamdaman siya sa'yo dahil na din sa mga inaakto niya." He said.
"Hindi naman lahat ng bagay na nakikita at nararamdaman ng isang tao ay totoo Fabian, minsan huwad lang ang pinapakita nila." She said.
"Negative minded ka masyado..." He paused "nandito lang ako Deatrice, kapag umiyak ka ng dahil sa gagong yun, sabihin mo sa'kin at ng mabugbog ko siya, wala akong pake kung kaibigan ko siya." Seryosong saad nito at pagkuway tumawa.
"Para kang tanga." Saad niya.
Tumawa lang ito at saka nag-umpisang maglakad.
Huninto ito at lumingon sa kaniya "I'm just here for you bestfriend, at saka, ingat ka palagi sa mga kilos mo, nagdagdag ang Papa mo ng taong maghahanap sa'yo. So take care." Saad nito.
Tumango na lang siya dito, talagang hindi titigil ang kaniyang ama sa paghahanap sa kaniya, kailangan nga talaga niya na mag-ingat bago siya mahanap ng tauhan ng papa niya, nahanap na siya ng isa, hindi niya hahayaan maging dalawa, tatlo o higit pa ang makahanap sa kaniya.
No way! Mamatay muna siya bago ikasal.
A/N: I'm sorry po guys kung napaka-lame nito.