I miss you
"Hindi 'no! Ang sama ko naman kung ganon." Naglakad na kami papunta sa tapat ng aming bahay.
Nadaanan namin ang mga nagiinuman. 7th birthday pala ng kanilang apo kaya magarbo ang handaan. Binati ko ang ginang na kakilala at mga kapitbahay. Inaya nila akong makikain man lang dahil marami pa raw sa loob.
Sinilip ko ang loob mula sa bintana, naroon ang mga kababaihan na may mga karga-kargang batang tulog. Marahil ay kalaro iyon ng celebrant. Kaso ay anong oras na at nandito pa rin sila.
"Ang gwapo naman 'yang boyfriend mo, MJ." Si Aling Nineth na tinititigan si Shaun.
"Hindi po," giit ko.
Nilingon ko si Shaun. Nakaupo na pala siya sa monoblock kasama ng mga nagiinuman. Tinigilid ko ang ulo kong kaonti. Ngumiti si Shaun sa kausap at tumayo na, lumapit sa akin.
"Akala ko iinom ka?"
Lumapad ang ngiti niya. "Hindi." Umiiling niyang sabi.
Umalis na kami doon. Binubuksan ko na ang aming gate. Nasa likod ko pa rin siya. Pagkatanggal ko ng kandado ay binalik ko na sa bag ang susi at saka humarap sa kanya.
"Pasok na 'ko ah," tinuro ko ang pintuan gamit ang hinlalaki.
Tumango si Shaun, matamis ang ngiti. Kanina ko pa napapansing walang patid ang pagngiti niya mula pa kanina.
"Ah... pasok na ako," paguulit ko sa mahabang tono.
Ganon pa rin ang reaksyon ng kanyang mukha. Pagpasok ay kinandado ko muli ang aming gate. Bago ko isarado ang pintuan ng bahay ay kinawayan ko muna siya. Sinandal ko ang likod sa pintuan bilang suporta. Nanghihina na ang tuhod ko mula pa kanina!
Nakakapanghina ang pagpipigil sa nararamdaman! Kanina ko pa gustong sumigaw nang malakas at tumili. Pulang-pula na nga yata ang pisngi ko pero pilit kong inililihis ang isip sa ibang bagay upang hindi sumabog sa kilig. Hinawi ko ang kurtina, sumilip. Nakahinga akong malalim nang makitang wala na siya roon.
Tumunog bigla ang cellphone ko. Halos humiwalay ang kamay ko sa aking braso sa bilis ng kilos. Buhay ang dugo ko mula pa kanina. Binasa ko ang text. Natigilan ako sandali, nagisip.
Hindi ko naman nabigay ang number ko kay Shaun. Hindi rin naman niya hiningi, e. Bumagsak ang balikat ko at tamad na bumuntong hininga. Padausdos akong naupo sa sofa.
Unknown number:
Do you have class tomorrow? :)
Kakaiba rin 'tong si Kristoff. Naisip niya pa talaga i-text ako ngayong pasado ala una na ng madaling araw? Nagtipa ako sa aking cellphone, mangangamusta kay Kuya. 'Di na ako tinatawagan ni Kuya, sobrang busy na siguro.
Pagpasok ko sa hotel ay nakaabang na si Jean sa locker room, nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip. Nagpapalit na akong uniporme. Bumuntong hininga ako at isinarado na ang pintuan ng aking locker.
"Hinatid ako sa bahay. Nag jeep kami," kwento ko habang nagsusuklay sa harap ng malaking salamin.
Sumunod si Jean sa akin. Tinatali ko na ang mahaba kong buhok. Tingin ko kailangan ko na talagang magpagupit kahit kaonti. Lagpas baywang na kasi saka ang gastos sa shampoo. Hassle pa tuwing babyahe ako sa jeep dahil sumasabog sa lakas ng hangin.
"Nanliligaw ba? Pakilala mo na sa akin!"
"Hindi, e. Pumunta ka sa resto bar para makita mo."
