Chapter 3

1241 Words
Elleina Michelle Fuentes's P.O.V Nagising ako sa pangangasim ng sikmura ako. Napaupo ako sa kama at napahawak ako sa tyan ko. "Ughhh!!!" shocks nasusuka ako. Agad akong pumunta sa banyo at dun dumuwal sa lababo. "Anak! Anung nangyayari sayo?" Takbo ni Inay sakin. Nagdududuwal pa rin ako. Grabe ito. Parang hinuhugot yung bituka ko palabas. "Uggggghhhh!" hinihimas ni Inay yung likod ko. "Nak, may nakain ka bang hindi maganda?" tanong ni Inay. Umiling ako. "Yung kinain lang natin kanina, Nay!" sabi ko tapos dumuwal ulit. Hinihimas ni Inay yung likod ko. Shocks ano na bang nangyayari sakin? "Nak, tara punta tayong ospital," sabi ni Inay habang hinahawi niya yung buhok ko. Napatingin ako kay Inay. "May check up po ba kayo?" tanong ko. Nagiwas siya ng tingin. "Uhh... Oo? Atsaka para mapatignan ka na rin, baka may sakit ka na naman eh," sabi ni Inay. Tumango na lang ako dahil naduduwal na naman ako tapos nanghihina pa ako kasabay ng pagkahilo ko. Ano bang nagyayari sakin... Nagpunta na kami ng ospital. Nagpa check up muna si Inay bago ako. Tinanong ako nung isang doktor don kung anong nararamdaman ko. Sinabi ko naman kung ano. May mga test na pinagawa sakin. Pakatapos nun kinausap ulit kami nung doktor. "Hm... ire-refer kita kay Doktora Chi ah," sabi nung doktor sakin. Dahil sa medyo hilo ako at nanghihina pa tumango na lang ako. Hinatid kami ng isang nurse sa clinic nung Doktorang sinabi mung doktor. Pumasok kami ni Inay sa loob. "Ikaw ba si Elleina Michelle Fuentes?" tanong sakin nung doktora. Tumango ako. Umupo kami ni Inay sa harap ni Doktora Chi. "Hm... You're perfectly normal, Elleina," sabi ni Doktora. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero it doesn't mean na dahil normal ang naging resulta ng mga test mo ibig sabihin nun pwede ka ng magpagod. Di pwede yon lalo na sa kalagayan mo," sabi ni Doktora sakin. Napahinga ako. Akala ko ba normal lahat ng test pero anong ibig niyang sabihin na 'sa kalagayan ko'. "Ano po bang ibig nyong sabihin, doktora?" tanong ni Inay. Napahinga ng malalim si Doktora Chi. "She's 1 week and 4 days pregnant, mommy," sabi ni Doktora Chi. Napalaki ang mata ko. Ha? Bu-buntis ako? Tinignan ko si Inay na makalabas kami ng clinic ni doktora Chi. Blangko ang mukha niya. Binili rin namin ang mga nireseta ni doktora Chi tapos umuwi na kami. Nalulungkot ako. Alam kong galit si Inay dahil siguro sa nalaman niya. Di siya kumikibo habang pauwi kami. Ang sakit na ganto ang natatanggap kong treatment kay Inay ng malaman niyang buntis ako, naiiyak ako. Well, kasalanan ko naman eh kaya dapat lang sakin 'to. Nung dumating kami sa bahay ganun pa rin kami. Di nagkikibuan. "Nay/Nak..." Sabay naming sabi ni Inay. Napatingin kami sa isa't isa. "Nay, sorry po... Napakalaki ng tiwala nyo sakin pero... eto ako. Isang disgrasayda," sabi ko. Napaiyak na ako. Ngayon ko lang nailabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Niyakap ako ni Inay. "Nak, di ako galit sayo. Masaya nga ako eh pero medyo nadismaya lang ako ng onti. Onti lang naman anak. Pero wag mo isiping tinatakwil na kita o hindi na kita tinatanggap. Mahal kita, anak. At yang batang nasa sinapupunan mo ay isang regalo mula sa diyos. There's a purpose kung bakit nangyari ito sayo," sabi ni Inay. Napayakap na rin ako sa kanya. Natutuwa ako kasi tanggap pa rin ako ni Inay at ang baby ko. Ang baby namin ni Christian. Christian Stuart Miguel's P.O.V Nasa bahay akesha ng aking loley sa father side. May Family Reunion kami. Dumating kasi ang tita Leneth ko galing Jordan mula sa tour niya. Nasa garden ginanap ang welcome home party ni tita. "Aba'y eto na pala si Christiana!" Sigaw ng tita Avon ko. Christiana kasi ang tawag nila sakin. Panganay siya ni Loley. "Christiana, Kamusta ang paborito kong pamangkin?" sabi naman ni tita Mel ko. Pangalawa siya at sumunod naman si tita Leneth sa kanya tapos si Papa. "Itetch tita, mala dyosa pa rin!" sabi ko. Natawa naman ang mga tita ko. "Oh, lalaking-lalaki tayo ngayon ah, Christian," sabi naman ni tito Mike. Ang bunso nila papa. Napairap na lang ako. "Christie po, tito! Dyosa ako, tito. wit akesha hombre noh. Si tito talaga," sabi ko. Pumasok ako ng mansion at nakita ko ang mga pinsan kong lalaki at ang Kuya ko na nasa sala kasama ang Loley namin. 7 kaming lalaking magpipinsan isa na ako dun at si Kuya Francis. Walang babae samin eh. Akesha lang. :3 "Oh, eto na pala si Bakla," sabi ni Reo. Ang pinaka una saming 7. "Haha, t*ng*n* bakla pa rin?" sabi naman ni Red. Pangalawa siya sa aming magpipinsan. "Tsk... wag kayong didikit dyan baka mahaluan kayo ng germs niyan," sabi naman ni RD. Pangatlo sa amin. "Sayang, gandang lalaki natin eh. May nahaluan lang na bakla," sabi ni Art. Pangapat siya. "Hay... Kawawang sperm cell... Ako nga kinukulang pa eh," sabi naman ni Keefer. Yan ang pinaka babaero samin. pang lima siya. "Wag nga kayong ganyan, kay Christian. Kala nyo ang lilinis nyo." Si Kuya Francis. Ang kuya ko.. Umurong siya para makaupo ako. Inirapan ko yung mga pinsan namin. Inggit much? Insecure lang? "Buti nandito ka na. Oy kayo, Reo, Red, RD, Art, at Francis kailan nyo ba balak pakasalan yang mga babae sa buhay nyo? Aba, lumalaki na mga anak nyo," sabi ni Loley Solita. Well, kahit si Kuya Francis may anak na rin at witit niyang pakasalan yung babaeng nashontis niya kasi di naman daw niya mahal. Tapos si Keefer? ewan ko kung meron or wala yan. "Aba'y lola, pag ikinasal na si Christian sa babae tsaka lang kami susunod," sabi ni Keefer. Inirapan ko sila. "Parang suntok sa buwan yang sinasabi nyo. Kita nyo ng beki yang si Christian tapos pinagtutulungan nyo pa," sabi ni Loley. That's why I love my Loley eh. She always understand me. "Pero lola, syempre gusto nyo rin naman na magka apo kayo sa tuhod kay Christian diba? Wag nyong sabihing hindi?" sabi ni RD. Nakita kong natahimik si Loley. Alam ko naman na gusto rin ni Loley na magkaroon ng apo sa tuhod sakin pero... wititit akesha makikipag leptolelang sa mujer and worst makikipag tusha pa. Pero pwede rin namang mag hire ako ng mujer tapos artificial insemination na lang. Tama... pwede pwede. Kakaiba na technology natin eh. "Tsk. Apo in the knee lang pala eh, don't worry Loley, wish granted ka na," sabi ko. Sabay-sabay silang lahat na tumingin sakin. "Talaga, apo?" Nakita ko ang masayang mukha ni Loley. Tumango ako. Yung mga pinsan ko naman. Ayun. Nganga. "Weh? Dapat in a natural way yan ah! Hindi yung by technology," sabi ni keefer sabay ngise. Napatingin naman ako sa kanya. Nagbabasa ba 'to ng Isip? I kennot! I Kennot makipag tusha sa mujer! No! No! No! "Hm... Tama si Keefer. Dapat in a natural way mo gagawin yun Christian. Hay... atsaka gusto ko dun sa taong mahal mo rin," sabi ni Loley. Napatingin ako sa kanya. Medyo nalungkot ata si Loley. Tsk... No! I kennot let loley to get upset. She helps me alot so I'll give back the favor she gave me. Kyotatalet she wants in a natural way... so be it! "Oh sure Loley, i'll give you apo in a natural way for you," sabi ko na lalong ikinabigla ng mga pinsan ko at ni kuya Francis. Hmph kala nila ah. Ang tanong... keribambam ko bey?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD