chapter 4 pag papahirap

2165 Words
➡️Pag papahirap⬅️ Gabi na ako nakuwi kagabi dahil sa aking partime job . Buti na lang at nagawa ako ihatid ni troy pauwi sa bahay, no choice ako kung hindi umangkas sa kanya sa motor dahil masyado na gabi at wala na ako masasakyan pa. Buti na lang at lagi siya may dalang helmet na siyang pinagagamit niya sa akin. "Troy, salamat sa pag hatid mo sa akin dito." "Bakit sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na bumayahe ka mag isa? Masyado na gabi, isa pa na mis ko ang ganito." "Ikaw talaga! Sige na nga umalis kana masyado na gabi at isa pa kaylangan mo na rin mag pahinga alam ko pagod karin." "Sige... Sabi mo eh..." "Bye, troy gud night." "Gud night din rica , mukha mapapasarap ang tulog ko dahil sa sinabi mo." "Tsssk, puro ka kaalokohan! " Natatawang wika ko sa kanya. Mayamaya lang ay hinubad nito ang kanyang helmet at hinalikan ang pisngi ko bago ito nag pasyang umalis na . Kinindatan muna ako nito bago niya paandarin ang motor niya. Bumusina siya tanda ng pag alis niya kaya kinawayan ko na lang ito. Ng mawala na siya sa aking harapan ay nag pasya na ako pumasok sa gate . Inilibot ko ang paningin ko sa kabahayan at mukha tulog narin ang lahat . Ngunit may isang bulto ako nakita na nakatayo sa may veranda at may hawak na isang bote ng alak . Nakatingin siya sa direction ko at alam ko nakita niya kung ano ang nang-yari sa labas . Kaya pinilit ko na lang ialis ang tingin ko sa kanya. Nagtuloy ako sa pag pasok sa loob at pumanhik sa ikadalawang palapag. Pag dating ko sa pinto ng kwarto ko ay kinuha ko na agad ang susi para buksan ang aking Kwarto. Napalingon ako sa tapat na pinto ng kwarto ko at lumabas mula doon si kuya david may suot siyang bathrobe habang tinutungga niya ang alak na hawak niya. Napalingon siya sa akin at sarkastiko ngumiti sa akin . "Sino nag hatid sayo boy friend mo?" "Wala poh ako boy friend kuya , katrabaho ko lang siya." "Katrabaho? Gabi na kayo Umuwi at hinalikan ka sa pisngi tapos sasabihin mo katrabaho mo lang?" "Ok , fine manliligaw ko siya, ano masaya kana?" Ngumisi siya at muling tinungga ang alak na nasa kanyang kamay , " talaga? Manliligaw mo lang e, kung maka asta parang may nang-yari na sa inyo." "Alam mo kuya sa pag kakaalam ko step brother kita ! Hindi kita tatay at mas lalo hindi mo asawa ang mama ko kaya wala kang pakielam kung may mangyari man sa amin ng manliligaw ko. Free ka mag isip ng masama tungkol sa akin pero hindi free ang pakikielam mo sa buhay ko." Inis na wika ko sa kanya. "Iha, ano nangyayari dito nag aaway ba kayo dalawa ng kuya mo?" Wika ni mama na basta na lang lumitaw sa aming harapan." "Ma! Bakit gising pa kayo?" Hinihintay kita dumating buti at narito kana anak. Lumapit ako kay mama at humalik sa pisngi nito ng hawakan ni mama Ang kamay ko. "Ano ba pinag tatalunan ninyo? Nag aalalang tanong ni mama. "Eh , kasi ma ," "Pinag sasabihan ko lang siya ma, gabi na siya umuwi at may kasama lalaki . Nakipag halikan pa siya sa tapat ng bahay kaya napag sabihan ko ." Mabilis na wika ni kuya david. Gulat na napatingin ako kay mama at doon ko nakita disappointed siya sa kanyang narinig. "Totoo ba iyon anak?" "Ma , wag ninyo sabihin maniniwala kayo sa lalaking iyan! Ma, nag sisinungaling siya. Pinag overtime poh ako ng boss ko kanina, wala ako masakyan pauwi at maswerte ako at inihatid ako ni troy dito. Manliligaw ko poh si troy at nag magandang loob lang siya na ihatid ako . Isa pa ma , siya ang unang humalik sa pisngi ko. At hindi ko poh ginusto iyon. Nagulat lang ako ng ginawa niya iyon ." Natatarantang wika ko kay mama, natatakot kasi ako na baka kung ano isipin nito. Hinawakan ako ni mama sa mag kabilang pisngi ko at tiningnan ang aking mga mata. "Shhhhh, wag kang mag alala alam ko nag sasabi ka ng totoo at hindi mo