She was told to stay outside. He made sure no one else got close. *** Pagdating sa mataas at malaking building ng mga Navarro na pagmamay-ari na rin ni Damian agad na silang bumaba sa sasakyan. Si Damian, hindi man lang siya inalalayan sa pagbaba. Basta na lang itong bumaba at iniwan siya. "Kalma lang, Micah. Makakabawi ka rin," bulong niya at inayos ang buhok para mas maganda siya bago sumunod kay Damian sa loob ng building. Pagpasok nila sa Navarro Group building, agad na bumalot sa kanila ang malamig na air conditioning at mas lalong pormal na atmosphere. Halos sabay-sabay na tumigil ang mga naglalakad. “Good morning, Sir Damian.” “Good morning po.” “Sir Damian, this way po—” Bawat pagbati ay sinasalo ni Damian nang walang emosyon. Isang simpleng tango lang o minsan, wala

