Christian Stuart Miguel's P.O.V
*Boogsh*boogsh*boogsh*
Tsk. Ang ingay! Can't get a dyosa have some beauty sleep?
"Baklita! Buksan mo 'tong pinto!"
Hay... Minulat ko yung mga mata at tumingin sa paligid. Naks... Di man lang akesha nakapabeauty sleep sa kwarto. Na sight ko ang mga damit ko na naka kalat sa sahig at atashi ay naka oblation. Anyare? Nag strip dance ba ako bago matulog? Susmita sen! Bakit di akesha maalaley! Kinuha ko yung boxer ko at sinuot, dapat panty na lang 'to eh para masaya buhay ko eh. Tsk. Yung ibang damit ko dinala ko sa lagayan ng maruruming damit.
*Dingdong*dingdong*dingdong*dingdong*dingdo-*
"Nyeta, SANDALEEEE! Pwede mag hintay? Dingdong ka ng dingdong eh!" sigaw ko. Kumuha ako ng sando. Baka kung sinong mujer na itey eh, baka mahalay ako ng wala sa oras. I Kennot!!
Binuksan ko yung pintuan at Nakita si Rhea. Isa sa mga kaibigan namin ni girlalu Elleina or Ella.
"Oh? anung ginagawa mo ditey? Sinira mo beauty sleep ko, ikaw na baklita ka!" sabi ko. Pumasok siya sa unit ko at dumiretsong umupo sa sofa.
"Di daw kasi umuwi si Ellie sa bahay nila kagabi sabi ni Tita Elvie nung nagpunta ako kanina sa kanila kaya dumiretso ako papunta rito baka sakaling nandito siya," sabi niya. Napakunot noo ako. Tumayo ako at pumunta sa kwarto ko baka dito siya nakatulog pero there's no sign of Ella nung pumasok ako. Bumalik ako sa living room.
"Girlu, wala ditey si Ella girl," sabi ko. Nakita kong nakatingin si Rhea sa tabi niya tapos biglang nangunot ang noo niya.
"Baklita, ano 'to?" tanong niya. Lumapit ako sa kanya at sinundan yung tingin niya. Blood stains. Wait? what?!
"SHOCKS BAKLITA!!! MERON NA AKEMBANG!! WAHHH!!! I'M SO HAPPY!!! MAY RED ALERT NA AKESHA!!! PARTY NA ITUUU!!!!" Bulalas ko. Napatalon talon pa ako. Tumayo siya tapos binatukan ako.
"Gaga!!! Kailan ka pa nagka matris?" sabi niya.
"Kagabi lang... Yan proof oh!" sabi ko. Tinignan niya ako ng masama. Napa-pout tuloy akesha.
"Kfine," sabi ko at inirapan siya. Napa cross arms siya at halatang naiisip siya.
"Could it be..." Bulong niya. Could it be ano?
Elleina Michelle Fuentes's P.O.V
Nakarating na ako sa bahay namin. Sinalubong ako ni Inay.
"Nak! San ka galing? Dumating dito si Rhea. Hinahanap ka," sabi ni Inay bago ako niyakap. Niyakap ko rin siya.
"Uhh... Nakitulog ako kay bakla kagabi 'nay kaya di ako nakauwi. Sorry po!" sabi ko. Napabuntong hininga naman si Inay.
"Okay lang yun anak. Alam mo naman na malaki ang tiwala ko kay Christian at sayo," sabi ni inay. Ngumiti na lang ako. Alam kong malaki ang tiwala ni inay sakin at sadyang nahihiya ako sa kanya kasi nagawa kong ibigay ang katawan ko ng di ako kasal.
"Kumain na po ba kayo, 'nay?" tanong ko. Umiling si Inay.
"Inaantay kasi kita. O siya, dahil nandito ka na hali na't kumain ka na at pumanhik ka na sa iyong kwarto at magpahinga," sabi ni Inay. Tumango ako at umupo na sa hapag kainan. Nakatira kami ni Inay sa isang two-storey apartment building na pagmamay-ari ng tiyahin ko. Sa lahat ng mga kapatid ni Inay, Si Tiya Rosalia ang pinaka mabait. Di na kami pinagbabayad ng upa. Blessed na blessed kami ni Inay sa kanya.
"Ano bang ginawa niyo't di ka na nakauwi?" tanong ni Inay. Nagiwas ako ng tingin habang kumakain.
"Uhh... tinutulungan ko ulit si bakla para sa presentation niya para sa opisina niya," pagsisinungaling ko. Baka naman sabihin ko na 'Ayun, 'nay! Nakipag lampungan ako sa kanya! Gumawa kami ng milagro sa sofa niya!". Nakita kong tumango tango si Inay.
"O siya pagkatapos mong kumain umakyat ka na't matulog ah!" sabi ni Inay. Tumango ako.
"Opo 'nay," sabi ko at pinagpatuloy ng maayos ang pagkain ko.
~3 weeks later~
Sadyang iniiwasan ko na si bakla and our other friends, I think he didn't mind it at all. Di rin siya nagpaparamdam sakin. Baka natandaan niya ang nangyari samin kaya iniiwasan niya rin ako. Ayoko ng iistress ang sarili ko. Afterall di rin naman nila alam na nagpapart-time pa rin ako. Nagpapart-time ako as taga bigay ng fliers sa isang restaurant.
"Girl, ayos ka lang?" tanong nung isang kasamahan ko. Tumango ako. Nahihilo ako. Di ko alam kung bakit, siguro pagod lang 'to wala kasi akong pahinga. Kailangan ko ng pera para sa mga gamot ni Inay sa Hypertension and Diabetes niya. Kaya kung anong maisip kong pasukan as long as decent work siya, pinasukan ko.
"Good Morning Ma'am, Sir! Try nyo po ang new menu namin," sabi ko tapos binigay ko yung Flier. Shocks, nahihilo na talaga ako at nanlalabo ang paningin ko.
"Ella?" narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya pero malabo ang paningin ko. Kamukha niya si bakla.
"Chris-"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagdilim ang paningin ko.
Rhea Anne Peralta's P.O.V
Napagdesisyunan namin ni baklita Christie at ng isa naming kaibigan na mag-malling. Minus Elleina. Di namin mahagilap. Parang iniiwasan niya kami. Si baklitang Christie naman, galing Dubai for business purposes. President na siya ng isang sikat na kompanya sa age na 21.
"Bwisita akeshang pudra! Naglagas ang beauty ko dun! Haru Jusko!!" Ngawa ni Christie. Natawa na lang kami. Nagpagupit ang bakla kaya yung medyo mahaba niyang buhok ayun, pinatabasan niya. Papable na papable tuloy ang hitsura niya. Nasa mall na kami at nag gagala.
"Rhea, hindi ba si Ellie yun?" sabi ni Dhesa sabay turo sa isang direksyon. Tumingin naman kaming pareho ni bakla. Aba! si Ellie nga. Nagpapart-time na naman siya? Akala ko ba magpofocus muna siya sa trabaho niya as a event organizer.
"Bruha, si Ella nga! Tara lapitan natin!" sabi ni Bakla. Lumapit kami kay Ellie. Nakita kong napahawak siya sa ulo niya. Nakalapit na kami sa kanya.
"Ella?" tawag ni bakla sa kanya. Napatingin si Ellie sa kanya.
"Chris-" bigla siyang nahimatay. Buti nasalo siya ni bakla.
"Ay, kabayo! Hoy baklita! Hoy! Gising, Ella! Uy! Ella!" Gising ni Bakla sa kanya. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Girl, she's not waking up! Anyare na sa kanya! Oh god! Ella, don't die in my arms! Uy! Babae!" Patuloy na pag gising ni bakla sa kanya. Binatukan ko siya.
"Baliw! Nawalan lang siya ng malay pinapatay mo na," sabi ko. Lumapit yung kasamahan niya samin. Nagaalala siya. Kanina pa daw kasi parang di maganda ang pakiramdam ni Ellie. Tsk. Nagpapagod na naman at di kumakain ng maayos. Dinala namin si Ellie sa clinic ng mall.
"Sir, she's now okay. Over fatigued ang nangyari," sabi nung nurse doon na halatang nagpapa cute kay Bakla.
"Okay, Salamat." Iyon lang ang nasabi ni Bakla sa kanya dahil nakatingin lang siya kay Ellie. Maya-maya nagising na rin si Ellie.
Elleina Michelle Fuentes's P.O.V
Minulat ko ang mata ko at nakita ko, puting ceiling. Tumingin ako sa paligid at nakita si Rhea, Dhesa at si bakla.
"Girl, ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Dhesa. Tumango ako at umupo. So, si bakla nga ang nakita ko kanina. Nawalan pala ako ng malay kanina. Bigla na lang akong piningot ni bakla sa kaliwang tenga ko.
"Aray! Bakla naman eh!" daing ko. Ang sakit kasi ng pagkapingot niya sakin.
"Gagita ka! Sabi ko sayo wag ka na magpart-time eh! Look, over fatigued ka na naman." Galit na sita ni bakla sakin. Nag-pout ako.
"Kailangan kong gawin yun. Pano na lang ang mga gamot ni Inay na kailangan niyang inumin? Ang mamahal kaya nun," sabi ko. Tinignan niya ako ng masama.
"Baklita ka! Genigivenchy na nga kita ng andalucia, ikaw lang 'tong wit na tanggapin," sabi niya. Huminga ako ng malalim.
"Alam mo naman na ayokong umaasa sa iba," sabi ko. Nakita kong umiling si bakla.
"Sushmita sen! Bahala ka na nga," sabi niya. Ngumiti lang ako. Dumating yung kasama ko.
"Elleina, sabi ni sir umuwi ka daw muna para makapaghinga ka," sabi niya. Tumango ako. Hay salamat.
"Gora lets na tayels! Pagoda na akesha!" sabi ni bakla at naunang lumabas. Sumunod naman si Dhesa. Hay... nagugutom na ako. Parang gusto kong kumain ng mangga na may ketchup... Hay.