Christian Stuart Miguel's P.O.V Hawak ko ang kamay ni Elleina at magkasama naming hinaharap ang mga bisita. Masaya ako ngayon dahil kasal na ulit ako sa taong mahal ko. Nakakatuwang makakakasama ko na ulit siya palagi kasama ang anak namin na sila Valkyrie at Xylea. "Christian, congrats!" Masayang sabi ni Rhea. Kasama niya ngayon ang mag-ama niya na si Kean at Keefer. Napangiti ako. "Salamat, Rhea." Sabi ko sa kanya. Tinapik ako bi Keefer sa balikat. "Mag manlalalaki ahh!" Sabi ni Keefer. Natatawang napailing na lang ako. Niyakap ko si Elleina sa bewang. Napatingin 'to sakin na nakangiti. "Bakit pa ako manlalalaki, kung nandito na ang lahat ng hinahanap ko." Sabi ko ay hinalikan ang asawa ko sa pisngi. "Aww! Ang sweet naman nila. Ako kaya kailan din ikakasal?" Tanong ni Rhea na nakat

