Wallance Diaz's P.O.V Sinalubong ako ng mga tauhan ko pagdating ko sa bahay kung saan namamalagi yung matandang yon. "Boss, anong gagawin natin dun sa matanda at sa sekretarya nya?" Tanong ng isa kong tauhan. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa silid kung nasaan ang kinikilala kong Lolo pero hindi ako mapagbigyan sa simpleng hiling ko na sakin ipakasal si Elleina at ang kompanyang hawak ni Itay. "Wallance.." tawag pansin ni Lolo. Napangise ako. "Bakit tanda? Nagbago na ba isip mo?" Tanong ko. Masama ang tingin ni Lolo sakin. Well, like I care. "Walanghiya ka! Inampon ka ng anak ko tapos ito ang igaganti mo samin?" Sabi ni Lolo. Nginisian ko lang 'tong matandang 'to. Walang alam ang matandang 'to ehh. Puro kayamanan at paghihiganti ang nasa utak niya. Wala akong pake.

