Umuwi muna ako sa bahay dahil day off ni sir Dash.
Mabigat pa rin sa loob ko na wala na si Sav. Ayaw pa ring tanggapin ng puso ko lahat.
Mayroong kumatok sa pinto. Hindi ko alam pero bigla akong na-excite.
Binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang best friend ko na galing sa ibang bansa.
“Khiaza!”
“Jaya?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yes! Your best friend!” Niyakap n'ya ako. “Kumusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari. Pasensya ka na dahil wala ako sa tabi mo noong mga panahon na kailangan mo ako. I'm sorry.”
“Ano ka ba, Jaya, huwag ka ngang mag-sorry. Halika, kumain tayo! Dali!”
Tumakbo kami papunta sa dining area.
“Kaya pala tatlong klase ng ulam ang niluto ko dahil dadating ka, Jaya. I miss you so much.”
“Ay, thanks! Sigurado ako na masarap ang mga ito.”
**
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Jaya sa couch.
“Hmm, Khia, pasensya ka na kung ang insensitive ko sa itatanong ko ha.”
“Ano 'yun, Jaya?”
“What if mayroong dumating sayo na pag-ibig. Handa ka na ba?”
“Hindi. Never akong magiging handa. Habambuhay kong mamahalin si Sav.” Seryoso kong inilapag ang tubig sa lamesa.
“What? Hindi ba... Mali 'yun?”
“Hindi magiging mali 'yun, Jaya. Asawa ko si Sav. Asawa ko s'ya. Nagsumpaan kami na magmahalan habambuhay.”
“Talaga bang ikukulong mo ang sarili mo sa nakaraan?”
“May mali ba talaga ro'n, Jaya? Palibhasa kasi ay hindi mo pa nararanasan ang naranasan ko kaya madali lang para sayo na magsabi ng ganyan.”
“Siguro nga, Khia. Siguro nga mali ako. Sana. Pero bata ka pa. 'Di ba nga'y pangarap mong magkaroon ng anak?”
“Kung p'wede ko lang hukayin si Sav...”
“Oh my God, are you crazy? Sa tingin mo ba'y mabibigyan ka n'ya ng anak kapag hinukay mo s'ya?”
“Siguro nga ay baliw na ako. Ikaw ba naman, mawala sayo 'yung lalaking nagtrato sayo ng tama. Masakit 'yun at talagang nakakabaliw.”
“I know Sav too. Alam ko na hindi s'ya selfish. Kung p'wede mo lang s'yang makausap ngayon, sigurado ako na gugustuhin n'ya na magsimula ka.”
“Bakit ka ba nangingialam, Jaya? Wala kang alam sa lahat ng pain ko.”
“Oo nga, nando'n na tayo. Pero kaibigan mo ako.”
“Wow, Jaya. Kaibigan pala kita? Akala ko, the way mo ako pagsalitaan ay nanay kita o tatay.”
“I'm sorry, Khia. Pero kailangan mo rin ng realtalk minsan. Masakit oo, pero gumising ka girl.”
“Ito ang tatandaan mo, Jaya, hindi ko kailangan ng bagong pagmamahal. Mamamatay ako na ang asawa ko pa rin ay si Sav.”
“Ewan ko sayo, girl. Mahirap magsalita ng hindi mo pa alam ang mangyayari sa susunod na mga araw.”
“So what? Bahala ka, Jaya.”
“Bahala talaga ako. Ang hirap kasi sayo-” hindi ko pinatapos ang sasabihin n'ya.
Tumayo ako. “Hindi mo ba talaga ako naiintindihan, Jaya? Si Sav ang buhay ko! Halos mabaliw ako noong nawala s'ya! O siguro nga ay baliw na ako ngayon! Ang hirap din kasi sayo, ang dali lang para sayo na mag-advice pero nang-iinsulto ka at para bang ini-invalidate mo 'yung nararamdaman ko!”
Nakita ko na yumuko si Jaya. Niyakap n'ya ako. “I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko naman talaga gusto na masaktan ka.”
“Sorry rin, Jaya. Pasensya na. Nadala lang rin ako ng emosyon ko. Sorry, sorry.”
“Sorry rin talaga. Hindi na natin ito pag-uusapan pa.” Hinalikan n'ya ako sa pisnge.
Nag-ring ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot.
“Hello?” curious na tanong ko. Nagulat ako nang magpakilala ang tumawag. S'ya si sir Dash.
Ibinaba ko na ang phone. Pinapapunta n'ya ako sa kanila dahil mayroon daw s'yang need na puntahan.
“Uhm, Jaya, dito ka na lang muna sa bahay ko mag-stay. Aalis kasi ako ha. Bye!” Nagmadali akong lumabas. Naiwan ko si Jaya na puno ng katanungan.
**
Nakarating na ako sa mansion. Pumasok ako sa gate.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero bigla akong nakasalubong si sir Dash. Nagtama ang aming paningin. Pero ako ang unang umiwas. Hindi ko kaya na makipagtitigan sa matingkad na brown nyang mga mata.
“Khiaza, I have to go. Ikaw na ang bahala rito.”
Napahabol ako ng tingin sa kanya. Longsleeve na puti at simpleng black trousers lang ang suot n'ya pero ang lakas ng dating.
Umakyat na ako sa taas.
Pumasok ako sa kwarto ni ma'am Dallsh. Ngumiti ako sa kanya.
“Ma'am, kumusta po? Heto na naman po ako, si Khiaza. Na-miss n'yo po ba ako? Na-miss ko rin po kayo. Pasensya na po kung wala ako palagi sa tabi n'yo ha? Pero bubusugin ko po kayo ng chika o ng mga kwento.”
Makalipas ang ilang oras. Wala akong ibang ginawa kundi ang magkwento sa harap ni ma'am Dallsh. Mukha man akong ewan dahil tumatawa ako ng mag-isa, ramdam ko naman na parang masaya si ma'am sa pakikinig sa akin.
**
Kasalukuyan akong nasa dining area, kumakain. Grabe, ang daming pagkain sa lamesa nila kahit na ako lang ang kumakain. Inaaya ko nga ang mga maid pero busog pa raw sila.
**
“Dashioff, bakit ba hindi mo na ako kayang mahalin pa ulit?”
“Umalis ka na sa bahay ko.”
Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko nang makarating ako sa living room.
Nakita ko ang isang babae na para ring artista sa ganda, sa puti, at sa kinis ng balat.
“Who is she, Dashioff? S'ya na ba ang bago mong babae? Wow, isang basurang babae?”
Kumunot ang noo ko.
“Stop, Bhri. Get out of my house.” Umakyat si sir Dash sa hagdan.
Tinitigan ako ng mariin ng magandang babae. Sayang, ang ganda pa naman n'ya at ang tangkad din.
Umalis ako. Pumunta ako sa labas. Wala akong balak na makipag-away sa kahit sino.
Umupo ako malapit sa garden.
“Hi, Khiaza! Ako 'to, isa sa mga maid dito. Gusto mo ba ng kape? Oh heto.”
“Talaga? Salamat ha.” Tinanggap ko ang tasa.
“Una na ako, Khiaza, mayroon pa akong mga gagawin. Bye!”
Ngumiti ako sa kanya. Nakakatuwa na ang babait ng mga katrabaho ko. Ewan, nakakalungkot lang na mayroong nagsabi na basura ako. Pero hayaan na 'yun s'ya.
Ang mahalaga ay kuntento ako sa buhay ko.
Ang mahalaga sa akin ay ang mahal na mahal ko si Sav.