Elleina Michelle Fuentes's P.O.V Nakaupo ako sa isang upuan malapit sa table nila bakla. Nagrequest si bakla na magsama ng isa pang event organizer para hindi daw ako mahirapan. "Shocks. Hindi mo man lang sinabi sakin na ang gwapo ng bestfriend mo!" Kinikilig na sabi ni like Leslie. Ngumiti lang ako at tumingin kay bakla at nagulat ako na nakita ko rin siyang nakatingin sakin. Napaiwas naman ako ng tingin. Bakit siya nakatingin sakin? May dumi ba ako sa mukha? "Elleina,bakit ka dyan nagba-blush girl?" Tanong ni Leslie. Umiling ako at tinignan siya. "Wala noh! Hala sige na, asikasuhin mo na yung program. Hindi tayo dapat madelay okay?" Sabi ko. Tumango siya tapos ngumiti. "Okie!!! Nga pala Elleina, hindi mo talaga kakainin yan?" Tanong niya. Umiling ako at tinignan yung plato na nasa h

