NAWALAN ng sasabihin si Ayana. Hindi niya alam ang akmang sasambitin niya gayong mukhang masama na naman ang timpla ni Gavin. Dapat niya bang sabihin na galing siya sa opisina ni Asher? Ano naman ang idadahilan niya kapag tinanong siya nito kung bakit siya galing doon? Ikagagalit na naman nito iyon. Nanatiling nakatayo si Gavin sa kaniyang harapan. He has a surprise visit to their department the reason why he was there. “Answer me. Where have you been?” His stare even sharper pointing at her. “I…uhm…” “Inutusan ko po si Ayana na dalhin ang mga papeles sa stock room, Mr. de la Vega.” Halos takbuhin niya na ang kinaroroon ni Mike para yakapin ito. He saved her! Isang madilim na sulyap ang iginawad ni Gavin kay Mike. Agad namang itinikom nito ang bibig tyaka mulin