"Hmm, 'di ba hinahatid ka niya? Daan kayo sa bahay! Sige na!" Pamimilit niya, nagpapaawa ang kanyang mukha.
Umiling ako. Nilagay ko sa kanang balikat ko ang nakatirintas kong buhok.
"Kailan lang naman kami nagkakilala, e. Ayokong umasa saka ikaw na rin naman nagsabing mag-ingat ako 'di ba? Edi 'di tayo sure kung sincere siya."
Tulak-tulak ko na ang trolley, sa gilid ko si Jean.
"Ikaw ang makakasagot niyan. Ano bang nararamdaman mo? Na nagsisinungaling siya?"
Nagkibit akong balikat. Pinindot ko na ang elevator at naghihintay na lamang sa pagbubukas no'n. Bitin ang tulog ko ngunit masiglang-masigla pa rin ako. Siguro kasi alam kong magkikita ulit kami mamaya. I have something good to look forward to!
"Sa panahon ngayon madali na magsabi ng mga bagay kahit hindi naman bukal sa loob mo. Alam mo na, madaling magsinungaling pero mahirap panindigan. Kaya kung totoo siyang tao, edi maganda. Kung hindi, konsensya na niya iyon. Hindi naman naliligaw ang karma, e."
Nasanay na rin akong palaging nandoon si Sir Shaun sa kanyang penthouse tuwing naglilinis ako. Bukod sa wala naman siyang pakealam sa akin, 'di niya rin ako pinapansin. Para talaga akong multong umaaligid. Kabisado ko na rin ang bawat sulok dito, mabilis na rin akong maglinis.
"Kailan pala ang prelims niyo?" Tanong ni Sir Shaun habang tutok sa kanyang laptop at nagta-type.
Napitlag ako nang marinig iyon. Napalingon ako sa kanya, tinigil muna ang pagpupunas sa bintana. Hindi ako nagsalita. 'Di ko naman sigurado kung ako ba ang kinakausap niya.
"Emery."
O, ako nga talaga. Himala?
"Next week po, Sir."
He nodded, still looking at his laptop. "Wag ka na muna maglinis dito next week. Use that time to study. Kailangan mo 'yon," sabi niya na para bang naka program na siya para sabihin ang bagay na 'yon.
Walang kagana-gana ang boses niya. Sobrang patag ng tono.
"Sigurado po kayo?"
"Sasabihin ko ba kung hindi ako sigurado?" Balik tanong niya.
Ngumiti na lamang ako. Hindi pa rin niya ako tinatapunan ng tingin. Hindi naman kasi kapanipaniwala lalo na kung basang basa ko naman sa mukha niyang napipilitan lang. At bakit?
Patapos na akong maglinis nang makarinig akong malakas na sara ng pintuan mula sa mga kwarto sa itaas. Off limits ako roon kahit na matagal na akong naglilinis dito. Pinagbawalan na ako ni Sir Shaun. Pabor naman sa akin dahil nabawasan ang lilinisin ko, 'di na ako pagod.
Pinagsawalang pansin ko na lamang iyon. Hangin lang iyon. Palabas na sana ako nang marinig ko na naman ang pintuan. Pero sa pagkakataong ito, may sipol na akong naririnig. Si Sir Shaun ang una kong tinignan. Nakatingin na rin siya sa akin na nanlalaki ang mga mata na parang kinakabahan. Lumalakas pa ang sipol, papalapit ang tunog.
Lumandas ang mata ko pataas ng hagdan. Nanlaki ang mata ko nang maaninag ang lalaking nakatapis ng puting tuwalya na tumakbo, nagtago. Nasisigurado kong wala siyang saplot pangitaas dahil nakita ko ang kanang braso niya! Napanganga rin ako.
"Get out of here, Emery!" Parang kulog ang boses ni Sir Shaun na napatayo.
Nasaulian ako roon. Hindi siya galit pero may takot akong nadama sa boses niya. Nagkumahog ang kumilos paalis doon. Tila drum na tinatampol ang puso ko ngayon. Nag-init ang pisngi ko habang iniisip ang posibleng dahilan bakit ganon ang reaksyon ni Sir!
Hindi! Hindi bakla si Sir Shaun! Pero sino iyon? Bakit siya takot? Bakit nakatapis na parang bagong ligo 'yung lalaking nandoon? At bakit naman tumakbo 'yung lalaking iyon kung wala naman silang tinatago? 'Di ba?!
Nagpahid akong vicks sa aking sentido at hinilot-hilot iyon. Sumasakit ang ulo ko kakaisip doon. Nai-imposible-han talaga ako, e! Si Sir Shaun na sinasabi nilang matinik sa babae? Na laging nagdadala ng babae sa penthouse para... basta!
Kung sabagay, simula nung naging taga linis na ako ng penthouse, wala akong nakitang babaeng dinala niya o nabalitaan man lang. Pero narinig ko kailan lang si Sir na kausap ang isang babaeng may pangalang Hanabi. Sino rin iyon? Girlfriend niya ba talaga? O baka tulad ko, nahuli niya rin at nalaman ang tunay na pagkatao ni Sir? Posible!
Patawa-tawa akong mag-isa rito sa restroom. Bakit ko ba masyadong inii-stress ang sarili ko sa buhay ng amo ko? Buhay niya iyon kaya bahala siya. Lahat naman ng tao nagbabago at may karapatang magbago.
Nagpakawala akong mahabang buntong hininga at lumabas na roon. Kagat-kagat ko ang aking dila upang pigilan ang sariling magsabi kay Jean. Nilapitan ko na lamang si Ate Sam, napaggigitnaan na namin siya. Pauwi na kami at nagaantay na ng masasakyan.
Tumikhim ako, "May bumibisita rin bang lalake sa penthouse ni Sir Shaun?" Kunwari ay nagtataka ang himig ko.
"Oo, 'yung mga pinsan niya." Nakatingin si Ate Sam sa mga nadaang jeep. Pumara siya ngunit hindi naman huminto, puno na siguro.
Binasa ko ang labi ko at humingang malalim. "Bukod sa pinsan? Tropa? Wala?"
"Uh... wala yata? Ewan ko. Bakit ba?" Tinignan na niya ako.
Napalunok ako. Akala ko'y mabubuking na niya ako na may itinatago pero mabilis ding nawala ang hinala niya dahil dumaan na ang jeep na aming sasakyan. Tila nalimutan na niya ang napagusapan namin kanina dahil 'di na niya ako tinanong pang muli. 'Di na rin ako nangulit pa.
Hindi ko pwedeng tanungin si Jean dahil alam kong hindi niya rin maiisip ang bagay na baka bakla nga si Sir. Patay na patay siya roon at baka ako ang patayin niya kapag sinabi ko ang nakita ko kanina!
Ngayon lang ako naging ganito kaapektado sa buhay ng ibang tao. Ayaw kong isipin pero kusang pumapasok sa isip ko. Siguro ay curious lang talaga ako. Pero tignan mo naman si Ate Chandra, isa sa mga gwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko ay isa nang bakla.
Sinong magaakala?
"Naka ilang girlfriends ka na?"
Katakot takot na tingin agad ang ibinato ni Ate Chandra sa akin. Tumawa ako at nagkagat labi. Nasa counter ako. Kaonti pa lang ang mga taong naroon. Tumutugtog lamang sila Kuya Benjo sa stage.
"Nakakakilabot naman 'yang tanong mo!" Nangingilabot nitong sambit habang pinapakita sa aking ang braso niyang taas lahat ng balahibo.
Lumakas pa ang tawa ko. Nagpangalumbaba akong tumitig sa kanya.
"Ilang nga?"
Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin, nilagpasan si Kuya Stephen.
"Ang ate mo lang naging girlfriend ko 'no!" Tinaasan niya akong kilay.
Nakangiti at nakikinig lang din si Kuya Stephen sa gilid niya habang nagpupunas ng table.
"Kailan mo nalamang... uh, na bakla ka?" Curious kong tanong.
"Bakit ka ba tanong nang tanong? Basta!" Iling niya.
"Sige na. Curious lang kasi ako, e."
"At bakit ka naman curious ha?"
My lips twitched as I cross my arms. "Hmm, wala naman..."
"MJ, o!"
Napalingon ako. Si Kuya Benjo iyon, may hawak na gitara na nakalagay na bag nito na inaabot sa akin. Nagsalubong ang kilay ko. Umupo siya sa tabi ko at inabot ulit iyon. Tinanggap ko ang gitara at sinuri iyon.
"Anong gagawin ko rito?" Nagtataka kong tanong.
"Sa'yo na lang 'yan. 'Di ba sabi mo gusto mong matutong mag gitara? 'Yan na gamitin mo."
"Salamat, Kuya Benjo! Bakit mo nga pala binibigay 'to?"
"Bigay 'yan ng girlfriend ko dati. E niloko ako nun, e. Sayang naman kung itatapon ko 'yan kaya iyo na lang."
"Thank you talaga, Kuya!"
Tumango si Kuya Benjo, mukhang wala naman talaga siyang pakealam sa gitarang iyon. Ang swerte ng araw na 'to!
"Gusto mong matuto? Bakit? Sinong magtuturo sa'yo, aber?" Mataray na wika ni Ate Chandra.
"'La lang... marami naman sa internet na tutorials, e. Doon ako magaaral."
"Malapit na exams mo 'yan pa aatupagin mo?"
"Hindi n--'
"Hay naku, nandiyan na ang prince charming mo." Nalukot ang mukha ni Ate Chandra.
Inilagay ko ang buhok ko sa likod ng aking tenga saka humarap kay Shaun, abot tenga ang ngiti.
"Akala ko hindi ka na dadating, e." Salubong ko.
Ngumiti siya. "Akala ko hindi na kita maaabutan." Napahawak siya sa kanyang batok.
Umalis na kami. Binuhat niya ang gitarang bigay ng aming gitarista. Akala ko talaga hindi siya dadating pero 'di naman ako nalungkot kasi alam ko na dadating siya. Nararamdaman ko.
Nagjeep ulit kami. At gaya dati, takaw pansin na naman siya ng mga kababaihang nakakasalubong at pasahero sa jeep. Magkaharapan na kami sa babaan ng jeep. Doon lang kasi ang bakanteng pwesto. Naiilang tuloy ako dahil tinititigan niya ako. Hindi ko naman magawang tumingin pabalik sapagkat nababahala akong mahalata niyang kinikilig ako!
Buti nga at doon kami naupo. Hindi na mapapagod si Shaun na maging instant kundoktor ng driver. Pansin ko rin namang naiirita siyang ganon. Bukod sa 'di siya sanay mag commute at mabugahan ng usok, tingin ko 'di rin siya sanay mautos-utusan ng kung sino-sino.
Inalalayan niya ako pagbaba ng jeep, 'di ko pa rin tinanggap ang tulong niya. Hindi ako kumain sa resto bar kaya naman sa hindi inaasahang pagkakataon habang tinatahak namin ang daan patungong sakayan, kumalam ang sikmura ko. Binilisan ko na lang ang lakad ko, nagkunwaring walang narinig. Binilisan niya rin ang lakad.
Nang magkasabay na kami ay walang pasubaling hinatak niya ako sa braso.
"Maka hatak ka naman, Shaun!" Angil ko.
Hindi naman masakit pero nagulat ako. Niluwagan niya ang hawak sa braso ko at unti-unti akong nilapit sa kanya na halos gahibla na lamang ang agwat naming dalawa. Tumikhim ako at tiningala siya gamit ang nanliliit kong mata. Diretso lang ang kanyang tingin pero may multo ng ngiti sa labi niya.
