Christian Stuart Miguel's P.O.V "Jusmiyo! Elleina! Buti na lang at ayos ka lang!" Sabi ni Mom at niyakap si Elleina. Ngumiti lang si Elleina at yumakap din kay Mom. Lumapit naman si Inay Elena at Mr. Diaz kay Elleina. "Pinag-alala mo kai ng Itay mo, Elleina." Sabi ni Inay Elena. Nginitian lang ni Elleina ang parents niya. "Sorry, Itay, Inay. Sorry rin po na pinag-alala ko kayo, Mom." Sabi ni Elleina sa kanila. Naramdaman kong siniko ako ni Kuya Francis kaya napatingin ako sa kanya. "Lapitan mo na rin, mamaya baka hindi mo na magawa. Papunta na sila Lolo dito." Sabi ni Kuya Francis. Bumalik ang tingin ko kay Elleina. Nakikopag usap siya kila Mom, Inay Elena at Mr. Diaz. Kanina parang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang dugo mula sa katawan ni Elleina. Tumigil din ata ang t***k ng puso

