BINALOT sila ng katahimikan hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Hindi niya na nagawa pang makapag salita. Sino ba ang magkakaroon ng lakas ng loob matapos ang nangyari? Talaga bang hinalikan siya ni Gavin at sinambit ang mga katagang iyon? Nananaginip lang ba siya? Pero alam niyang hindi. Nangyari talaga iyon dahil ramdam pa niya ang mainit nitong labi sa kaniya. Akma na siyang aakyat papunta sa kaniyang kwarto para sana makapagpahinga pero isang malaki at malakas na kamay ang humigit sa kaniya. He pinned her on the staircase’s railing. Sinubukan niyang kumawala rito pero hindi sapat ang kaniyang lakas para itulak ang asawa. Masyado na siyang n

