Amanda's POV Kinabukasan. Sa gazebo nag-almusal siya kasama ang Ninang Giselle niya. Mahangin. Maaliwalas. At sobrang ganda ng umaga para sa kanya. Dahil iyon sa pagkapanalo niya kay Damian kagabi. Pakiramdam kasi niya, nalalapit na niyang mahawakan ang milyong premyo. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nagawa niya. Na bumigay na si Damian sa kanya. Na nahalikan niya ito kagabi matapos niyang akitin, matapos niyang painitin. Hindi pa buo, pero sapat na. Sapat na para may maibalita siya sa Ninang Giselle niya na alam niyang ikatutuwa nito. “Kumagat na ba?” tanong ni Giselle habang marahang hinahalo ang kape. Hindi pa man sumasagot si Micah, nakangisi na ito. Parang alam na ang sagot. Tumingin siya rito saka ngumiti. Ngiting may yabang. Ngiting panalo. Sinadya niyang bahagyang ikil

