Chapter - 19

1160 Words

“Virgin,” ulit ni Damian sa tonong nanunuya, nagdududa. “Sa edad mong iyan, Micah. Sa ayos mong iyan. Sa ginagawa mo ngayon sa mesa ko. Kahit sino magdududa sa sinasabi mo.” Hindi siya gumalaw sa kinauupuan. Nanatili siyang nakaupo sa ibabaw ng mesa, magkakrus ang mga hita, sadyang inilalabas ang mapuputi at makinis na mga hita para sa mga mata ni Damian. Ang kanyang virginity ang alas niya kay Damian. Gagamitin niya nang maayos para maipanalo ang misyon. “Sa nakikita ko sa kilos mo, Micah, halatang sanay ka na sa lahat ng bagay,” patuloy nito. “Bata ka pa, kaya paniguradong mainit at mapusok ka, kaya hindi na ako magtataka kung hindi ka na birhen. Isama pa ang henerasyon mo ngayon, na wala pang legal age ang iba pero ibang laro na ang nilalaro,” litanya nito na may pag-iling pa ng ulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD