Dive
Kilig na kilig si Jean nung ikwento ko ang buong pangyayari. Kinikilig din ako habang sinasariwa ang mga alaala kagabi. Magkikita ulit kami mamaya.
"O tumabi-tabi kayo riyan! Baka maapakan niyo 'yung buhok ni MJ. Tumabi kayo!" Si Jean na nasa harapan ko at sinesenyasan ang mga taong umalis sa daan ko.
Nasa hallway kami papunta sa classroom. Hinatak ko ang buhok ni Jean pabalik sa akin. Napasapo akong noo. Tinitignan na naman tuloy ako ng mge estudyente dahil sa pinagsasabi niya!
"Psst! Manahimik ka nga," mariin kong saway.
Sinimangutan niya ako. "Totoo naman na ang haba haba ng buhok mo! Umabot na sa Quezon city!"
Umiling-iling ako. Pagdating sa classroom ay hinagilap niya agad ang kaibigan namin para magkwento. Matinding pagsusunog ng kilay ang ginawa namin sa library after ng discussion ng prof. Sa major ay may reporting kaming gagawin, walang partner. Wala naman akong angal doon.
"Limang books na 'yang nasa table mo kulang pa rin?" Puna ni Misha.
Pinapansin na rin pala niya ako. But she still cursed Blanca, 'di na yata huhupa ang galit niya roon, e.
"Oo, wala rito hinahanap ko, e." sabi ko at umalis na.
Nakasalubong ko pa sila Jean at Jayzza, yakap ang malalaki at makakapal na libro.
Itinuro ni Jean ang lamesa na diretso na siya roon. Tumango ako. Sa bandang dulo ako naghanap ng libro tungkol sa history naman ng America. May naka-assigned na bansa kasi kaming ire-report, malas ko lang. Sa laki ng America at sa daming turismo na meron sila, marami rin akong dapat aralin.
Tinodo ko na ang pagtingkayad ko maabot lang ang libro sa pinaka tuktok ng shelf. Kumapit ako sa gilid, pilit na inaabot ang tuktok. Napasinghap ako nang biglang may pumulupot sa baywang ko at binuhat ako. Imbis na kunin ang libro, tinignan ko kung sino ang lapastangang humawak sa akin. Si Kristoff!
Sinamaan ko siya ng tingin. Nginitian niya akong parang wala lang.
"Kunin mo na, Emery," kaswal niyang sabi.
I gritted my teeth and rolled my eyes, kinuha ko ang libro. Ibinaba niya rin ako agad pero abot-abot ang inis ko sa kanya. How dare him to touch me without my consent?! Hinatak ko paibaba ang aking uniporme habang hindi inaalis ang titig sa kanya.
He smirked. "You're welcome."
I snorted and shook my head slowly. Ganito pala ang ugali ng ungas na 'to! Napaka presko!
"Alam mo bang nakakabastos 'yung ginawa mo?" anas ko.
He purposely widened his eyes. Napabugha akong hangin.
"Ganyan ba kayong mayayaman? Feeling entitled? Feeling acceptable na 'yung ginagawa niyo?"
Kumunot ang noo niya, nagtataka. "What did I do?" Inosente ang kanyang mukha, mas lalo naman akong nabadtrip.
Napailing ako, pigil-inis na tumawa. "Binuhat mo ako bigla. That's what you did, Sir." Sabi ko sa matigas na ingles.
Tumawa siya. "Oh... I was just helping you, Emery. Sorry," Sinsero niyang sinabi ang huli.
But still, naiinis pa rin ako. Inirapan ko siya at niyakap ang librong hawak. Nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap sa ibang aisle naman. Nagitla pa ako nung may nakabangga ako. Todo sorry pa ako, si Kristoff lang pala!
"Sinusundan mo ba ako?" inis kong paratang.
"I'm looking for a book," dahilan niya. Hindi naman ako naniniwala.
"Ano bang course mo?"
"Uh," hindi mapakali ang mata niya. O 'di ba?! Sinusundan talaga ako nito!
"May course bang 'uh'?" I scowled at him.
He shook his head, sinuklay niya ang kulot niyang buhok at ngumiti.
"Okay, sorry! Engineering ang course ko, graduating. And yes, sinusundan kita. Gusto kasi kitang ayaing mag lunch mamaya. Sana..."
"Ganon? Ayoko, e." walang emosyon kong agap.
Aliw na aliw niya akong tinitigan. "Edi I'll follow you around." He said playfully, showing off his dimples.
"Edi follow me around," I said, mocking him. "Bahala ka sa trip mo," sabay irap ko.
At iyon nga talaga ang ginawa ng ungas na 'to! Sinundan ako hanggang sa sunod kong klase. Hindi naman na umimik si Jean pero ang kilay niya'y walang humpay sa pag alon. Bumuntong hininga at sinandal ang noo sa aking desk.
Pinaguusapan tuloy ako ng mga kaklase ko. Sabi ni Misha, ex boyfriend ni Blanca si Kristoff. His real name is Kristoff Doan Reginales, he's also famous, naglalaro din daw ito sa international soccer game. No wonder pinagtitinginan ako ng schoolmates ko.
Hindi naman na 'to bago sa buhay ko. Ang lakas naman din kasi ng loob nitong si Kristoff magdidikit sa akin. Feeling close! Ganitong klase ng tao pa naman ang pinaka iniiwasan ko sa lahat.
"Sabi ko na sa'yo liligawan ka niyan, e!" pataas-baba ang kilay ni Jean.
Nasa restroom kami at nandoon sa labas si Kristoff, nagaantay. Pinapatuyo ko na sa hand dryer ang aking kamay. Nakatingin ako sa repleksyon ni Jean sa salamin, ganoon din ang kanyang ginagawa habang naghuhugas ng kamay.
"Gaga! Anong ligaw? Papansin lang 'yon."
"Ganon na rin 'yon, MJ! Kasi bet ka niyang ligawan! Naku, kahit saan talaga mabenta ka."
Pinatay na niya ang faucet. Nagpalit kami ng posisyon para bigyan siya ng espasyo sa hand dryer. Sinandal ko ang dalawa kong kamay sa sink.
"Ayan ka na na naman sa mga pinagsasabi mo."
"Nagandahan sa'yo kaya ka gusto. Ganyan naman sila, e. Ganyan naman lahat, MJ," buntong hininga niya.
Lumunok ako. Nahimigan ko ang bitterness ni Jean sa bagay na 'yon. Bi-nully niya ako noon kasi ako ang gusto ng lalaking gusto niya, kasi maganda raw ako. Nagbago naman na siya pagdating sa bagay na 'yon, except ang insecurities niya. Hindi sa akin, but in general.
"Baka nga 'yung crush ko ganon din, e."
"Pupuntahan ka raw niya mamaya 'di ba?" nagpupulbo na siya ngayon.
Tumango ako.
"Inis ka sa kapreskuhan nung Kristoff pero kilig na kilig ka sa crush mo na 'yon! Mas presko pa nga 'yon, e. Magpakipot ka naman 'te! Baka isipin nun easy to get ka, uto-uto. Ikaw din, mamaya pampalipas oras ka lang niya."
Ngumuso ako. "Syempre, crush ko. Saka nagiingat naman ako 'no! I know my limits and boundaries, 'di ako tanga."
"Good! Common illness kasi ng matatalino ang katangahan. Hayaan mo, kapag nakitaan kitang sintomas, ipapadoktor kita agad," Seryoso niyang sambit.
Tinawanan ko na lang siya. Natigil ako sa pagtawa at siya naman ay natigil sa paglalagay ng lipstick nang biglang may mag flush sa isang cubicle. Patakbong lumapit si Jean sa akin, kumapit sa braso ko. Pati ako ay kinabahan din.
May nakarinig kasi ng paguusap namin. Maya-maya ay bumukas ang cubicle sa likod lamang namin. Laking gulat ko noong si Blanca Pereira ang lumabas! 'Yung ex ni Kristoff at fiancé ni Sir Shaun! Dalawa kaming natuod sa kinatatayuan, glancing at her.
She acted like we're not around. Ang flawless lang ng bawat galaw niya. Diretso siya sa sink, naghugas ng kamay at nagpatuyo sa hand dryer. Walang salitang lumabas sa kanyang labi, ni hindi rin kami tinapunan ng tingin. Paglabas niya ay sinampal ko sa balikat si Jean. Nakahinga siyang maluwag at bumitaw na.
"Whoa! Akala ko multo, e!"
"Mas maganda nga kung multo! Nakakahiya, narinig niya usapan natin!"
"O ano naman? Ex naman na niya si Kristoff. Ikakasal na nga siya kay Sir Shaun, my loves ko. Saka kita mo namang wapakels. OA mo talaga kahit kailan," she frowned.
Paglabas namin ay nandoon pa rin si Kristoff, matayog na nakatayo sa gilid ng pintuan. From what I've heard, they broke up after the announcement of Blaca's engagement. I grimaced when he walked towards me. May balak pa yata akong gawing rebound ng isang ito.
May point talaga si Jean kahit na kailan! Iniisip siguro nitong easy to get ako kaya umaligid sa akin. I mean, isang araw pa lang naman. At hindi ko na papatagalin pa.
"Pauwi na kayo?" he asked, smiling from ear to ear.
"Oo," si Jean ang sumagot.
Tinanguan siya ni Kristoff. "Hatid ko na kayong dalawa," magiliw niyang alok.
"Ay no thanks! Nanliligaw ka ba sa bestfriend ko?" Diretsahang tanong ni Jean, nakataas ang isang kilay.
Hindi naman natinag itong isa, nakangiti pa rin. "Hmm, may balak ako pero 'di ko pa siya natatanong ng pormal."
"Hay nako, 'wag na pogi! May nanliligaw na sa kanya at bet niya rin."
Kinurot ko siya sa tagiliran. "Bunganga mo, Jean!"
"Opps, sorry," sabi niya nung tinignan ako, binalik niya rin agad ang tingin kay Kristoff na nakangiti sa akin, "Tigilan mo na bestfriend ko ha? Kung gusto mo, ako na lang ligawan mo. Wala ka pang kaagaw." She said as she wiggled her brows.
Hinatak ko na paalis doon si Jean. Kung anu-ano na lang talaga pumapasok sa isip niya. Parehas kaming tumawa 'pagkalayo. Parehas din naming alam na 'di niya tipo ang katulad ni Kristoff. Loyal 'to sa mga Rizaldo ever since the world begun!
Nasa resto bar na ako nang tumunog ang cellphone ko. Nagpaayos akong tali ng buhok sa bagong waitress. At least hindi na ako ang nagiisang babae rito. Si Kuya Stephen ang nagpasok sa kanya rito, magpinsan daw sila. Myra ang kanyang pangalan. Kakaluwas lang niyang Maynila kaya dito muna siya nagtrabaho pansamantala.
Mabait naman si Boss kaya tinanggap siya kahit wala namang hiring. Swerte talaga namin sa kanya! Maayos magpasahod, hindi kuripot. Ganon kasi ang tingin ng ibang pinoy sa instik, mga kuripot kaya naman yumayaman.
"Kainggit buhok mo natural na bagsak. Sa akin kailangan ko pang magparebond para umi-straight," si Ate Myra.
Kinunot ko ang ilong ko sa kanya habang kinukuha sa bag ang aking cellphone. Naglaho agad ang ngiti ko pagkabasa ng text.
Unknown number:
Hi, Emery! It's Kristoff. I got your number from your classmate.
Good evening! :)
Ibinalik ko na sa bag ang cellphone, simangot ang mukha. Hindi na ako nagreply, baka isipin niyang gusto ko siya at nagpapakipot lamang ako. Hindi yata nakakaintindi 'yon o ayaw niya lang talaga akong intindihin. Gusto sigurong sabihin ko mismo sa kanyang tigilan ako.
Lumabas na kami sa dressing room. Napakusot pa akong mata nung makita si Shaun sa bar counter. Ang aga niya! Akala ko mamaya pa siyang mga 11 darating tulad ng lagi niyang ginagawa. Nginitian ko siya pagtama ng aming mata habang paakyat sa stage.
Ngayong gabi, hindi namin kakantahin ang kantang ni-request ng mga costumer para naman maiba. Kinabisado ko na ang kantang binigay ng gitarista naming si Kuya Benjo, paborito niya raw kasi ito. Sabagay, nung una ko 'tong marinig noong isang araw ay nagustuhan ko rin!
Nanatili si Shaun sa bar counter, may hawak na baso ng alak na kakalapag lang ni Ate Chandra. Kinagat ko ang dila ko. Ang sama-sama ng tingin ni Ate Chandra sa kanya parang tigreng manlalapa.
Binati ko ang mga costumer na naroon. Nagpalakpakan ang lahat, nagaabang sa aking pagkanta. Umupo na ako sa stool, hawak ang mic stand. I closed my eyes the moment the music starts. I swayed my body slowly, together with my head, following the rhythm of the music.
"Maybe I came on too strong
Maybe I waited too long
Maybe I played my cards wrong
Oh, just a little bit wrong
Oh, baby I apologize for it,"
Unti-unti kong minulat ang aking mata. Si Shaun agad ang una kong nakita, sumisimsim sa kanyang alak, nakasandal ang kaliwang braso sa counter.
"I could fall, or I could fly
Here in your aeroplane
And I could live, I could die
Hanging on the words you say
And I've been known to give my all
And jumping in harder than
Ten thousand rocks on the lake,"
Hindi na mapigilan ang ngumiti na halos mapunit na ang aking labi. Wala akong lakas umiwas sa kanyang mga mata. I seem to be hypnotized again by his eyes like what happened the first time I met him. This song fits perfectly sa kung anong nararamdaman ko sa kanya!
"So don't call me baby
Unless you mean it
Don't tell me you need me
If you don't believe it
So let me know the truth
Before I dive right into you,"
Naghintay talaga siyang matapos ang shift ko. Hindi na siya uminom pagkaubos niya ng alak kanina at nakipagkwentuhan na lang kay Kuya Stephen. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Ate Chandra ngunit iniirapang lamang siya nito. Hay nako! 'Di man lang siya naapektuhan sa maamong mukha ni Shaun? Parang si Kuya Elias din talaga ang isang 'to!
"Hoy ikaw bruha ka! Umamin ka nga sa akin!" Si Ate Chandra at hinatak ang buhok ko.
"Aray! Mapanakit naman 'to," reklamo ko.
Sinusuklay ko na ang aking buhok mula sa mahigpit at mataas na pagkaka-pony. Tinititigan ko ang estilo ng aking buhok sa salamin. Meanwhile, nagtitimpi naman na si Ate Chandra sa aking tabi, nakahalukipkip.
"Kayo na? Feel na feel mo page-emote kanina sa stage!"
Nagkibit akong balikat. Napakamot siya sa kilay at pagalit na hinatak ang brush sa aking kamay.
"Bruha ka ipupokpok ko talaga 'to sa bunbunan mo! Ano?!" Tinutok niya ang brush sa akin na para bang isa iyong baril.
I giggled. Kinuha kong muli ang brush at nagpatuloy sa pagsusuklay. Bumuntong hininga ako.
"Magpagupit kaya ako? Bagay kaya sa akin may bangs? Ano sa tingin mo ate?" Tanong ko.
"Diyos ko! Nanggigigil na talaga ako sa'yo, Emery ha. Anlayo ng pinagsasabi mo sa tanong ko," nanghihina niyang sabi.
"Hindi ko jowa.... hindi pa," nangingiti kong sambit.
Binaba ko na ang brush, naupo sa upuan at tiningala siya. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang umiiling.
"Sabihin mo 'yan kay Elias, lulumpuhin niya 'yung lalake na 'yon."
"Ate naman, e. Ayaw mo ba akong magka-boyfriend? Si Ate Elvira nga ang bata pa nung naging kayo, e."
Ngumiwi siya. "Wag mong idadamay ang ate mo rito. Baka bigla 'yon magparamdam at batukan ka out of nowhere!"
I exhaled calmly. "Wini-wish mo rin naman mangyari 'yon, e."
"Tse!" Lumabas na siya.
Naglagay muna akong face powder para presentable ako sa harap ni Shaun. Inayos ko rin ang t-shirt ko at nagpahid ng baby cologne sa leeg bago lumabas.
"Ang aga mo yatang pumunta ngayon?" Nakangiti kong bungad sa kanya sa bar counter.
Napailing siya at ngumiti. Umalis na siya sa pagkakaupo.
"Napagod ka ba?"
Umiling ako.
"Gutom?"
Palabas na kami sa resto bar. Nagpaalam na ako sa mga tao roon. May mga ilang costumer ang bumati sa akin bago ako lumabas pero nauudlot tuwing titignan nila si Shaun. Sinadya kong magpahuli para tignan ang kanyang likuran. Nagpamulsa na lamang ako at binilisan ang lakad bago pa man niya mapansin ang ginagawa ko.
"Ikaw ba? Hindi ka ba gutom?" Balik tanong ko paglabas.
Sinulyapan niya ako. "Hindi pero kung gusto mong kumain, kakain din ako."
Nagantay akong umalis siya. Kanina pa kami magkaharapan dito sa kalsada pero 'di siya umaalis.
"Hatid na kita," aya niya.
"Okay."
Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa gilid ko. Sinundan ko 'yon ng tingin pero nung wala naman akong makitang kahit ano kundi ang kalsada ay binalik ko rin sa kanya, kunot ang noo.
"Magje-jeep tayo," sambit niya.
Napangiti ako, natuwa. "Talaga? Sige!"
Naglakad na kami papunta sa sakayan. Pagsakay sa jeep ay medyo siksikan na. Sa likod ako ng driver at katabi ko naman siya. Sinisiksik siya ng kanyang katabi pero hindi siya umuusog palapit sa akin. Nakakapit ang kanyang kanang kamay sa hawakan at ang kaliwa ay nasa kanyang hita.
Mas lalo pang nadepina ang kanyang biceps sa suot niyang berdeng long sleeves na nakatupi hanggang siko. Napansin kong init na init siya, first time sigurong sumakay ng jeep sa buong buhay niya, halata sa mukha, e.
Napatingin ako sa dalawang babae na aming harapan, nakatitig kay Shaun at nagbubulungan. Wala namang pakealam si Shaun dahil sa akin siya nakatingin.
"Naiinitan ka ba? Nasisikipan?" Nagaalala niyang tanong.
"Umusog ka pa sa akin para makaupo 'yung mama," bulong ko.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko. "Mahihirapan ka."
Pinamulahan akong pisngi. Inatras ko ang sarili para maitago ang sarili sa anino niya.
Ngumuso ako. "Edi isara mo na lang 'yan hita mo. Masyadong bukaka, takaw space," puna ko.
Nakita kong nanliit ang kanyang mata ngunit sa huli at ginawa rin. Wala namang nagbago. Hirap siyang isara ang kanyang hita, 'di pa rin nakaupong maayos ang mama kahit umandar na ang jeep. Bumuntong hininga na lamang ako. Ano bang meron sa hita niya't hindi maisara-sara?
Maya't-maya ang pagaabot ng bayad ng mga pasahero. Si Shaun lahat ang nagaabot no'n. Naawa tuloy ako, halatang nagtitimpi siya sa mga pasahero at labag na labag sa loob niya ang pagiging taga abot ng bayad.
Bumaba na kasi 'yung dalawang babae kanina na halos sambahin na si Shaun. Napalitan sila ng mga tulog na lalake kaya si Shaun na talaga ang taga abot ng bayad at sukli.
"Bayad po, makikiabot!"
"Ako na, Sha--"
Kinuha na ni Shaun ang pera sa ginang nung akmang kukunin ko.
"Matulog ka na lang, Emery," malumanay niyang sabi habang inaabot na ang sukli sa ginang.
Pagkasabi niya no'n ay pumara na ako. Matutulog? Ang lapit lapit lang ng byahe. Tinapik ko sa hita si Shaun at pinababa. Sumunod na ako. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin upang maalalayan ako ngunit 'di ko tinanggap.
Humakbang na ako paakyat sa sidewalk. Medyo magka-level na ang aming paningin sa taas nito. Sumunod ang mata ko sa kilos niya, tumingala na ako.
"Maglalakad na ako papuntang sakayan ng tricycle," tinuro ko ang sakayan na natatanaw na sa amin kinatatayuan, "Dito ka na lang mag-abang ng jeep ha? Marami pa namang dadaan, e. 24 hours naman byahe saka walang snatcher dito, safe ka."
Marahan siyang natawa. Kumunot ang noo ko.
"Ay oo nga pala 'no? First time mong mag jeep?" I asked.
He nodded.
"Sige, isasakay na lang kitang jeep bago ako umalis," deklara ko.
Natawa na naman siya. "Hindi na. Kaya ko ang sarili ko, Emery. Ihahatid kita sa inyo."
"H-hindi na! Ano kasi... mahihirapan ka. Baka mamaya wala nang jeep na dumaan. Ikaw din..." dahilan ko.
Nagkataon lang talagang sarado na ang junk shop na tinigilan namin kagabi! May handaan pa naman sa street namin kaya malamang ay gising pa sila! Nag-init ang batok ko, kinabahan.
"24 hours naman ang jeep 'di ba? At pwede naman akong mag grab kung walang dumaan na jeep."
I laughed nervously. "Sabi ko nga, e..."
Nagmartsa na kami patungo sa sakayan. Bumubulong-bulong ako sa aking sarili habang naglalalad. Nasa likod ko lang siya, tahimik.
Humalimuyak ang amoy ng ihawan sa sakayan. Napapihit akong lakad patungo roon. Himala at may tinda pa rin sila kahit alas dose na ng madaling araw. Narinig ko ang tawanan sa kabilang sidewalk. Patango-tango ako sa aking sarili. Kaya naman pala kasi may nagiinuman.
"Ginagabi ka na naman, ganda?" Si Ateng tindera.
Nginitian ko siya. Namimili na ako ng barbecue at isaw na ipapaihaw. Naramdaman ko ang presensya ni Shaun sa aking likuran. Kasama ko nga pala siya! Muntik ko nang malimutan!
"Paki una naman nito 'te. Sige n--" naudlot ako sa pagsasalita nang tignan ang tindera na halos tumulo na ang laway kakatitig kay Shaun.
"Te? Excume me, ate? Ate!" Pasigaw kong sinabi ang huli.
"Ay... ay! Ano! Ano nga 'yon?" Nagulat at taranta niyang sabi.
Inabot ko na lang sa kanya ang pagkain. Nagpapaypay na ang tindera pero ang mata ay na kay Shaun pa rin. Hanep!
"Bet ka nung tindera o!" Panguuyam ko kay Shaun.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi at tinitigan ako. "Yung tindera lang ba?"
Nag iwas akong tingin dahil nakaramdam akong kakaiba. May iba rin sa paraan niya ng pagkakasabi no'n! Tumikhim ako. Ang bilis agad ng t***k ng puso ko sa isang simpleng salitang sinabi niya.
"K-kuma--kumakain ka ba nito?" Napapikit ako.
Bakit ako biglang nautal?! Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Shaun. Nakakahiya ka, Emery!
"Hmm?" He muttered sexily.
Lumayo ako isang hakbang sa kanya at kinalma ang sarili.
"Kumakain ka ba nito?" Mas maayos ko nang nabanggit iyon.
"Ah, 'yung barbecue lang pero 'yung parang bulate, hindi pa."
Pigil ang tawa kong nilingon siya. "Anong bulate? Bituka 'yan ng manok. Mas masarap sana 'yung bituka ng baboy kaso out of stock, e," natatawa kong sabi.
Nanliit ang kanyang mata at bahagyang nalukot ng mukha, napuna kong nakaramdan siya ng pandidiri sa sinabi ko. Mayaman ang taong ito, anong bago?
Pagkatapos ng luto at pinalagay ko na lang sa malaking plastic cup ang inihaw na may suka at cucumber na sawsawan.
"Tikman mo, Shaun!" Alok ko.
Halatang halata na talaga ang pandidiri sa kanyang mukha. Nakataas hanggang dibdib ang kanyang dalawang kamay bilang pagtanggi.
Kinagatan ko ang hawak kong isaw. "Masarap kaya! Saka malinis, walang after taste!"
He swallowed hard. Huminto kami sa paglalakad. Ayaw niya raw kasing sumakay ng tricycle, gusto niyang maglakad. Gusto ko rin naman maglakad para mas matagal ko pa siyang makasama...
"O-okay... I'll try..." nagaalangan niyang usal.
Kukuha sana akong bagong isaw ngunit pinigilan niya ako sa paghawak sa aking palapulsuhan.
"Diyan na lang ako sa kinagatan mo."
"Okay..."
Hawak ko pa rin ang stick at tinapat iyon sa bigbig niya. Napalunok siya. Hinawakan niya ang kamay ko at napalunok na naman. Napatawa ako nang mapansin ang namumuong pawis sa kanyang noo.
Kinagatan niya 'yon ng kaonti at parang batang iiyak habang ngumunguya. Nagbago naman agad ang ekspresyon ng kanyang mukh pagtagal.
"That's... not bad at all, Emery." Tumango-tango siya. Binigay ko na ang stick na hawak. Kinain na niya iyon lahat.
"See? Sabi ko sa'yo masarap, e!" Tuwang tuwa naman ako.
Paliko na ako sa kanto nang bigla naman siyang magalita. "Dito daan sa inyo 'di ba?" Tinuro niya ang kabilang kanto.
Tumawa ako. "Oo nga! Nalimutan ko." Naglakad na ako roon. Unti-unting nanlaki ang mata ko at napanganga.
"Paano mo nalaman!?" Bulalas ko at humarap sa kanya.
Inosenteng inosente ang kanyang mukha. Halos mawindang na ako sa kinatatayuan!
"Ah, sabi kasi nung nakatira sa junk shop, sa kabilang kanto raw ang bahay niyo."
"Kailan niya sinabi?!" Nawiwindang pa rin ako.
"Nung hinatid kita. Bumalik ako para sana hingiin ang number mo para ma-update kita. Ayun." Nasabi niya 'yon na walang kaemo-emosyon at 'di apektado sa kinikilos ko.
"Don't worry. Wala naman akong gagawin o planong masama, e." Dagdag pa niya.
Pinanliitan ko siyang mata. Itinapon ko na ang plastic cup na wala nang laman sa katabing basurahan. Kinuha ko ang alcohol sa bag at nagpahid sa kamay.
Huminga akong malalim at tinignan na siya.
"Kita mo 'yon?" Tinuro ko ang bahay namin sa 'di kalayuan.
Tumango siya.
"Good. Kita mo rin 'yon?" Tinuro ko naman ang mga nagiinuman sa magkabilang gilid ng sidewalk.
Buhay na buhay ang aming kanto sa dami ng nagiinuman at maiingay na kumakanta sa videoke na pumipiyok-piyok pa at naggo-growl.
"Hmm, yes."
"Good! Ipapagulpi kita diyan kapag may ginawa kang masama," seryosong banta ko.
Humalakhak naman si Shaun. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakahawak na siya sa kanyang tiyan.
"Seryoso ako, Shaun."
"Emery, sigurado ka bang kaya nila akong gulpihin?" Halakhak niya.
Pinanlakihan ko siyang mata. "Ewan ko sa'yo!"
Lumakas pa ang tawa niya at napailing. Tumindig siyang diretso at tumitig sa akin.