Chapter 2

1543 Words
Sasha Ngayon hindi na naniniwala si Sasah sa forever, dahil kung mayroon man, bakit ang magulang niya ay hindi nagkatuluyan? At ang kaisa-isang taong minahal niya ay iniwan din siya. Sobrang sakit nang iniwan siya ng nanay niya at mas domoble ang sakit ng iwanan naman siya ng dating kasintahan. Tinatanong niya sa sarili niya kung bakit lahat nalang ng taong minamahal siya ay iniiwan siya, pero tanggap niya na 'yon. Ganoon talaga siguro ang kapalaran niya, ang iniiwan siya. Hindi naiwasang mapahikbi ni Sasah nang naalala ang lalaki. Mahigit walong taon na ng hindi niya ito nakikita. Iniwan lang siya nito bigla-bigla at walang pasabi, pero sariwa pa sa alaala niya ang sakit. It hurts so much. “Nam-miss kaya niya ako?” Malungkot na ngumiti siya. Of course not, hindi siya nito nam-miss dahil kahit ni isang text o tawag ay hindi nito ginawa. Marahan na pinunasan niya ang pisngi at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Nagpalit siya ng damit bago lumabas ng kuwarto. “Where are you going?” pasimpleng tanong sa kaniya ni Princess na walang nakakarinig na iba bukod sa sila lang. “Bar. Don’t worry mag-iingat ako.” Pinakatitigan siya ng kapatid. Alam na siguro nito kung bakit, dahil ngayong araw lang naman ang petsa kong kailan siya iniwan ng dating kasintahan. “Okay.” Sumenyas pa ito sa kaniya na tatawag siya kapag may kailangan. Tumango siya at lumabas na ng bahay. Habang nagmamaneho ay patingin-tingin siya sa side mirror ng kotse. Nakasunod na naman sa kaniya ang motor na laging nakabuntot kung saan siya pupunta. Ang dahilan niya lang ay makalimot sa kung ano ang araw ngayon, ngunit nagbago nang may naisip siyang kalokohan. “One margarita, please.” Nginitian niya ang bartender nang lingunin niya ang lalaki, nakatingin ito sa kaniya habang nakaupo sa pinakagilid na walang katao-tao. “Here’s your drink, Ma’am.” “Salamat.” Ngumiti siya hawak ang isang baso at habang umiinom ay lumapit siya sa lalaki. “Alone?” nang-aakit na tanong niya habang tumayo sa harapan nito at tinutungga ang inumin. Alam niyang kahit sinong akitin niya ay mapapasakaniya. Hindi lang ganda ang binigay sa kaniya ng Panginoon kun’di pati na rin ang ganda ng pangangatawan. She’s beautiful and sexy, she knows it. “Yes.” “What is your name?” “Bastian.” Napatango siya. “Can I sit down?” Hindi niya na hinayaang sumagot ito. Umupo siya sa tabi nito at sinadya pang hawakan ang hita ng lalaki. Nang-aakit na binalingan niya ito ng tingin. Ang lapit na ng mukha niya sa mukha nito na kung gagalaw ito ay mahahalikan siya, pero ang mukha ng lalaki ay walang karea-reaksiyon. Para ngang hindi nadala sa pang-aakit niya. Nakatingin lang ito sa kaniya. “I know what are you doing. Trying to seduce me? But sorry, you’re not my type.” Napakuyom ang kamao niya. How dare him! Wala pang tumanggi sa alindog niya! Hindi niya matanggap ang sinabi nito kaya hinawakan niya ang bag at kaagad na hinampas dito. Natatawang umilag ito sa hampas niya. Dahil nga hawak niya ang baso ay natapunan pa ang pantalon nito. “Hey, stop it,” wika nito. Maagap na hinawakan nito ang pulsuhan niya na kagad niyang hinila pabalik. Parang close na sila kung tumawa ang lalaki na ikinailang niya na lamang, pero kailangan niyang mahalikan ito. Nasisiraan na siguro siya ng bait dahil hahalikan niya ito pero wala na siyang pakialam. Kaagad na hinawakan niya ang mukha nito at ilalapat na sana sa lalaki, pero kaagad na hinarang ng kamay nito ang mukha niya para hindi makalapit. “What are you doing?” matigas na tanong nito. Umirap siya sa hangin at naiinis na umupo nang maayos. “Hindi ako humahalik ng babae na hindi ko gusto." Naiinis na tiningnan niya ito. “Oo na! Paulit-ulit lang!" “I like your friend, Khate.” Napataas ang sulok ng labi niya at tumingin dito. Gusto daw si Khate, pero hindi naman pinapansin. “And I already kissed her.” Nanlaki ang mata niyang tumingin dito. “Seriously?!” “Yes.” “Kailan mo siya hinalikan? Bakit hindi ko 'to alam?” pangungulit niya. Wala kasing nasabi si Khate sa kaniya. “Kanina,” ani nito na ikinangiti niya. “Sasabihin ko sa kaniya na hinalikan mo ako. Sasabihin kung gumanti ka sa halik ko.” Pilyang napangisi siya nang natigilan ang binata sa sinabi