chapter 3 pag Iwan

2275 Words
➡️Pag iwan⬅️ Maaga ako nagising dahil may pasok ako ngayon sa aking paaralan. Agad ako naligo at nag bihis dahil ayoko malate ngayon dahil ayaw ko na malunisan ako. Ayoko pa naman na lagi ako late sa pag pasok sa paaralan. Ng maging maayos na aking damit ay bumaba na agad ako. Una ko tinungo ang kusina at napangiti ako ng makita si mama na nag hahanda ng umagahan namin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito sa kanyang likuran at hinalikan sa pisngi. "Good morning... mama! " "Naku ito talagang bunso ko napakalambing talaga." "Mama, ang aga mo nagising ." "Naku , anak sanay talaga ako maaga na gigising kasi gusto ko makapag handa ng masarap na umagahan. isa pa ipinag handa ko kayo ng binalot ng kuya david mo. Gustong gusto kasi niya na ipinag luluto ko siya ng binalot niya." "Ganoon ba ma, tulungan ko na poh kayo." Nakangiting wika ko kay mama. Ng matapos kami ay lumabas na kami ng kusina at nag handa ng lamesa. Sakto naman dumating ang mag amang tito vic at david. "Abah , mukha yatang masarap ang umagahan natin dahil ang dalawang mga prinsesa ko ang nag handa." Nakangiting wika ni tito vic . Lumapit ito sa amin ni mama at hinalikan kami pareho. Si mama ay hinalikan niya sa labi samantalang ako ay sa pisngi. Si david naman ay masayang lumapit kay mama at hinalikan din si mama sa pisngi nito. Pero sa akin ay bigla tumalim ang tingin nito. Agad tumambol ang dibdib ko sa kaba dahil sa tingin nito sa akin. "Heto , nanaman siya ang mala dem*nyo niyang tingin . Ano ba ang problema ng lalaki na ito at parang ang laki ng problema niya sa akin." Inis na wika ko sa aking sarili inirapan ko lang siya dahil sa iinis ko . Ka'y aga aga binibweset ako ng tao na ito . Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko katulad ng pag halik niya noong isang araw. Mag hapon ko siya hindi na kita kahapon dahil umalis kami ni mama para mag bonding kaya ni kaluluwa nito ay hindi ko nakita. "Good morning " malamig na wika nito sa akin at umupo na sa tapat ni mama habang ako ay sa tabi naman ng aking ina. "Iha , balita ko malapit kana grumaduate ." "Ahh, opoh." "May balak kana bang applayan matapos mo grummaduate?" "Ahhmmm ... Wala pa poh tito " "Gusto mo ba mag apply sa company namin? Pwede ka namin bigyan ng mataas na position doon." "Naku, tito salamat na lang poh pero kung mag aaply ako sa company ninyo gusto ko poh dumaan sa tamang proseso at hindi dahil sa tinulungan ninyo ako. Ayoko poh ng special treatment , gusto ko poh ay mag trabaho ng maayos at lahat ng marating ko sa buhay ko ay galing mismo sa pinag paguran ko." "Alam mo para kang mama mo! Hindi mapag kakaila mag ina nga talaga kayo . Isa kang independent woman , bagay na gusto ko sa isang babae. Kaya nga pinakasalan ko ang mama mo dahil mabuti siyang tao. Iha! My bf kana ba?" "Poh!" Gulat na wika ko kay tito. "Bakit? Wala naman siguro masama kung mag tanong ako isa pa sa edad mo na yan, at sa ganda mo iyan , hindi malayo na marami ka man liligaw. Balak ko kasi ipakilala ka sa isa sa mga anak ng buessnes partners ko ." "Hon, napag usapan na natin yan, bata pa ang anak ko." "Hon , ang sabi mo sa akin 19 na siya , dalaga na at saka hindi ko naman siya pipilitin . Kung may bf siya or may nagugustuhan siya iba hindi ko naman siya pipilitin . Ano iha may bf kaba ngayon?" Napatingin ako kay mama at tito bago ako napatingin kay kuya david na nakikinig lang kay tito . Tahimik lang ito pero na roon parin ang seryoso mukha nito. Kaya pinilit ko na lang iiwas ang tingin ko sa kanya at binaling kay tito. Tipid ako ngumiti at sinabi sa kanya ang totoo . "Actually , tito may mga manliligaw poh ako pero never poh ako nag ka bf . Balak ko poh kasi tapusin muna ang pag aaral ko bago isipin ang mga ganyan bagay . Pakiramdam ko poh kasi hadlang lang sila sa plano ko makapag tapos ako ng pag aaral ko." "That's good iha, tama naman yang iniisip mo. Pero iha , nasayo rin naman yan kung gusto mo makapag tapos . isa pa , kung talaga gusto mo makapag tapos pwede mo naman gawin yan kahit may bf ka pa. Pero kung iyan ang pananaw mo edi sige , tapusin mo muna yan pag aaral mo. Maganda yan para sayo, i'm sure your mama is very proud of you.," "Abah, syempre bunso ko yata yan." "Ahhmm.. iha bago ko makalimutan ito nga pala ang allowance mo at credit card para sayo yan ." Agad nito kinuha ang wallet niya at pilit na ibinibigay ang pera sa akin. " Naku tito salamat na lang poh hindi ko poh matatanggap yan , hindi poh ako gumagamit ng pera na hindi ko poh pinag paguran . Sapat na poh sa akin na tinanggap ninyo ako dito para makasama ko si mama." "Iha, pasensya kana ito lang ang alam ko na pwede ko itulong sayo, isa pa anak narin ang turing ko sayo lalo na at anak ka ng babae pinakamamahal ko." "Pasensya na poh kayo tito, na iintindihan ko poh na nais ninyo mag paka ama sakin. pero masaya poh ako na gastusin ang pera galing mismo sa pinag paguran ko. Wag poh ninyo mamasamain ang pag tanggi ko sa pera inaalok ninyo sa akin. Saka may pera naman ako galing sa mga partime job ko . Wala naman poh ako pinag kakagastusan iba . Hayaan poh ninyo pag kinaylangan ko poh ng pera ako poh mismo ang lalapit para humingi sa inyo. Sa ngayon poh itago na ninyo muna yan . Na iintindihan ko poh na nais ninyo mag paka ama sa akin at masaya poh ako dahil doon, hindi ninyo alam kung gagaano ako nag papasalamat dahil kayo naging asawa ni mama." "Salamat iha , sige na kumain kana." "Siya nga pala david kamusta ang company?" "Ok naman dad, " "Balita ko wala ka na naman raw secretary? Tinanggal mo nanaman ba?" "Dad, puro palpak ang secretaray pinapadala ninyo eh." "Palpak nga ba o pinag iinitan mo na naman ? Hanggang ngayon ba hindi parin kayo ok ni sheila?" "Hanggang ngayon dad, hindi parin niya ako kinakausap." "Kaya ba pati mga empleyado mo idinadamay mo ?" "Dad , hindi sa ganoon puro sila palpak kaya ko sila tinatanggal at hindi dahil kay sheila." Napairap na lang ako sa kanya ng matalim niya ako tiningnan. Hindi ko alam kung ano ang nais niya mangyari at kung ano man iyon ay wala na ako pake doon. "Ahmm , iho pinag handa nga pala kita ng binalot mo tulad ng gusto mo paborito mo ang inihanda ko para sayo." "Wow, mommy ,mukha masarap yan sige poh yan ang pang lunch ko mamaya tiyak na mapaparami na naman ang pag kain ko." Nakangiti wika nito kay Mommy. Napabuntong hininga na lang ako sa inaasta niya. Bakit pag si mama kausap niya ang bait niya pero pag dating sa akin ay ang sungit niya? Siguro nga ayaw lang niya sa akin kaya ganoon siya umasta sa akin. "Hmm, iha, isang way lang naman ang dadaanan ninyo ni david, mabuti pa sumabay ka na lang sa kanya." "Poh , tito hindi na poh kaya ko poh mag commute. Iha, mas safe kung ihahatid ka ni kuya david mo . Isa pa bonding narin ninyo yan para maging close kayo dalawa." Nakangiti wika ni tito kaya wala na ako nagawa kundi ang ngumiti ng peke. Kahit na tutol ako sa gusto nilang mangyari. Pag katapos namin kumain ay sabay na kami lumabas ni david at hinatid rin kami nina mommy at tito Hanggang sa makasakay kami sa kotse . Naging tahimik lang ako sa tabi niya Hanggang sa huminto ito sa labas ng subdivision. Nag tatakang tumingin ako sa kanya at tumingin naman ito sa akin. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya kaya nag tatakang napakunot ang aking noo. Narinig ko tumunog ang lock ng pinto ng kotse at saka walang sabi sabing. Pinababa ako nito. "Baba! " "What ?" Takang tanong ko dito. "Nakakintindi kaba ? Hindi ka naman siguro t*nga! Baba sabi! ." Pahiyaw na wika nito. Hindi ako nakakilos agad dahil sa sinabi nito kaya agad ito bumaba sa kotse at binuksan ang pinto sa tabi ko . "Baba !" Sabay hablot nito ng braso ko at pinababa ako nito ng sasakyan. Wala ako nagawa kundi ang bumaba doon . Natakot ako sa itsura niya dahil madilim na madilim ang mukha nito. "Array..." Hiyaw ko ng pisilin niya ng madiin ang braso ko. "Diyan kana! at wag kang mag kakamali mag sumbong kay na mommy at daddy na iintindihan mo. Hindi ko masisikmura makasama ang isang katulad mo na sumira sa amin ng fiance ko sa iisang lugar! nasusuka ako sa tuwing nakikita kita !" Hiyaw nito sa akin . Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at buong pag tataka na tiningnan siya . Mag sasalita pa sana ako ng bitawan niya ako at saka itinulak kaya hindi ko na nagawa mag tanong pa. Nag madali ito sumakay sa kotse at iniwan ako sa labas ng subdivision. Wala ako nagawa kundi ang pumara ng jeep at sumakay doon. Napabuga pa ako ng malakas na hangin habang iniisip ang mga sinabi niya sa akin. Hanggang ngayon hindi mawala sa isipan ko ang sinabing iyon ni kuya david . Ano ibig niya sabihin ako ang dahilan ng pag hihiwalay ng fiance niya? Samantalang ngayon lang nman kami nag kakilala dalawa. ****** "Uy ... besty, kamusta ang pag tira mo sa bahay ng mommy mo." "Ok naman, mabait si tito at masaya kami mag kasama ni mommY." "Eh, iyong kapatid mo raw nakilala mo ba? Gwapo ba? baka pwede mo ako ipakilala sa kanya." Wika ni china. "Tungkol sa kanya hindi kami mag kasundo , muntikan pa ako malate ng dahil sa kanya." "Bakit naman" wika ni micah. "Paano ba naman pina baba ba naman ako sa kotse niya kanina ng makalabas kami ng subdivision." "Talaga ! May ugali pala iyang kapatid mo ." "Talaga ! Sobrang sama ng ugali niya, mabuti na lang maayos ang pakitungo niya kay mama kung hindi naku kakalbuhin ko talaga yang kapatid kong hilaw." "Baka naman type ka ng kapatid mo hilaw kaya ganyan siya sayo , hindi naman malayo hindi ba? Maganda ka naman iyon nga lang mag kapatid kayo ." Wika ni roxy. "Hala siya, kayo talaga kung ano ano na pumapasok sa utak ninyo masyado marumi ! linislinisan ninyo kaya iyang utak ninyo ." Nag katawanan kami lahat bago dumating ang prof namin . Pinilit ko tanggalin sa isip ko ang mga sinabi ni kuya david sa akin at mas pinili intindihin ang lecture. Matapos ng klase namin ay dumeretso na agad ako sa restaurant kung saan ako nag papartime. "Hi, " wika ni troy na kapwa ko partimer sa lugar na iyon. Mabait siya at matagal na nanliligaw sa akin pero hanggang ngayon ay undecided parin ako . "Hi, kamusta bakit ka absent ng ilang araw?" pag tataray ko sa kanya. "Bakit na mis mo ba ako? Wag kana mag alala may pasalubong naman ako sayo eh," May kinuha siyang kahon mula sa bulsa niya . Medyo may kahabaan iyon at saka niya binuksan iyon sa harap ko. Nagulat ako ng may nakita ako bracelet na may mamahaling bato at saka niya kinuha ang kamay ko at isinuot iyon sa akin. "Troy ano ito?" "Para sayo yan , ng umuwi ako sa cebu nakita ko yaan at ikaw agad ang naisip ko . Bagay na bagay pala talaga sayo yan." "Teka troy , hindi ko matatanggap ito isa pa hindi pa naman kita boy friend." "Bakit kaylangan ba boy friend muna bago kita bigyan? Hindi ba pwede gusto ko lang ? Isa pa hindi ko naman babawiin yan kung sakasakali hindi mo ako sinagot , kasi regalo ko yan sayo. Hindi ko na binabawi ang mga bagay na binigay ko na . Binigay ko yan dahil gusto kita bigyan. At hindi mo rin ako kaylangan sagutin dahil lang binigay ko yan sayo. May oras ka para pag isipan ang lahat na iintindihan mo ba?" Tipid na ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya, para mag pasalamat sa kanya. "Salamat troy, napakaganda nito." "Nagustuhan mo ba?" "Yes, sino ba naman hindi ang ganda kaya nito." "Oh,, siya mabuti pa pumasok na tayo baka makagalitan tayo dalawa kasi late na naman tayo. Natatawang wika nito kaya umalis na agad ito . Tulad ko ay independent rin si troy isa siya sa taga pag mana ng isang shipping lines pero mas pinili niya maging isang normal na tao. Ayaw niya tanggapin ang pagiging taga pag mana niya dahil ayaw niya mahawakan sa leeg ng magulang niya . Kilala bilang isang mabangis na ceo ang ama ni troy at ng tanggihan niya ang position ay umalis siya sa poder ng magulang niya para mamuhay ng simple . At dahil doon ay nag kakilala kami mismo dito sa restaurant na ito bilang mga partimer . Isang taon narin kami mag kakilala at naging matalik na mag kaibigan kaya masaya ako na nakasama ko siya. Ni minsan hindi niya ako pinilit na sagutin siya at iyon ang bagay na nagustuhan ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD