Chapter 7

2456 Words
Jason's POV Christmas na sa isang araw pero hindi pa ako nakabili ng mga regalo. Kada pasko may mga regalo talaga ako sa mga tauhan ng hacienda at sa mga family nila. Pati kina Kuya at Mama. Masaya at magaan na uli ang pakiramdam ko. Nakakahiya ang inasal ko kay Kuya noong isang araw. Babawi nalang ako. Inamin ko masyado akong nagpadala sa aking emosyon. Pero ng sabihin ni Kuya na mali ang aking iniisip, ay pinakinggan ko sya. May point naman si Kuya. Kahit may share ako sa kompanya ng mga magulang namin ay kailangan ko parin hingin ang approval ni Kuya dahil sya ang namamahala sa aming kompanya at hacienda. Alam kong may sariling kompanya si Kuya sa abroad. At alam ko din na pagkagraduate ko, ililipat nya sa akin ang pamamahala ng family business namin. Ako na ang magiging CEO, kaya guato ni Kuya na after graduation mag-uumpisa na ako ng training at sya mismo ang magtuturo sa akin. Mag-uumpisa daw ako sa baba para alam ko ang galawan ng negosyo mula sa baba. Alam ko na mahal ako ng Kuya ko, lang minsan masyadong overprotective. Bata parin ako kung tratuhin. Masyado kasing seryoso si Kuya. Ni hindi ko nga ata sya nakita na humagalpak ng tawa. Sabi ko nga minsan na mag-asawa na sya para naman magkaroon ng buhay ang lovelife nya. Pero ayaw ni Kuya. Ang parating sinasabi nya ay Ihahanda daw muna nya ako sa negosyo para kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa kapag ako na ang humawak ng negosyo namin. Kung iyong ibang mga pamilya nag-aaway away dahil sa agawan ng negosyo. Kami naman ay nagtutulungan. Ayaw kasi namin na mapunta sa wala ang mga pinahirapan nila Mama at Papa. Para daw ito sa mga future pamilya namin at mga tauhan na nangangailangaan ng trabaho. Malaki kami magpasahod. at kompleto ang benefits. Above minimum wage at meron pang mga bonuses, at free groceries kada buwan pati health care benefits na napaka importante sa lahat. We also teach our employees to do some investments for their retirement. Dapat may kanya kanya silang retirment plan. so part ng income nila, nilalagay namin sa kompanya as their share para naman pagdating ng panahon meron silang maasahan. lahat ng family members nila sa amin natin namamasukan. Iyang din ang dahilan kumbakit si Kuya talagang napatayo ng sarili nyang negosyo para naman matulungan ang mga empleyado ng hacienda pagka graduate ng mga anak may trabaho agad. We treat them as family. Conrad's POV Kailangan kong bumili ng mga kailangan dito sa Pasko lalo na mga regalo. I want to have a party for the staffs here in our hacienda. "Kuya aalis ka?"tanong ni Jason habang pababa ng hagdan. "Yes, I will buy some gifts and other needs for the party this Christmas." sagot ko sabay alis. "Sabay na ako kuya kasi mamimili din ako. Sabay na tayo magplano ng mga gagawin ngayong pasko at bagong taon para sa lahat." excited na sabi ni Jason. "Are you not mad at me already?" nagtatakang tanong ko. "Kuya tungkol doon, ahmm sorry ha nabigla lang ako. I am so sorry for what i did. I won't do it again promise." dagdag pa ni Jason. "Forget it let's go" maiksing sagot ko. Umalis kami at pumuntang bayan. Sinama ko na si Manang ibyang para sya na ang bahala sa mga lulutuin sa pasko. Namili ako ng mga pangregalo para sa lahat pati na sa kanilang mga pamilya. Pinalista ko lahat kay Manang ang mga pangalan ng bawat empleyado para walang makalimutan. I am also thinking of giving them a bonus para naman sa new year meron din silang magamit bukod sa mga pinamimigay namin na groceries bawat pamilya. It is our tradition to give them each family ng tig-iisang leletsunin from our farm para mas masagana ang handaan nilang magpapamilya. Doon narin kami sumasali sa New Year kasi ang ginagawa nila sa kalsada lahat ang handaan. Parang isang pyesta na ang nangyayari, may mga palaro, inuman kainan, kantahan at sayawan. Lahat tulungan sa pagdedesenyo ng kalsada pati paglalagay ng mga fireworks. It is near Christmas, and everybody is so busy with the preparations. I wrap everything from the smallest to the oversized packages for each family. Tinitingnan ko ang regalo ko for Janelle. I think this is the best gift I could give her this Christmas. Every year I get to see her during the holiday season when we celebrated Christmas and new year in the mansion when I was young, but I don't talk to her. I only watch her from afar. We stopped celebrating after that day years back. My parents would always ask Manang to arrange everything for the staff. We don't attend their celebration. I always do the holidays with Jason in Manila. But not this year. I want this year's celebration to be unique and perfect. I can see that Jason is also very excited about the party. I can tell why; it is because of Janelle. And I cannot blame him. Janelle is exceptional. Pure and innocent. I am so happy that I get to experience that moment with her. I cannot forget that I had to run into the bathroom that day to release my desires. Upon remembering that moment, my body heats up again. Ok, that's it. I need a release." I went into the bathroom again to help myself. I heard a knock. "Sir Conrad?" one of our helpers called. "Yes?" I answered. "Sir ready na daw po ang lahat para bukas. Baka meron ka pa daw pong idagdag lalo daw po sa pagkain?" dagdag pa nya. "Okay I will get down in a minute. Please ask the driver to help me bring all the gifts downstairs and put them under the Christmas tree and on the table. "Yes, po Sir", sagot ng katulong. Jason's POV Excited na ako bumili ng regalo for Janelle. It is a heart shaped necklace. I hope she will love this. I put the necklace in my pocket then went out. I saw my brother checking the decors. "Kuya kompleto na ba lahat?" excited kong tanong. "Yes, it is complete, I just ask Manang to ask someone to buy some additional wines and liquors for our people for tomorrow." sagot ni kuya habang inaayos ang ibang dekorasyon. "Kuya I want to tell you something" mahina kong sabi. "What is it?" humarap si Kuya. "I will ask Mang Isidro tomorrow if I could court Janelle!" excited kong sabi. "What?!" gulat na sagot ni Kuya. "Why? She is too young Jason. And hindi ba dapat kay Janelle ka magpaalam muna?" dagdag tanong nya. "Yes, I will ask Janelle also, but I need to start somewhere, right? Mahirap na baka maunahan pa ako. Kuya I really like Janelle. And I think I already love her. I've never felt like this before." mahabang sabi ko. Hindi umimik si Kuya at bigla nalang umalis. Hinayaan ko nalang. Nasanay na ako sa kanya. I am not in a hurry. I just want to tell Janelle that I like her. I can wait. I do not want to rush her or anything. Ayoko din naman magmadali, Gusto ko maayos ang lahat. I will improve myself for Janelle. Prove to her that I can still be a responsible person na pwede nyang asahan. As for Kuya, alam ko hindi nya maintindihan ang nafefeel ko kasi never pa namang na inlove si Kuya. Puro flings lang naman. May Ex-girlfriend si Kuya but I doubt if he really loved her in the first place. Janelle's Pov Masaya akong nagbabalot ng mga regalo para sa aming mga magulang. Kasama ko ang aking mga kaibigan. Pero syempre ang pang exchange gift namin ay tapos na. Nakatago na. Secret iyon. "Ang pangit naman ng pagkakabalot nyo!" pintas ni Mariel sa aming ginawa. "Ay naku, it’s the taught that counts, oi english iyon ha hahahaha"'tawa ni Kriselda sabay sapak kay Mariel. "Masaya bukas sa Mansion. ang tagal na ng huling Party doon. Ano kaya ang dahilan noh? Pero ok lang ngayon balik na uli tayo mag celebrate sa mansion. Masasarap tyak ang pagkain!"excited na sabi ni Julia. Tama sila, matagal na ng mula kaming magparty sa mansion. May nakilala pa nga kaming bagong kaibigan noong 3 years old pa kami. Ang ganda ng babae, nasaan na kaya sya ngayon. Ang bait nga nya binigyan pa kami ng laruan na nakatago pa hanggang ngayon pati ung picture naming lima. sandali lang kaming nagkalaro kasi bigla nalang syang umalis di namin nakita. Baka anak iyon ng isa sa mga bisita sa mansion na hindi taga hacienda. "Bilisan nyo na yan mga bruha at tayo ay pupunta pa sa ilog. Plano kasi naming mag picnic sa ilog. Nagluto kami ng mga pagkain na aming dadalhin. Masaya kaming naglalakad ng nakasalubong namin si Sir Jason. Nagjojogging yata kung ang pagbabasehan ang kanyang damit. " Hi Girls!" bati nito. "Magandang araw po Sir" sabay sabay naming bati din na ikinatawa niya. "Jason nalang" sabay tawa din nya. "Hi Janelle. Ipakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo." sambit pa ni Jason. "Ay oo nga pala, Jason sila pala mga kaibigan ko Kriselda, Julia, Anastasya. Girls si Jason sa mansion sya nakatira kasama nya ang Kuya nya, isa sa amo ng ating mga Magulang. "Ay hala! sya pala." gulat na kaway ni Julia. "Kamusta ka Jason? parang hindi ka namin nakikita kasi." dagdag pa neto. "Ah yeah I lived in Manila. Hindi rin ako masyado lumalabas kapag nauwi kami dito sa atin." saad pa nya. "Saan kayo pupunta, ba't parang ang dami nyong dala?" tanong nya habang nakatingin sa akin. "Ah Jason maliligo kami sa ilog. Magpicnic kami doon." excited na kwento ko. "Ah talaga? Pwede ba akong sumama? Promise I will bring food." pakiusap neto. Nagtinginan kaming magkakaibigan na parang nahihiya. "But if ayaw nyo ok lang ha" dagdag sabi. "Ay okay lang Jason sumama ka na. Ikaw naman matampuhin agad hahaha" sabad naman ni Kriselda. "Wow thank you! Tara na ako na ang magdadala ng mga iyan." excited na sabi nya sabay kuha ng mga gamit namin. Gwapo si Jason parang modelo. Pero ang kagwapuhan nya ay magkaiba sa Kuya nya. Si Conrad kasi ang mga mata masyadong malalim kung tumungin. Seryosong seryoso ang mukha. Domineering ang aura nya. Mahihiya ka pero sya ang tipo ng tao na kapag nakasama mo na eh masasabi mo na mabait pala kahit mukhang suplado. Ito naman si Jason palangiti. Parang playful ang mukha. Maaliwalas. Game na game parang madali mong maging barkada. alam ko ang mga kaibigan ko pasimpleng nagkukurutan sa likod ko kasi nga naguguwapuhan kay Jason. Natatawa nalang ako sa isip ko "hahaha". Ng dumating kami sa ilog biglang nagsitakbuhan ang mga kaibigan ko na parang bata. tawanan kaming lahat pati narin si Jason. "Jason hali na kayo at maligo masarap ang tubig!" sigaw ni Kriselda. "Sige lang mamaya na ako, ikaw Jason maligo ka na." sabi ko. Ako naman ay nahihiyang maligo dahil masyadong manipis ang suot kong tshirt at wala akong bra na dala' "Malay ko bang may sasamang lalake sa amin."sabi ko sa sirili ko. Nasanay kasi ako na tuwalya lang ang pinapatong ko sa suot ko kapag pumupunta ng ilog. Pagkauwian ito narin ang pang alis ko. Myghad nakakahiya. Sa aming apat ako talaga ang masyadong pinagpala ang hinaharap kaya kitang kita at bakat na bakat talaga ang dibdib ko lalo na kapag nababasa. "Hmmmp nahiya ka pa eh diba nga may nangyari sayo noon dito sa ilog nakahubad ka pa nga." bigla agad may parang bumulong sa isip ko na ikinapula ng mukha ko. "Huh?! Ano kaya iyon, pa remind ba? Tse! Myghad iba naman iyon, iba ngayon. Madilim kaya noon at ngayon maliwanag." depensa ko sa sarili ko. "Janelle?" tanong ni Jason na ikinagulat ko. "Huh?! Ano iyon?" Tanong ko. "Nevermind hahaha"Tawa ni Jason. "Halika kumain muna tayo. Gutom na ako parang masarap ang amoy ng dala niyong pagkain. Wow Adobo at may suka pang sawsawan, inihaw na bangus. Masarap nga!" excited na sigaw ni Jason na para bang napaka special ng pagkain namin. Habang kumakain kami ni Jason at nagtatawanan biglang tinawag ako ni itay. "Itay nandito po pala kayo." sabi ko. "Oo kasama ko si Conrad mangunguha kami ng mga panggatong at dahon ng saging. Sumama kasi sabi ko ako nalang." kwento pa ni Itay. "You're here Jason" biglang may baritonong nagsalita sa likod ni Itay. "Ah yes Kuya nakita ko kasi sila Janelle kanina kaya sumama na ako. Nakita ko kasing ang saya saya nila habang naglalakad. Tumingin sa akin si Conrad ng matiim, at tumingin pababa. "Myghad napansin kaya nya na wala akong bra? nahulog pala ang tuwalya pambihira."sabi ko sa sarili ko. "Jason please help us pick those dried woods first so that we can go home early." utos nito sa kapatid nya. "Yes Kuya" sagot ni Jason sabay alis kasunod ni Itay. Bigla nalang may naglanding na tshirt sa paanan ko. "Wear it!", biglang pasigaw na utos sa akin ni Conrad sabay talikod. "Ano kaya iyon. Ang init init magdodoble ako ng damit. Tsaka sya kaya ang kailangang magdamit dahil nakahubad sya. Myghad anong drama nya hmmm ang guwapo at macho mo sana myghad ang sungit lang, ano ako bata?" reklamo ko sa sarili ko sabay tayo at naligo narin kasama ng mga kaibigan ko. Tuwang tuwa kami at naghahabulan na parang mga bata lang na walang pakialam. Nakalimutan ko na ang tshirt ko ay napaka nipis. Nauna akong umahon para uminom ng tubig ng biglang sumulpot na naman si Conrad."O nasan na sina Itay at Jason." tanong ko bigla."What are you wearing?! I told you to wear the shirt I gave you!."pagalit na sagot naman nya. "Ayyy hoy! huwag ka tumingin!"sigaw ko sabay pa takit sa dibdib ko. Bigla nalang umalis si Conrad habang pagalit na sinuklay and buhok. "Damn!" sinuot ko nalang ang plain tshirt na binigay nya sa akin. "Hmmm enfernes ang bango ng t-shirt nya masculine ng amoy." sabay amoy ko ng biglang nagulat ako kasi dumating si Jason."O Janelle bakit mo inaamoy ang tsirt mo mabaho ba?" inosenteng tanong ni Jason. "Sorry natagalan ang dami naman kasing pinakuha ni Kuya. Tara maligo na tayo?" yaya nya sa akin. "Sige tara na!" sabi ko. Naglaro kami hanggang inabot na kami ng takipsilim sa paliligo. Kwentuhan, kainan at tawanan. Masaya kasama si Jason and daming kwento. Pati mga kalokohan nya sa Manila na sa harmless jokes sa mga teachers nya nakuwento din nya. Gabi na ng nakauwi kami. Hinatid ako ni Jason pauwi kasi delikado daw gabi na kahit safe naman talaga sa lugar namin. "Sige Janelle magpahinga ka na, see you tomorrow." paalam nya. "Thank you sa paghatid, ingat ka Jason" balik kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD