chapter 2 muling pag kikita

2148 Words
Chapter 2 ➡️ Muling pag kikita⬅️ After 6 months... "Anak kamusta kana?" Ok lang naman poh ako ma! "Talaga? Mabuti naman kung ganoon anak. Siya nga pala tuloy na bukas ang uwi ko kasama ang tito Victor mo. Excited na ako makita ka anak." "Ako din poh ma! Na mimis ko na kayo ," "Pasesya kana ma, kung hindi ako nakapunta diyan ng mag pakasal kayo ni tito vic . Sunod sunod kasi ang aking exam kaya hindi ko na nagawa pa puntahan kayo." "It's ok anak alam ko mahalaga sayo ang pag aaral mo anak at isa pa , uuwi na rin naman ako diyan para asikasuhin ka . Ayaw na kasi ng tito mo na mag trabaho pa ako eh, Kaya gusto ko ilaan ang oras ko sayo. Nak , sana pumayag ka tumira kasama namin anak ! ayoko na mawalay pa sayo eh.. gusto ko bumawi sa lahat ng pag kukulang ko sayo please.." "Ok, mom, ayoko rin naman mawalay sayo eh, mis na kita at gusto ko rin makasama ka." "Talaga ,, payag ka tumira kasama namin?" "May magaagawa pa ba ako? Mahal ko kaya kayo, kaya paano ako tatanggi." "Naku anak salamat." "Yaan ninyo this coming Saturday , pupunta ako sa bahay ninyo at dala ko na ang mga gamit ko diyan." "Naku nak! Hindi mo alam kung paano mo napasaya ang mama mo," "Masaya rin ako ma! I love you.." "I love you too anak! Paano ibaba ko na ang tawag paalis na kami! kita na lang tayo sa Saturday ok." "Yes mom," Matapos ng pag uusap namin ni mama ay inayos ko agad ang gamit ko bukas ay friday na kaya sa susunod na araw ay pwede ko na makita si mama, excited ako makita siya kaya agad ko inayos ang gamit ko. Ngayon lang ulet ako naging masaya ng ganito buhat ng may nang yari masama sakin sa resort nina china. Wala nakakaalam ng buong pangyayari na iyon dahil natatakot ako malaman nila ang kahihiyang sinapit ko ng mga oras na iyon. Hindi ko magawa makapag reklamo sa pulis dahil kasalanan ko ang nangyari. Lasing na lasing ako at imbis na room 206 ang pasukin ko room 209 ang pinasok ko . Isa pa dahil sa sensation na iyon ay nakalimot ako kaya kusang loob ko rin naibigay ang sarili ko. At ni katiting na pag sisisi ay wala ako maramdaman ng mga oras na iyon. kung meron man ay hindi ko man lang nakilala ang tao gumawa noon sa akin. Pinilit ko kalimutan ang mga nangyari na iyon sa akin, dahil natatakot ako sa possible kahinatnan ng lahat pag inamin ko ang mga nang-yari sa akin noon. Ayoko mahusgahan ng kahit na sino kaya sinarili ko na lang ang lahat. Ang Pera naman na iniwan niya sa akin noon. Ay nanatili lang sa akin, wala ako interes sa pera na iyon kaya itinago na lang iyon. Hanggang ngayon ay umaasa parin ako mag tatagpo ang mga landas namin at sa oras na iyon ay balak ko isauli ang pera iniwan niya. Kahit na sabihin paman na wala siyang intention na msama para ibigay ang pera na iyon ay hindi ko parin tatannggapin. dahil hindi ko pinag bibili ang sarili ko kusa ko ibinigay ang sarili ko at kaylanman ay hindi ako mababang uri ng babae. kaya kung darating man ang panahon na mag kikita kami isasauli ko iyon sa kanya . Pero iyon ay kung mag kikita pa kami dalawa. kahit malagay ako sa matinding kagipitan ay hinding hindi ko hahayaan na magamit ko ang pera na iyon. Pipilitin ko mag hanap buhay at makapag tapos ng aking pag aaral para mabili ko ang mga kaylangan ko. Para saan pa kaya ang pag aaral ko at pag susumikap kung hindi ko rin naman tutuparin ang mga pangarap ko. Kinaumagahan pag gising ko ay kinausap ko na agad ang may ari ng apartment para ipaalam na aalis na ako doon. Ayaw sana niya umalis ako pero decidido na ako umalis doon. Ibinenta ko na ang lahat ng laman ng apartment ko para pag lumipat na ako ay wala na ako isipin pa. Halos hindi na ako nakatulog sa sobrang excited na makita muli si mama kaya kina umagahan nga ay sinundo na ako ng driver nina mama. Sila narin ang nag bitbit ng aking mga gamit . Pag dating ko doon ay narinig ko na agad ang boses ni mama na mukha excited rin sa pag dating ko. "Naku ! Anak riza!" "Mama!" "Hon, mag ingat ka baka madapa ka!" Hiyaw ni tito vic kay mama ng mag tatakbo ito palapit sa akin para yakapin ako. Kita ko kay mama ang bakas ng kasiyahan sa kanyang mukha. At base sa nakikita ko ay sobrang saya nito kasama si tito vic. "Anak , napakaganda mo pala talga lalo na sa personal ." Buhat ng bata ako nawalay na ako kay mama at hindi siya nag karoon ng pag kakataon umuwi kaya nagulat talaga ito ng makita ang aking mukha. Hinalikan ako ni mama sa buong mukha ko kaya sobrang saya namin dalawa . Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit para maramdaman niya mahal na mahal ko siya at mis na mis ko na ito . Hindi na namin namalayan pareho na pala kami umiiyak ni mama . "Iha, welcome home, ituring mo na bahay din ang bahay namin dahil mag mula ngayon dito ka narin titira." "Salamat poh tito vic!" Nakangiti wika ko at niyakap ito ng mahigpit . Ilang beses ko na ito nakausap sa v-call kaya kilala ko na siya at sadyang mabait ito. Matagal ng walang asawa si tito vic dahil sa car accedent. Namatay ang asawa niya dahil balak nitong dalhinang asawa niya sa ospital dahil manganganak na ito. Pero naganap ang accedente at pareho na lagay sa panganib ang mag ina niya. Siya ang nag paanak sa asawa niya noon kahit alam niya delikado ang sitwasayon nila. Pinilit ng asawa niya iluwal ang anak nila dahil malapit na sumabog ang kotse nila dahil sa malakas na pag kabangga nila. At ng mailuwal nito ang bata ay wala na siya nagawa kundi ilayo ang bata pero naiwan sa loob ng sasakyan ang asawa niya dahil sa kakulangan ng oras . At dahil doon ay mabilis na sumabog ang kotse at hindi na niya nagawa balikan ang asawa niya. Binuhay niya sa pag mamahal ang kaisaisa niyang anak at hindi nag nag asawa pa. Ng mga panahon na nalunod siya sa trabaho ay humantong ito sa pag kakaroon ng sakit at dahil doon nakilala niya si mama na naging personal nurse niya. Ng gumaling ito sa sakit ay pinakasalan niya agad si mama at naging masaya ako sa naging takbo ng buhay niya. "Iha, mukha gutom kana halika at kumain muna tayo mamaya lang ay baba narin ang anak ko si david para makasabay tayo sa pag kain." "Sige poh tito." Agad ako hinila ni mama papunta sa dining area at pinaupo sa tabi niya. Napansin ko ang kakaibang dami ng pag kain nakahain sa lamesa . Sanay kasi ako na isang putahe lang ang kinakain ko pero ito ay nasa sampung putahe bukod pa ang pang himagas . Samantalang apat lang naman kami kakain. "Ano poh meron bakit ang dami poh pagkain may bisita pa poh ba kayo darating?" "Naku! Iha wala excited kasi ang mama mo sa pag dating mo kaya natuwa siya magluto ng pag kain . Hindi raw niya kasi alam ang gusto mo ." "Ma ,ano ba naman kayo pinagod pa ninyo ang sarili ninyo , hindi na poh dapat kayo nag aksaya ng oras para mag luto. Masaya na ako sa noodles at itlog." "Naku anak, alam ko hindi ka nakakakain ng ayos kaya hayaan mo na lang ako. Gusto ko bumawi sayo, isa pa masayang masaya ako sa pag dating mo." Nasa ganoon pag uusap kami ng may narinig ako baritong boses . Gwapo, matipuno at maangas ang dating. Humalik ito kay mama at nag mano naman kay tito vic kung hindi ako nag kakamali ay ito ang sinasabing anak ni tito vic. Ang alam ko mas matanda ito sa akin ng limang taon mukha naman siya mabait kaya sigurado ako mag kakasundo kami. Kaya siguro dapat ko na sanayin ang sarili ko na kuya ang itawag ko sa kanya . "Iho, buti at bumaba kana nais ko nga pla ipakilala ang anak ni mommy divina mo, siya si rica estrella ang nag iisang anak ng mommy divina mo." Nakangiti humarap ito sa akin kaya ginantihan ko ito ng ngiti pero bigla na lang nag bago ang itsura nito . Napakunot ang noo nito na parang kinikilala ako at base sa nakikita ko ay parang matagal na niya ako kilala pero hindi ko naman malaman kung saan niya ako nakita. Bigla nawala ang ngiti sa labi nito at napalitan ng matalim na tingin sa akin. "Nice, meeting you rica, " malamig na wika nito sa akin sabay lahad nito ng kamay sa akin. Bigla ako nakaramdam ng takot sa paraan ng pag tingin nito sa akin . Nakakatakot kasi ang mga tingin nito na para bang may malaki ako pag kakamali nagawa sa kanya kaya tipid na ngiti na lang ang isinukli ko sa kanya. "I'm david or you can call me kuya david." Seryosong wika nito kaya dahandahang inabot ko ang kamay ko sa kanya . Agad ko rin naman binawi ang kamay ko sa kanya matapos ko mahawakan ang kamay nito dahil sa kuryente bigla na lang dumaloy sa akin dahil sa pag tatagpo ng aming mga kamay. Nanlaki ang mata namin pareho na parang parehas kami nagulat dalawa, hindi ko alam kung naramdaman din niya ang kuryente na iyon or marahil nagulat ito sa biglang pag bitaw ko dahil parang napaso ako sa kamay niya. Agad bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan kaya agad ko itinuon ang tingin ko sa pag kain . "Excuse me, dad i'm sorry i think kaylangan ko ng umalis may meeting pa ako." Wika nito sa kanyang ama . "Huh, iho hindi mo pa nagagalaw ang pag kain mo ." "I'm sorry mommy, kaylangan ko mauna sa office dahil naalala ko na may presentation mamaya at ayoko mag kamali . Mga importante investor iyon ng kumpanya kaya hindi pwede ako mag kamali . Kaylangan ko pag aralan mabuti iyon." Agad ito tumayo at muli nag mano sa kanyang ama . Humalik din ito kay mama at saka ito lamapit sa akin. "Welcome to hell my step sister," bulong na wika nito sa aking tenga kaya nagulat ako sa sinabi niya at mabilis ko nabitawan ang hawak ko kutsara at tinidor bago ito humalik sa aking pisngi. Wala na karinig sa sinabi niya dahil pabulong lang niya sinabi iyon sa akin. Napatingin ako sa kanya at doon ko nakita ang matalim na titig nito sa akin bago pa ito umalis sa aking tabi. Tinanaw ko na lang ang papalayo likod nito kaya napahawak ako sa aking dibdib. Ngayon pa lang binabawi ko na ang sinabi ko kanina na mag kakasundo kami dahil ngayon pa lang mukha mag sisimula na ang hindi magandang pag sasama namin sa iisang bubong na hindi ko alam kung saan nag gagaling ang kakaibang galit nito sa akin . "Ok, ka lang ba iha?" "Ah-eh ...ok naman poh ako ma ! Wag poh ninyo ako intindihin ayos lang poh ako ." "Bigla ka kasi natahimik anak, pag pasensyahan mo na ang kuya mo marami kasi ginagawa iyan sa office kaya masyado b.c yan. Pero wag kang mag alala dahil mabait naman siya ,tuwang tuwa nga siya ng malaman niya dito kana titira. Excited pa siya makilala ka." " Mukha hindi naman poh , hindi ganoon ang nakikita ko." "Bakit? Natatakot kaba sa kuya mo? Wag mo na lang siya pansinin baka kinakabahan lang siya sa meeting niya. Mamaya ok na ulet iyon , stress lang siya lately dahil sa hindi natuloy ang kasal niya." "Hindi natuloy bakit poh?" "May nangyari kasi hindi maganda. Mas mabuti wag mo nalang alamin dahil ayaw na niya pag usapan pa iyon." Seryosong wika ni tito vincent. Matapos namin mag usap ay sinamahan na ako ni mama sa magiging silid ko kaya agad ako nahiga doon . Malaki at maganda ang aking silid dahil kulay creamy white ang kulay noon at masyado girly din ang mga gamit doon. "Anak , nagustuhan mo ba ang kwarto mo? Alam mo ba ang kuya mo ang nag paayos niyan para sayo." "Poh?" Agad ako napabangon sa kama at hinarap si mama. Nagulat ako sa sinabi nito hindi ko inaasahan na ito pa pla ang mag aayos ng kwarto ko . Hindi ko alam kung dapat ba ako mag pasalamat sa ginawa niya o mas pipiliin ko na lang manahimik lalo na at may mga narinig ako hindi maganda sa kanya kanina lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD