19

1077 Words
Bigla akong nagising. Nakita ko si ma'am Dallsh. Ang ibig sabihin ba nito ay nakatulog ako sa gilid n'ya? Hala, nakakahiya. Tumayo ako. “Good morning, ma'am. Pasensya na, hindi ko namalayan na nakatulog ako. Wait lang ma'am, kakausapin ko lang si sir Dash.” Bubuksan ko na sana ang pinto pero bumukas ito. Bumungad sa akin si sir Dash. “Good morning, Khiaza.” Pumasok s'ya ng tuluyan sa loob. Mayroon s'yang bitbit na tray na mayroong mga pagkain. “Good morning po. Sir, pasensya na kung nakatulog ako rito. And pasensya na kung... Late na po ba ako? Kailangan ko pa pong magtrabaho sayo. Sorry.” “Hindi talaga kita ginising nang pumunta ako rito. Mamaya pa naman ang work mo sa akin kaya take your time. Mayroon kang maraming uniform sa guest room at kahit na anong kailangan mo. Room 10. Do'n ka na lang pumunta if need mo na.” Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita s'ya ng tagalog. Napakalinis n'yang mag-tagalog, nakakamangha. “Khiaza, 'yang mga pagkain sa tray, para sa 'yo ang mga 'yan.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ko, “Ano po, sir Dash? Para po sa akin?” “Yes. Hindi naman makakakain ang mom ko.” Napakamot ako sa aking ulo. “Sabi ko nga po. Sorry. Salamat, Dash.” “You're welcome.” Tumalikod s'ya. At lumabas. Naalala ko si Sav sa paghatid sa akin ng pagkain. Sav, may posibilidad ba na babalik ka pa? Hihintayin pa rin kita kung oo. Pero lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Patay ka na. Hindi ka na babalik kahit kailan. Sinimulan ko ng kumain. “Ma'am, ang sarap ng ibinigay na mga pagkain ni sir Dash sa akin. Nakakabusog. Magpapasalamat pa po ako sa kanya mamaya.” “Uhm, ma'am, aalis na po muna ako ha. Pero babalik po ako. Hintayin n'yo po ako. Maraming salamat, ma'am.” Pinindot ko ang cell phone sa gilid para i-play ang paborito ni ma'am na kanta. Tinitigan ko si ma'am. Hindi ko napigilan na mapangiti. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi mahirap ang trabaho ko na makasama s'ya. Para na ring mayroon akong nanay. Sav, kung nandito ka lang, siguro ay matutuwa ka rin sa bago kong trabaho. Mababait sila sa akin. Lumabas na ako sa kwarto. Hinanap ko ang room 10. Kung tama ang aking palagay, ang room 10 ay nasa second floor pa rin. Ganu'n kalawak ang second floor, at bahay talaga nila. Nahanap ko na ang room 10. Hinawakan ko ang doorknob, hindi naka-lock. Pagpasok ko sa loob ay sumalubong agad sa akin ang mabangong pabango ng kwarto. Pumunta ako agad sa cabinet dahil baka nando'n ang uniform ko. Ayaw ko namang ma-late sa trahaho ko kay sir Dash. Nahanap ko na ang uniform ko. Dali-dali akong pumasok sa cr. Bibilisan ko lang ang pagligo. Paglabas ko sa cr ay kaagad kong inayusan ang sarili ko. Nakakahiya naman kay sir Dash na sa bahay n'ya pa ako nag-aayos, pero nandito na itong opportunity na ito. Kaagad akong lumabas sa room nang matapos ako. Habang pababa ako sa hagdan ay nakita ko si sir sa baba. Teka... Hinihintay n'ya ba ako? Nakakahiya naman. He is wearing yellow formal suit. Isa lang ang masasabi ko, mukha s'yang araw pero hindi nakakasilaw. Nakakamangha ang pagiging elegante n'ya. Nakakatuwa na para bang nakakita ako ng artista dahil sa kanya. “Sir Dash! Hi po, good morning po. Pasensya na po. Hinihintay n'yo po ba ako?” “Yes. No problem. Let's go.” “Opo, sir.” Sumunod ako sa kanya. Nakakakaba pa rin. Sana ay mabigyan ko ng hustisya ang trabaho ko. Alam ko rin naman na magaling ako at mayroong mga kakayahan. ** Kasalukuyan kong tinatrabaho ang pagsagot sa mga incoming calls. Maya-maya rin ay io-organize at magpapadala na ako ng mga mensahe. Kaya ko ito. Marami pa akong pending na gagawin. ** Tapos na ang trabaho ko. Inayos ko na ang mga dapat kong ayusin sa office. Paglabas ko sa office ay nakasalubong ko si sir Dash. Kaagad akong yumuko sa kanya. “Khiaza, sumabay ka na sa akin.” “Sir...” Humarap ako sa kanya. “Mayroon pa po kasi akong bibisitahin. P'wede po ba? Hindi pa naman po kasi ako late para sa work ko kay ma'am Dallsh.” “Gusto mo bang ihatid na kita? Para hihintayin na lang din kita. Mahirap na, mahal ang pamasahe papunta sa bahay dahil may kalayuan. At baka wala ka ng masakyan. But if it's not okay with you, okay lang.” Kinabahan ako. Oo nga, may kalayuan ang bahay nila. Siguro mabilis lang kaming nakakarating sa kanila dahil sa bilis ng sasakyan n'ya. “Hindi po ba ako makakaabala, sir?” “No. Let's go.” Nauna s'yang naglakad. Sumunod na lamang ako. As usual, paglabas namin ay nando'n na ang kotse n'ya sa labas. Nag-aabang na ang kanyang driver. ** Bumaba na ako sa kotse. Ang sabi ko kay sir Dash ay hintayin lang ako sa loob ng kotse dahil madali lang naman ako. Kasalukuyan na akong nasa harap ng urn ni Sav. Ngumiti ako sa litrato n'ya. “I miss you so much, Sav,” hindi ko na napigilan na umiyak, “hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa akin ang nangyari sayo, Sav. Miss na miss na miss na miss na kita. Mahal na mahal pa rin kita. Habambuhay na yata kitang mamahalin kahit na alam kong hindi ka na babalik.” Pinunasan ko ang mga luha ko. Kailangan ko ng bumalik sa kotse. “Bye, Sav. Babalikan kita.” Nakabalik na ako sa loob ng kotse. Wala namang tinanong si sir Dash. Tumango lamang s'ya sa akin nang makita ako. Nakarating na kami sa mansion. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni ma'am Dallsh. Excited na kasi akong makita s'ya. “Hi, ma'am. Kagaya ng sinabi ko, bumalik po ako. Salamat po sa paghihintay sa akin ha, ma'am. Marami pong salamat.” Mayroong kumatok. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si sir Dash. “Pagod ka na ba, Khiaza? Matulog ka na muna sa guest room. Sapat na siguro para kay mom ang ilang sinabi mo sa kanya. Thanks.” “Okay lang, sir Dash. Hindi naman ako sobrang pagod po.” “P'wede ba na iwan mo muna kami ni mom? Mayroon lang akong sasabihin sa kanya. Salamat.” “Opo.” Nagmadali akong lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD