"Ahh.. naku mga sir, hindi ko nga poh alam kung san ito galing eh." Nakangiting wika ko na medyo kinikilig pa. Napatingin ako kay david na seryoso ang mukha at nakatingin sa hawak ko na bulaklak. Pero binaliwala ko na lang ito ng tuksuhin ako nina clyde. "Ganyan ka ba kiligin rica ang cute mo pala." Nakangiting wika ni Clyde. "Hoy! Clyde tumigil ka nga diyan tigilan mo itong si rica huh... Baka hindi makatapos ito ng ojt buntis na." Puna naman dito ni sir Herbert kaya nag tawanan silang lahat. "Paano rica mauna na muna kami sayo kasi meroon pa kami meeting." "Sige poh sir, ingat poh kayo." Nakangiting wika ko sa kanila. Nabaling ang tingin ko kay david at nakita ko ang pagtiim ng bagang niya habang nakatingin ito sa hawak ko na bulaklak. Ng paalis na ito ay tumingin ito sa mukha ko