magagawa iyon. pasensya kana anak kung pinag dudahan kita." "At ikaw david , itigil mo na yang kakainom mo at baka lasing kana kaya kung anoano nakikita mo." "Tsssk, hindi pa pah ako lasing ma ! Nag papaantok lang ako. At iyon ang nakita ko kung ayaw ninyo maniwala bahala kayo." Inis na wika nito at nag madaling bumaba sa hagdan . Kami naman ay nag katinginan dalawa ni mama at saka niya inayos ang buhok ko at marahang sinipit sa kaliwang tenga ko. "Nak , wag mo masyado isipin ang kuya mo anak, nag aalala lang iyon para sayo isa pa ngayon lang siya nag kemeron ng kapatid at nag kataon babae ka pa. Wag mo sana pag isipan ng masama ang kuya mo , iniingatan ka lang niya para hindi ka mapahamak kaya sa susunod ayoko na sinasagot mo siya kasi mas matanda siya sayo ok! Intindihin mo na lang siya." "Ok ma, wag poh kayo mag alala hindi na poh mauulit ang pag sagot sagot ko sa kanya." Nakangiting wika ko at muli binuksan ang aking silid para makapag pahinga na. "Iha, maalala ko nga pala aalis ako bukas dahil may pupuntahan kami property ng tito vic mo. Medyo tatagal iyon ng tatlong araw kaya ikaw na muna ang bahala dito sa bahay . Sa susunod wag kana ulet mag papagabi ng ganito at alam mo na ang kuya mo baka mag talo na naman kayo. "Opoh ma," nakangiti wika ko dito bago ko ulet siya hinalikan sa pisngi nito . "Sige, na ma tulog na tayo maaga pa ang pasok ko poh bukas." "Sige , iha, gud night ." "Gud night ma!" Tulad nng mga na unang araw ay sumasabay ako kay kuya david sa kotse niya at ibinababa lang niya ako sa labas ng subdivision. Pero mas nakakainis ang araw na ito dahil na late ako ng pasok sa isang subject ko dahil sa sobrang traffic. Ayaw kasi ako pa alisin ni mama ng maaga at pinipilit niya na hintayin ko raw si kuya david . Pero ang hindi alam ni mama na pag dating sa labas ng subdivision ay pa bababain lang din ako nito. Pag katapos ng klase ay umuwi ako ng maaga dahil marami ako reports na dapat ko tapusin . Hindi na muna ako nag partime ngayon dahil ayoko magahol sa oras . Pag kadating ko sa mansion ay nag madali na ako nagbihis para umpisahan ang aking report. Bumaba na muna ako para mag handa ng aking meryenda ng harangin ako ng isa sa mga katulong . "Mam, pinabibiggay poh ng kuya ninyo, labahan daw poh ninyo ang damit niya." "Poh? Pero may reports ako dapat gawin," "Naku mam, pasensya na poh may sakit kasi ang anak ko kaya nag paalam poh ako uuwi muna kaya pinayagan ako ni sir." "Rica, nakuha mo ba ang mga damit ko?" Wika ni kuya david na bigla na lang dumating sa aking likuran. Namaalam sa akin ang mga katulong na mag babakasyon muna , kaya tayo lang dalawa dito . At dahil wala naman si mommy at daddy ay pumayag na ako . Isang buwan na kasi sila walang bakasyon kaya pumayag na ako. At dahil aalis sila ikaw na muna ang gagawa ng gawaing bahay. "Pero kuya , maaga ako dumating dahil may gagawin ako report importante iyon kaya hindi ko na magagawa ang ipaglaba ka." "Mag hapon ako pagod sa trabaho at kabikabila ang meetings ko kaya hindi ko magagawa mag laba. Sige, ganito na lang kung hindi ka papayag hindi ko na lang paalisin si yaya edna . Yaya, pasensya na hindi kita pwede payagan sa next month ka na lang umalis." "Poh , sir paano poh anak ko nasa hospital poh." "Walang gagawa ng gawain bahay dito kaya hindi ko kayo pwede payagan." " Sir,maawa na kayo mis na poh namin ang pamilya namin." Na iiyak na wika naman ng isa pang katulong. Agad ako nakaramdam ng awa para sa tatlong katulong kaya wala na ako nagawa kundi ang pumayag. "Sige, na poh manang ako na poh gagawa ng trabaho ninyo umuwi na kayo sa pamilya ninyo." "Talaga poh mam, naku napakabuti poh pala talaga ninyo mam ," "Sige , poh mag iingat poh kayo ." Agad ko kinuha ang laundry basket para isalang iyon sa automatic washing machine ng bigla nag salita si kuya david. "Wag mo nga pala isalang iyan sa washing machine, gusto ko mano mano ang pag lalaba ng damit ko dahil hindi nawawala ang dumi niyan , pag isinalang sa washing machine. "Ano ? Pero kuya, masyado malalaki ang damit mo at may kabigatan ang lahat ng ito . " Pag aapela ko pa dito dahil nasa 6'5 ang taas niya kaya malalaki ang damit niya . Dagdagan mo pa na puro office attire iyon kaya sadyang madami ito. "Bakit hindi mo ba kaya ? Gusto mo ba pabalikin ko sila?" "Ha ... Wag kuya, umasa na sila makakauwi sila kaya sige , na ako na gagawa nito." Wala ako nagawa kundi gawin ang nais nito at saka ko ito dinala sa laundry area. Doon ay sinubukan ko labhan ang mga damit niya , sobrang pagod ako dahil malalaki iyon at mano mano ko pa siya ginawa. Napatingin pa ako sa kapirasong tela na aking nahagip. Nagulat pa ako ng ibuka ko iyon at bumungad sa akin ang kanyang brief. "Oh, f**k bakit may brief dito?" Takang tanong ko pa . Naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi habang tinitingnan ko ang brief na iyon. Pero laking gulat ko ng bigla na lang ako nakaring ng boses mula sa likod ko. "Bakit mo pinag mamasdan ang brief ko ? pinag nanasaan mo ba ako?" "Ay ... butiki! Hiyaw ko sa pag kagulat." Napahawak pa ako ng madiin sa aking dibdib at napalingon sa kanya. "Bakit kaba nang gugulat! At saka pwede ba hindi kita pinag nanasaan . Hindi lang ako sanay mag laba ng panloob ng mga lalaki." Depensa ko pa sa sarili ko kahit ramdam ko ang kakaibang kaba sa aking dibdib. "Tsssk, bilisan mo na diyan kasi mag luluto kapa! " "What? Pero kuya," "Hindi ako marunong mag luto kaya ikaw ang mag luto." "Pero, kuya may report pa ako at saka pagod na Ako mag laba, baka pwede umorder na lang tayo." "Hindi ako mahilig sa order , mas bet ko ang lutong bahay kaya nga si mommy ang nag hahanda ng lunch ko hindi ba? Kaya bilisan mo na diyan at para makapag handa kana ng hapunan." Agad ito umalis sa tabi ko habang ako ay nag ngingitngit sa labis na galit . Hindi ko na halos na malayan kung ano oras ako natapos dahil sa pagod. Matapos ko mag laba ay dumeretso agad ako sa kusina para ipagluto si kuya ng hapunan . Nag dala na lang ako ng hapunan ko sa aking silid dahil plano ko doon na lang kumain. Ipinasok ko muna ang pag kain ko sa aking Kwarto bago ko siya katukin sa pinto ng kanyang silid . "Kuya david bumaba kana at kumain, hindi na ako sasabay sa pag kain dahil may pag kain na ako. Bumaba kana at kumain pinag handa nakita ng pag kain mo ." Ng masabi ko iyon ay hindi na ako nag abala pa hintayin siya sumagot at nag tungo na agad ako sa aking silid. Pag kasara ko noon ay narinig ko na lang ang pag bukas ng pinto ng kwarto niya pero hindi ko na siya inintindi pa. Agad ko kinain ang hapunan ko dahil ayoko siya makasabay sa pag kain at baka mawalan pa ako ng gana kumain. Matapos ko kumain ay agad ko sinimulan ang aking report . Hindi ko na halos alam kung ano oras ako natapos sa report ko pero sure ako na inumaga na ako sa pag gawa noon. Dahil ng magising ako ay sobrang sakit ng ulo ko dahil sa kakulangan sa tulog. Pero pinilit ko parin bumangon ng umaga dahil kaylangan ko mag handa ng umagahan ni kuya. Ng maayos ko ang umagahan namin ay nilagay ko agad iyon sa dalawang baunan. Ang isa ay Ngayon umaga habang ang isa ay para sa lunch ko. Ipinag handa ko rin si kuya ng baon niya tulad ng ginagawa ni mama sa kanya. Uminom lang ako ng gatas at nag hain ng pag kain. Tinakluban ko na lang ang pag kain ni kuya at ang baon naman niya ay nasa tabi lang din niya . Matapos ko masigurado ok na ang lahat ay nag pasya na ako lumabas ng bahay . Ayoko mag pang abot kami dalawa dahil sigurado ako away lang ang aabutin noon. Kaya bago paman siya makalabas ay dapat naka alis na rin ako .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD