Tapos na kaming kumain. Habang kumakain kami ay tahimik lang s'ya. Which is right naman. Never ko s'yang nakita na nagsalita habang kumakain. “Khiaza, I'm sorry kung hindi kita kinakausap habang kumakain tayo kanina. Nakasanayan ko ng ganu'n. But try ko ring mag-adjust... Kapag kumain tayo ulit. Pero maniwala ka, nakikinig ako habang nagsasalita ka.” Inilapag n'ya ang tissue. Speechless ako. Hindi ko alam ang isasagot. Wala lang, masaya lang ako. “Ganu'n ba? Salamat. Pasensya ka na kung madaldal ako.” “No, your voice is like music. It makes me calm. Ang sarap ng siomai 'no?” “Oo, hindi nakakasawa. Grabe ang busog ko!” Tumawa ako ng malakas. Nang makita ko na nakatitig s'ya sa akin ay napatigil ako. “Sorry, pasensya ka na kung daig ko pa ang tatlong tao kung tumawa.” “Limang tao ang