niya. “You can't do that.” Ngumuso lang siya sa sinabi nito. Dahan-dahang tumango siya at tumingin sa lalaki. “Yes, I can. Gusto mong makita? Tutal sumusunod ka naman sa `kin. Bukas ng tanghali sasabihin ko sa kaniya.” “What do you want?” Napangiti siya nang matamis. Tiim-bagang na nakatingin ito sa kanya. “Bakit mo ako sinusundan?” Nanliit ang matang tanong niya sa lalaki na nakamasid lang sa kaniya. “Sige huwag mong sabihin. Bahala ka, kapag 'yon nagalit si Khate hindi kana makakahalik do’n—” “Sinusunod ko lang ang utos na binigay sa 'kin,” ani nito na ikinatigil niya, “Sinong nag-utos sa 'yo? My Dad?” salubong ang kilay na tanong niya. Lumapit siya nang kaunti rito pero hindi pa rin ito kumikibo. “I promise na hindi ko sasabihin sa kaniya kung natatakot kang mawala ang trabaho mo. Just tell me kung si Daddy ba? Para kasing ang weird lang na may sumusunod sa `kin. Para saan? At ang tagal mona akong sinusundan, alam ko `yon.” “No.” Mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa sagot nito. No? Kung ganoon sino? “Ano pa ang inuutos sa `yo?” tanong niya. Gusto niyang malaman kung ano pa, baka mamaya pinapapatay na pala siya nito pagkatapos nakikipag-usap pa siya. “Pinapapatay niya ba ako?” Napahawak siya sa dibdib na kinatawa ng lalaki. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito. She’s not ready. “You’re crazy,” natatawang sagot ng lalaki at tumangga ng inumin. Naiinis siya dahil ayaw pa nitong sabihin. “So hindi niya ako pinapapatay,” ani niya at naniniguro. “Of course,” natatawang sagot nito sa reaksiyon niya. She’s being a judge mental dahil ang naiisip niya ay ang tita niya ang nagpapasunod sa kaniya, pero kailangan niya pa ring makasiguro. “Si Tita ang nag utos sa `yo? Pero bakit?” “I can't tell you.” Nahampas niya ito sa balikat dahil sa inis, pero mukhang hindi naman ito nasaktan sa ginawa niya. Malalim na bumuntong-hininga siya. “Please,” ani niya. “Ang kulit mo.” Nilapag nito ang baso sa lamesa at marahan siyang tiningnan. Malalim na bumuntong-hininga ito na ikinanguso niya, pero parang walang balak na sumagot ang lalaki na ikinahikbi niya. Gusto niya talagang malaman. “G-Gusto ko lang namang malaman, wala naman akong gagawing masama, Hindi naman ako magagalit,” ani niya. “Okay, You’re not a good actress.” Tumigil siya sa pag-iyak at napatingin ditong humihikbi. “That’s mean. Sasabihin mo sa `kin?” Marahan itong tumango na ikinangiti niya lalo. Hindi na siya makapaghintay sa sasabihin na nito. “It’s your mom.” Nanlamig ang buong katawan niya sa narinig. Hindi niya inaasahan ang naging sagot nito. Mapakla siyang tumawa at tinungga ang inumin. Hindi siya makapaniwalang nandito lang pala ang mommy niya. “Stop that. Kailangan mo pang umuwi, kung gusto mo pang mabuhay tumigil kana sa pag-iinom.” Inirapan niya ito at hindi pinansin. “You should be happy dahil buhay pa ang mommy mo, pero sa nakikita ko ngayon mukhang nalulungkot ka dahil buhay pa siya," ani nito, Matalim ang matang tiningnan niya si Bastien na ngayon ay nakasandal ang likod sa upuan habang tinitingnan siya. Kanina pa ito saway nang saway sa kaniya na hindi niya pinansin, hindi niya na mabilang kung nakailang alak na siya. “Ok, I’m sorry. Tatahimik na ako.” “Does she miss me?” mahinang tanong niya. “Yes,” sagot nito. “Does she loves me?” “Hmm, Yes.” “Why she’s doing this to me?” “I don’t know,” bulong nito. “Can you just shut up,” naiinis na sita niya sa lalaki at Inirapan ito. “You’re talking to me, I was just answering you.” Nakangiting nakatingin ito sa kanya. Mukhang tawang-tawa sa hitsura niya. “Shut up at huwag kang magsasalita.” “Okay,” ani nito. She want to be happy dahil buhay pa ang mommy niya, pero ano ang silbi niyon kung hindi niya naman ito kilala? Ni hindi nga pala sila puwedeng magkita. Sa sinabi ni Bastien kanina na hindi sila puwedeng magpakita ng mommy niya, she couldn't understand it. Gusto niyang magwala at ipanghagis ang mga gamit na nasa malapit sa kaniya sa sobrang inis na nararamdaman. “You know what, you can do what ever you want. Ako ang bahala sa 'yo pag-uwi mo,” saad nito. “Shut up. Baka hindi mo ako kayanin kapag nagwala ako.” “Try me,” ngising saad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD