Chapter 1
Elleina Michelle Fuentes P.O.V
Naalimpungatan ako sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko. Nanlamig ang buong katawan ko ng maramdaman na hindi ako nagiisa sa hinihigaan ko. Tumingin ako sa paligid ko. Hindi ito ang kwarto ko, it means hindi rin 'to ang bahay namin ni Inay. Then I saw my my bestfriend sleeping peacefully. Ngayon ko lang napagtanto na nakahiga ako sa kanya and we're both naked. Gumalaw ako. Shet! Ang sakit ng lower part ko. Anong nangyari?
"Ahh... Aish!!!" Daing ko. Napaupo ako sa tabi ng bestfriend ko. Sa Sofa kami nakatulog. Nakita ko yung damit ko at underwears ko na nakakalat sa sahig even his clothes. What happened?
*Flasback*
Nasa isang bar ako at umiinom. Grabeng dami ng problema namin. Aish... I need money. Kung pwede ko lang ibenta yung katawan ko ginawa ko na. Kaso ayaw ko. I reserve myself for only one person.
"Girl!!! Sarreh ah!! Na-late akesha!!!" Lumapit si bakla. Siya yung only guy/gay kong bestfriend. Si Christian Stuart Miguel. Christina or Christie ang tawag namin sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. Naka Office attire pa siya habang ako naka Dress na puti na umabot hanggang taas ng tuhod ko. He's 23 and i'm 22 years old.
"Its okay. Kakadating ko lang din naman eh," sabi ko. He smiled. Umorder si Christie ng isang hard drink. Natawa ako.
"Oh anong nakakatawa?" Nakataas ang kilay na tanong niya sakin. Ngumiti lang ako.
"Wala... Alam kong ako ang may malaking problema at hindi ikaw pero ikaw ang umiinom ng hard drink," sabi ko. Inirapan niya lang ako.
"So what girl..." sabi niya sabay tungga ng inumin niya. Ganun din ako.
"Hay... May alam ka bang pwedeng maging sideline?" tanong ko. Pinaglalaruan ko yung baso na iniinuman ko.
"Waley girl... Benta mo katawan mo malaki kita nun," sabi niya sabay halakhak. Napabuntong hininga ako.
"S-sa tingin mo?" Nauutal na sabi ko. Natatakot ako eh, virgin pa ako at alam nyo naman na may gusto akong pag-alayan ng katawan kong 'to at sa iisang tao lang. Kaso kailangan ko talaga ng pera para panggamot ni Inay. Hay... Kung bakit ba kasi kami iniwan ni Itay nung nasa tyan pa lang ako ng nanay ko eh. Tsk. Nakita kong nakatingin si Christie sakin ng masama.
"Gaga ka talaga. Naniwala ka naman sakin. Tsk. Wit ka magsideline ulit. knowslif mo 'yun," sabi ni Christie na umiirap irap pa sakin. Tinignan ko naman siya. Pagkatapos ko kasi magkasakit ng pneumonia di na ulit nila ako pinagsideline pero dahil makulit ako nag apply ako at meron akong sideline bukod sa pagiging event organizer.
"Sinusunod ko lang naman ang sinasabi mo eh," sabi ko sabay tungga ng alak na iniinom ko tapos nagsalin ulit ako.
"Bakit ba naman kasi wit mo pa tanggapin itong andalucia na givenchy akesha sayo?" Inis na tanong niya. Tumawa na ako.
"Hahaha beh, mas gugustuhin ko pang ibenta ang katawan ko kesa kunin ang pera na ibibigay mo," sabi ko tapos inom ulit. Tinignan niya ulit ako ng masama.
"Girl, I'm your friendlalu... So, bet kong tumulong sayo. Anetch ka ba! Stop that givenchy itetch body!" Sabi niya tapos binatukan ako. Napayuko naman ako. Naiiyak ako. Grabe ang problema ko talaga. Ayoko naman umasa kay Christie at sa iba ko pang mga kaibigan. Gusto kong maging independent kahit na mahirap kami ni Inay. Buti na lang at nakatapos na ako sa kolehiyo.
"Ako rin naman *sniff* ayoko ibigay ang katawan ko sa iba *sniff* pero kung yun lang din naman ang magagawa ko eh," sabi ko. Napaiyak na ako ng tuluyan. Shocks nakakahiyang umiyak sa harap ni Christie. Narinig kong huminga ng malalim si Christie.
"Girl, Hush na. Wit ka ng mag crayola khomeni dyan. Wititit na akesha masabe. Tanggapin mo na kasi ng yang problema mo'y mag fly away na," sabi ni Christie sabay hagod sa likod ko. Grabe talaga, nakakahiya.
"Hay... Pagiisipan ko muna," sabi ko. Uminom na lang ako at ganun na rin siya. Medyo hilo na ako pagkatapos ng ilang inom pero matino pa ako noh. Pero etong katabi ko, wengya lantang lanta na.
"Mga Gagesh kasi mga hombreng yan! *hik* Lengye sile! *hik* Etong akeshang fezlak pang dyosa kesa sa mga gageshang mujer na mukhang bisugo! *hik*" Sabi ni Christie na kumukulot pa ang boses. Natawa ako sa kanya. Kahit kailan di na siya natuto sa mga lalaking pumapatol sa kanya. Aish. Uminom na lang ulit ako. Hay... Tinignan ko etong baklang umiinom sa tabi ko. Sayang talaga siya, Gwapo, Mayaman, Mabait... Hay... sana lalaki na lang siya. Di ko alam kung bakit ako nain-love sa kanya. Bakla siya pero siguro dahil sa kabaitan niya sakin, dun ako nahulog sa kanya. Hay... kung bakit ba kasi naging bakla pa siya. Nakita kong napatingin siya sakin at tinitigan ako.
"Bakla bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko. Umiling siya tapos nagiwas ng tingin. Nakita ko rin na napalunok siya. Baka nasusuka na. Mabuti pang umuwi na kami. Ihahatid ko na muna 'tong baklitang ito baka mabunggo pa.
"Tara na bakla, uwi na tayo," Sabi ko. Tumango siya. Ako na rin ang nagbayad. Kahit papaano may pera ako, kakasweldo ko lang sa part-time job ko. Inalalayan kong tumayo si bakla. Pagewang-gewang na kasi siya maglakad. Shocks, ang bigat niya at ramdam ko yung muscles niya. Shemay! Overload.
Nakakita ako ng taxi. Pinara ko iyon tapos sumakay na kami.
"Bakla, dala mo ba kotse mo? Kung dala mo, pakuha mo na lang sa driver nyo," sabi ko. Nakadantay na yung ulo niya sa balikat ko.
"Shigi, shigi!" sagot niya sabay wasiwas pa ng kamay niya sa mukha ko. Napailing ako. Kahit kailan talaga. Ilang minuto ang lumipas nakarating kami sa condo ni bakla. Binayaran ko na rin yung taxi. Hay... Mag jeep na lang ako pag uwi. May malay pa rin si bakla sadyang hilong-hilo na ito at di na makapaglakad ng maayos. Nakasakay naman na kami ng elevator, good thing na kaya ko pa etong baklitang 'to at di ko na kinailangan ng tulong ni manong guard. Nakarating kami sa tapat ng condo ni bakla.
"Bakla, 'yung susi mo nasan na?" tanong ko. Binigay niya sakin yung susi.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya sakin. Tumango ako habang binubuksan ko yung pinto ng unit niya. Shocks ang bigat niya talaga. Nabuksan ko na yung pinto kaya pumasok na kaming dalawa. Actually, this is not the first time na napunta ako dito. Halos araw-araw ako nandito. Nakarating kami sa Sofa dun ko siya inihiga. Nakapikit na siya ng inihiga ko siya sa sofa.
"Mapunasan na nga muna siya bago ako umalis," sabi ko sa sarili ko. Kumuha ako ng towel sa cabinet niya at palangganita tapos nilagyan 'yun ng maligamgam na tubig. Bumalik ako kay bakla tapos sinimulan siyang punasan sa mukha tapos sa leeg tapos sa braso niya. Tapos na akong punasan siya at ibabalik ko na sana yung palangganita ng hawakan ni bakla yung kamay ko.
"Dito ka lang muna please," narinig kong sabi niya. Hindi lang basta sabi niya, in a tone that every girl will fall for him. In a husky or a manly tone. Tapos nakatingin pa siya sakin.
"H-ha?" nauutal ako at medyo kinakabahan. Umupo siya pero di niya inaalis yung tingin niya sakin.
"Dito ka lang please..." ulit niya sabay kabig sakin palapit sa kanya kaya ang nangyari, ang labi ko lumanding sa labi niya. Shokoy na pangit! We're kissing! He's my first kiss! But its not just a kiss kasi gumalaw yung mga labi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko pero na carried away ako at napasunod ako sa kanya. Nabitawan ko pa yung palagganita. Bigla na lang ako nakaramdam ng kakaibang init sa katawan ko na ngayon ko lang naramdaman. Binuhat niya ako at saka inihiga sa Sofa.
"Stay with me, Elleina..." he said huskily. I nodded and initiated the kiss and he kisses me back.
And the rest was history...
*End of Flashback*
Napatakip ako ng mukha. Gosh! I can't believe na napaka wild ko rin kagabi. Isa isa kong pinulot yung damit ko at mabilisang sinuot iyon. Kinuha ko yung gamit ko tsaka nagmamadaling umalis.
Nahihiya na akong humarap sa kanya pagkatapos ng nangyari samin. Baka di na rin niya ako matanggap dahil hinayaan ko lang na mangyari 'to samin. Sana wala siyang matandaan.