Pumunta kami ni Dash sa kwarto ni ma'am Dallsh. Kasalukuyan na mayroong doctor. Chine-check nito si ma'am. “Khiaza, gumalaw na ang daliri ni mom at naimulat na n'ya ng bahagya ang mga mata n'ya,” masaya n'yang bulong habang karga pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Ako na rin ang pinakamasayang tao kapag tuluyan nang magising si ma'am Dallsh. “Kagaya mo, sir Dash, napakasaya ko rin. Nakakatuwa, Dash, ramdam kong tuloy-tuloy na ang paggaling n'ya.” “Oo. And to be honest, malaki ang naitulong mo sa kanya.” Ibinaba n'ya ako sa couch. Umupo s'ya sa tabi ko at niyakap n'ya ako. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Gusto ko s'yang itulak dahil parang pinagtataksilan ko si Sav sa ginagawa namin. Teka... Nababaliw na ba ako? Hindi. Hindi. Walang malisya kay sir Dash ang pagyakap n'ya. S'y

