Chapter 1

1523 Words
Sasha “Thank you.” Yumakap sa kaniya ang kapatid na si Princess. “It’s okey. Tahan na,” bulong niya. “Ang sama niya talaga. Wala naman akong masamang ginagawa sa kaniya!” Napapadyak at padabog na humiga si Princess na kapatid niya sa kama habang umiiyak. Napalunok na lamang siya. Kapag ganitong umiiyak ang kapatid niya ay hindi niya magawang patahanin ito. Ang magagawa niya lang ay yakapin ang kapatid. “Palagi niyang pinapagawa ang mga bagay na kahit ayaw ko ay pinipilit niya. Wala akong sariling isip dahil kino-kontrol niya ako. She’s too much.” “Alam mo namang ganiyan talaga ang Mommy mo. Kaya nga hindi kami magkasundo at ayaw niya rin sa `kin,” ani niya. Ngumuso siya habang inaalala kong gaano ka ayaw ng mama nito sa kaniya. Magkapatid silang dalawa ni Princess sa ama, at ang tunay na mommy niya naman ay iniwan siya. “Stop crying,” pagpapatahan niya rito at pinunasan ang luha nito gamit ang mga daliri niya. “Get some snacks then, dito ka na sa kuwarto ko magdamag. Basta huwag kang magpapahuli sa mama mo,” natatawang sabi niya habang hinahaplos ang likod ng kapatid. Humiwalay ito ng yakap sa kaniya na may malapad na ngiti at pinunasan ang luha. Kapag pagkain talaga ay nag-iiba ang mood nito. “Sanay tayo rito. Kaya hindi niya ako mahuhuli,” ani nito na nakasimangot. Natawa na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang kapatid palabas sa kuwarto niya. Ganito sila palagi ng kapatid niyang si Princess, nag-uusap nang patago, at kapag nakatingin ang mommy nito sa kanila ay nagpapanggap na magkaaway dahil ayaw ng mommy nito na magkalapit silang dalawa. Napaayos siya ng upo sa kama dahil bumukas ang pintuan at pumasok ang kapatid niya na si Princess na humahangos. “Kinabahan ako ro’n,” ani nito habang sapo-sapo ang dibdib. “Why?” “I saw her sa hagdanan pababa. Mabuti at nakatago ako kaagad kaya hindi niya ako napansin.” Natawa na lamang siya. Lumapit ito sa kaniya habang dala-dala ang mga pagkain. “Tataba ako nito,” maktol nito habang binubuksan ang pagkain. Naghahanap naman siya ng DVD para panoorin nila. Gabi na sila nakatulog dahil tinapos talaga nila ang lahat ng episode na pinanood. “Good morning, Dad.” Humalik siya sa pisngi ng ama bago umupo sa tabi nito. Kakagising niya lang, ni hindi niya pa nagawang maghilamos dahil inaantok siya. “Good morning. Where’s your sister, Sasah?” Napanguso siya rito at iginala ang paningin sa paligid. Kaninang lumabas siya ng kuwarto ay tulog pa sa mantika ang kapatid niya. “I’m not sure if she’s still sleeping, Dad,” sagot niya lamang dahil baka marinig pa siya ng bruha niyang stepmother. “Where is Tita Elena, Dad?” tanong niya sa ama. Nagkibit-balikat lang ito sa kaniya at nagpatuloy kumain. Minsan naiisip niya na hindi maganda ang pagsasama ng mag-asawa. Simula pagkabata niya ay nakikita niya na ang mga ito na palaging nagbabangayan. Never niya ring nakita na naging sweet ang dalawa. “Dad, do you love Tita Elena?” Hindi niya mapigil ang magtanong. Alanganing ngumiti siya nang tumigil ang ama sa ginagawa at tumingin sa kaniya. “I’m sorry to ask po. Of course you love her. Hindi mo naman po siya pakakasalan kong hindi mo siya mahal.” Matagal na pinatitigan siya ng ama na ikinailang niya lamang. Kung tingnan siya nito para bang may gusto itong sabihin sa kaniya. “Just eat honey.” Ngumiti ito sa kaniya tsaka tinuloy ang pagakain. Naisip niyang wala naman talaga siya sa lugar para tanungin ang ama. “Dad, sabay na tayo pumasok sa opisina.” Pag-iiba niya sa usapan at paglalambing niya na rin. Ilang linggo rin niyang hindi ito nalambing dahil busy sila pahero sa trabaho. “Okay,” natatawang sagot ng ama niya. Kahit dalaga na siya ay palagi siyang pinagbibigyan ng ama niya. Minsan ay parang bata siya kung umasta kapag naglalambing dito. “I miss you, Dad” Ngumusong tumayo siya at niyapos ang kaliwang braso ng ama. “I miss you too, honey. Now what do you want? kanina kapa naglalambing sa 'kin.” Wala sa sariling napangiti siya sa ama. Humilig siya sa balikat nito. “Ah...Dad, puwede bang wala na lang akong driver ngayong araw? Marunong naman ako. I promise I’ll drive slowly to make sure na walang mangyayaring masama sa `kin.” “No,” saad nito. “Please! Please, Daddy.” Nag-puppy eyes pa siya sa ama para lang talaga pumayag ito. “Please?” Malalim na bumuntong-hininga na lamang ito at tumango. “Yes! Thank you,” ani niya. Tuwang tuwa na yumakap siya sa ama at humalik sa pisngi nito. “Alam ko naman kasi na kukulitin mo lang ako araw-araw kapag hindi ako pumayag,” ani nito na ikinanguso niya. “Well, you know me, Dad,” nakangiting sabi niya. Pagkatapos kumain at naligo ay umalis na silang dalawa ng daddy niya. Kaso hindi siya nito pinayagang magmaneho ngayong araw, bukas nalang daw. Nasa biyahe sila ngayon at papunta sila sa trabaho. Nakapikit ang mata ng ama habang nakasandal sa inuupuan. Malungkot na pinatitigan niya ang ama. Kita niya ang lungkot sa mukha nito na hindi niya alam kung bakit at ano. She also want to ask him about her mom, pero hindi ito sumasagot sa kaniya. Tinitigan lang siya nito at ngumiti nang malungkot, kaya hindi niya na sinusubukang magtanong ulit tungkol sa ina. Ang ikinakalungkot niya lamang ay kahit pangalan nito ay hindi nito alam. “Dad, we’re already here,” paggising niya sa ama. Unti-unting dumilat ito. “Sorry. Nakatulog pala ako.” “It’s okay po, Dad. I know you’re tired po. Bumaba na po tayo.” Nauna na siyang lumabas saka umikot para pagbuksan ang ama. “Thank you, honey.” Sabay silang pumasok sa Oval Company na pagmamay-ari ng ama at kung saan din siya nagtatrabaho. “Come in.” Sumilip doon ang secretary niya na si Khate at naging kaibigan niya na rin. Naging isa na ito sa matalik niyang kaibigan dahil matagal na rin itong nagtatrabaho bilang secretary niya. “Best, it’s already twelve. Time to eat.” “Salamat sa pagpapaalala sa 'kin, kung hindi nakalimutan ko na naman,” ani niya sa kaibigan. Tumayo na siya at lumabas na ng opisina. Napatingin siya sa relo at naalala ang daddy niya. “By the way how about Dad?” she asked her. “Kumakain na rin siya, dinalhan ko lang sa loob ng office niya dahil tinatamad daw lumabas.” Nakangiting tumango siya. “Okay. Sabay na tayo mag-lunch,” ani niya rito. “Ay sige.” Nagmamadaling kinuha nito ang bag. “Alam mo Sah, kapag ako hindi nakapagpigil pupuntahan ko 'yang prince charming mo.” Natatawang nailang na lamang siya kay Khate at napatingin sa lalaking kumakain sa kabiling mesa. She doesn’t know kung siya ba talaga ang sinusundan nito o nagkataon lang na kung nasaan siya ay nakikita niya ang lalaki. Maliban nalang sa trabaho at bahay ay hindi niya ito nakikita, pero kapag gumala siya ay nakikita niya ang taong ito. Iniisip niya nga na baka sinusundan siya nito. “Malay mo hindi pala ako ang sinusundan niya, baka ikaw,” bulong niya rito. Kinikilig namang nagtakip ng bibig ang kaibigan niya. “Sana nga.” Natawang napailing na lamang siya at tumingin sa kabilang lamesa. Pinakatitigan niya ang lalaki kung masamang tao ba ito, pero masasabi niya namang hindi ito mukhang addict at mukhang may pera naman. “Ang guwapo 'no?” ngusong tanong ng katabi niya na sinang-ayunan naman niya rin dahil guwapo talaga ito at may malaking pangangatawan na kahit naka t-shirt ito ay alam niya. “Yes, pero mas guwapo at sexy pa rin ang prince charming ko.” Iniisip niya pa lang ang pangangatawan ng lalaki ay naglalaway na siya. “Ay! Mayroon kanang jowa?” tanong ni Khare na inuusisa talaga siya. Ngumusong tumango siya at napapikit nang bigla nalang siya nitong hinampas. “Ay! kinikilig kapa nga, So may jowa ka na? Ayaw mo na riyan sa sumusunod sa 'yo?” sunod-sunod na tanong nito na ikinataas ng gilid ng labi niya. “Hindi ko siya type, at bakit naman ako magkakagusto sa kaniya kong hindi ko siya kilala? And I even don’t know why he’s always following me, or baka nga talaga nagkakataon lang, pero imposible 'yon kaya baka ikaw talaga ang sinusundan niya.” Napabungisngis ito at nagtakip ng bibig, halatang kinikilig. Lumapit ito sa kaniya at bumulong. “Sige, ganito ang gagawin natin para nalaman natin kung sino ang sinusundan niya.” “Paano?” Salubong ang kilay niya. Lumapit siya nang kaunti rito. “Mauna kang lalabas. Tapos tatawag ako sa `yo kung sumunod siya.” Nakangiting nag-thumbs up siya. “Okay, aalis na ako.” Tumango ito kaya kinuha niya na ang bag at lumabas sa restaurant. Mahigpit na napahawak siya sa sling bag at palinga-linga sa paligid para tingnan kung sinundan ba siya ng lalaki. Alam niyang hindi niya pa ito nakilala kaya alam niyang wala siyang atraso rito. Matagal na niya itong nakikita, pero never pa siya nitong nilapitan kaya hindi naman siya natatakot na baka saktan siya nito. Ang hindi niya lang maunawaan kung bakit siya nito sinusundan. Kaagad niyang kinuha ang cellphone sa bag ng tumunog at tumatawag si Khate, “Nakakainis,” bungad nito sa kaniya. Natatawa siya pero doble ang kabog ng puso niya sa kaba. “Umalis siya pagkaalis mo at ngayon nakasunod siya sa 'yo, hindi man lang ako napansin na nasa likod niya lang,” ani nito at may inis sa boses. “Now wala ka nang pag-asa dahil ako ang binuntutan. Hintayin kita, huwag kana magpapansin diyan,” ani niya. “Nakakainis talaga siya. Hindi man lang pinansin ang beauty ko.” Natawa na lamang siya sa kaibigan at hinintay ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD