Elleina Michelle Fuentes's P.O.V Nasa kotse na kami papunta sa isang resort sa subic na paggaganapan ng Reunion. Isinabay na ako ni bakla papunta dun. "Kajinit-jinit naman." Narinig kong sabi ni bakla. Ngumiti ako. "Nasa pilipinas ka eh? Kaya mainit." Sabi ko. Sumimangot naman siya na tumingin sakin. "Lookie here, siya kain lang ng kain. Grabe ahh!!" Sabi niya. Ngumiti lang ako at kumain na ulit. Bago kasi kami umalis, dumaan muna kami sa drive thru ng isang fast food chain at bumili ng 2 burger, 2 large fries, at 2 chocolate sundae. Lahat yun sakin. "Eh sa nagugutom ako eh!" Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko ng fries. Narinig kong napabuntong hininga siya. "Pag nalaman kong kung sinetch ang fatherlu ng junakis mo, pababayaran ko lahat yang kinakain mo." Narinig kong bulong ni b