Binalik ko na sa daan ang tingin. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. Sa isang tapsihan kami papunta. Ilang lakad lang ang layo mula sa sakayan. Marami naman kasing kainan dito na 24 hours na bukas, daig pa fastfood! May malapit kasing call center dito kaya maraming dumadayo.
Ibig sabihin, narinig niya ang kalam ng sikmura ko. Ngumuso ako pagdating sa tapsihan. Grupo-grupo ang mga naroon. Paglingon nila sa amin, si Shaun agad ang tinignan. Palibhasa mga babae, mukhang mga call center agent pa nga, e.
Naupo kami sa labas lang ng tapsihan. 'Di na ako tinanong ni Shaun. Dumiretso siya sa loob at um-order ng kung ano. Magkahawak ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. Naglayo akong tingin pagbalik niya.
"Um-order akong tapsilog? Hmm, sabi ni Stephen gusto mo raw iyon..." aniya habang paupo.
Ngumiwi ako at bahagyang itinagilid ang ulo. "Sinabi iyon ni Kuya Stephen?" Nagtataka kong tanong.
Napansin pala iyon ni Kuya. Madalas kasi sisig ang binibigay ni Kuya Joel, ayoko no'n pero dahil libre lang naman, 'di na ako nagrereklamo.
Tumango siya. "Parehas kayo ng kaibigan ko. Mahilig din siya sa mga ganitong klaseng pagkain, e."
Dumating na ang pagkain namin kaya 'di na ako nakapagsalita. Pinunasan niya muna ng tissue ang kubyertos saka binigay sa akin.
"Ah, kumakain din kayo sa mga ganito?" Tanong ko.
"Minsan. She's really into these kind of foods, masarap din naman."
May kung anong nayanig sa pagkatao ko. So babae pala ang kaibigan niyang iyon. Hindi ko lang inasahan. Baka... ex? Huminga akong malalim at ngumiti.
"Masarap naman sa ganito, e. Mura tapos masarap. O 'di ba?" Pagbibida ko.
"That's what she told me." Agap niya. Maganang-magana siyang kumain.
"Her name is Lite. My bestfriend... biglaan lang," tumawa siya.
Tumango ako, kunwari interisado. Interisado naman ako...
"Fiance siya ng pinsan ko. Kilala mo naman siguro siya? Right?"
Kumunot ang noo ko at napatawang kaonti. "Kilala? Paano ko naman makikilala pinsan mo?"
Natigilan siya. Lumunok siya at nagiwas ng tingin habang itinatango ang ulo.
"Yeah..." he trailed off, "Paano nga naman 'di ba?" Tumawa siyang pilit.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi niya. May bestfriend siyang babae at Lite ang kanyang pangalan? Bestfriend ba talaga?
"Good night, Emery. Bukas ulit." aniya.
Tumango ako at pumasok na sa gate. Tinignan ko siya para ngitian. Pagkatapos namin kumain, sumakay na kaming tricycle. Nalungkot lang ako bigla sa nalaman ko. Nung binanggit niya kasi 'yung pangalan nun, parang may kakaibang kinang akong nakita sa mata niya. It seems like she cherished her way too much.
Katulad ng mga nababasa ko libro, hindi kaya na in love rin siya sa bestfriend niyang iyon? Kaso ay hindi pwede dahil girlfriend din 'yon ng pinsan niya? At dahil mahal niya ang dalawa, nagpaubaya siya? Ganon ba??
Hawak-hawak ko ang gitara papasok sa bahay, hindi na lumingon pa. Pagkababa ko ng gitara sa sahig ay saka ko naman narinig ang katok sa aming gate. Nandoon pa rin si Shaun. Madilim pa naman sa street namin dahil pundido ang ilaw sa poste. Suminghap ako at lumakad pabalik sa dating kinatatayuan.
Lumabas ako sa aming gate, yakap ang sarili. Ngumiti ako sa kanya.
"Bakit?"
Inilabas niya ang kanyang phone mula sa bulsa. "Your number... para matawagan kita bukas."
Bumaba ang tingin ko roon.
"Ah..." I nodded. Pagkakuha ay nilagay ko agad ang number ko at inabot sa kanya.
"Sige, pasok na ako ha?"
"Hmm, okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Dinama niya ang noo ko gamit ang likod ng kanyang kamay.
Bumilis agad ang t***k ng puso ko. Napalunok ako nang pagmasdan ang kanyang nagaalalang mukha. May namuong linya sa kanyang noo sa pagkunot nun. Madilim pero kitang-kita ko ang detalye ng kanyang mukha. Unti-unting nag init ang pisngi sa pagakyat ng mga dugo ko roon.
"Mainit ka. May lagnat ka..." nagpanic siya bigla.
Ako, sa sarili ko, alam kong wala akong lagnat. Sadyang uminit lang talaga ang pisngi ko sa ginawa niyang iyon.
"Uminom ka nang gamot, Emery. Meron ka ba riyan? Kung wala bibilhan kita. Saan ba rito malapit na pharmacy?"
Napakagat akong labi at umiling. "M-meron kami... marami. Uh, pagod lang siguro 'to? Ah... tutulog na ako..." sabi ko.
"Wag ka na kaya pumasok bukas?" Malambig ang boses niya.
"Hindi kasi pwede, e. May mga kailangan akong ipasa sa profs ko. S-sige na. Ingat ka ha? Kapag inaway ka ng mga tambay diyan sabihin mo kakilala mo ako ha?"
He laughed a little. "Sure... sige na. Pumasok ka na. Good night."
"Good night, Shaun."
Ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog ang cellphone ko, nagbibihis na akong pantulog no'n pero 'di pa ako dinadatnan ng antok. Pagtingin ko ay unknown number iyon. Hindi na ako nagtaka dahil alam kong si Shaun iyon at tama nga ako. Huminga akong malalim habang humihiga sa kama. Umikot ako sa kama at saka sinagot ang tawag.
"Hi," sabi ko. Kinagat ko ang labi ko. Ang bilis bilis pa rin ng t***k ng puso ko.
"Uminom ka na?"
"O-oo!" Napangiwi ako. Kinailangan ko lang talagang magsinungaling, okay na 'yon kesa aminin ang totoong dahilan.
"Pauwi ka na ba?"
"Yep. I miss you..."
Nanlaki ang mata ko at napabangon. Lumipad ang kamay ko patungo sa dibdib ko, nagwawala na talaga ang puso ko na halos nahihirapan na ako makahinga. Huminga akong malalim. Hindi na nagsalita pa si Shaun sa kabilang linya pero naririnig ko ang mararahan niyang paghinga.
Lumunok ako. "A... antok na ako. Ingat ka na lang. Bye." Pinatay ko agad ang linya.
Nabitawan ko na ang cellphone at napatitig sa kawalan. Nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Shaun. Miss na niya ako?! Pinaghahampas ko ang unan ko habang tumitili sa sobrang saya at kilig!
Miss niya ako agad?! Nang mapagod ay binagsak ko ang katawan ko sa kama at nagpagulong-gulong na lang habang nakatakip ang unan sa aking mukha. Pulang-pula na ako at pinagpawisan na.
Tumitig ako sa kisame. Tahol ng aso ng kapitbahay ang naririnig ko at electric fan sa kwarto. Ano ba 'tong nararamdaman ko na 'to? Ano ba 'to? Ano ba kami? Wala pa naman kami pero ganon na siya? Hindi nga siya nanliligaw, e.
Hindi ba parang masyado pang maaga at mabilis para sabihin niya 'yung bagay na 'yon? Ang sarap sa pakiramdam ng ganito pero nakakatakot kasi wala namang linaw ang lahat.
Pero sana magkaroon akong pagkakataon na mas mapalapit sa kanya. Kasi sa totoo lang, nagugustuhan ko na siya.