Mahigit dalawang oras ang lumipas sobra ng nangangalay ang mga binti ko. Naisip ko na mas mabuti pang mag-trabaho pa restaurant kesa sa maging receptionist. Pag waitress ka kasi nakakalakad lakad kapa samantalang pag receptionist ka nakatayo ka lang at mag hapon at ngingiti sa bisita. Hindi ko nga alam kung nakangiti pa ba ako o naka ngibit na dahil sa dami ng nadating na bisita. "Rica, ang kuya mo ohh!" Bulong sa akin ni roxy na nakatingin sa entrance. Si david ang bumungad sa paningin ko. Ang sabi niya sakin malalate raw siya ng pasok dahil may meeting siya ng 8:00 sa ilang investor sa isang restaurant. "" Good afternoon, sir! "Sabay naming pagbati sa kanya. Nakatingin siya akin. At ngumiti sa aming lahat na nasa reception. " Good afternoon! Pagbati rin niya habang naglalakad

