Kabanata 25

1627 Words

MAAGA siyang umuwi ngayong araw. Ayaw niya na kasing makaharap pa si Gavin dahil alam niyang sa kaniya na naman ibubunton ang galit nito. Tinulungan niya na lamang si Manang na magluto para sa kanilang hapunan. Nakaupo si Manang Belen habang pinagmamasdan siya. Samantalang ang isang kasambahay nila ay naghuhugas ng kanilang ginamit para sa pagluluto. “Uuwi rin ba ng maaga si Gavin?” Marahang tanong ni Manang Belen.                                           “Hindi ko po alam.” Tahimik niyang sagot. Kailan ba siya nagkaroon ng kaalaman tungkol sa mga ginagawa ni Gavin sa buhay? Ayaw nitong panghimasukan niya ang buhay nito kahit na mag-asawa sila. Hindi niya na ipinilit pa ang sarili niya roon. Masaya na siya na inuuwian siya nito kahit papaano.                                            

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD