4. Ang Pagtitipon

1386 Words
Nagsilinyahan ang mga kasambahay sa mansion para salubungin ang pagdating ng tatlo'ng magkakambal. " Maligaya'ng pagdating young master's " sabay bati ng mga kasambahay. wala ni isa sa kanila'ng tatlo ang pumansin sa mga ito , dumeretso lamang sila sa paglalakad hanggang nakita nila sa may pintuan si Mrs. Park, ( ang butler ng mansion na ina ni beju) "maligaya'ng pagbabalik young masters" bati ni mrs. park sa tatlo sabay ang pagyuko sa harap ng tatlo'ng binata. " haay mrs. park hindi niyo na kailangan gawin yan, para'ng ina ka na namin di ba hariss? kyung seo?" tanong ni dae shim sa dalawa niyang kakambal. Tumingin lamang si kyung seo kay mrs. park atsaka nagpatuloy sa paglalakad, samantalang si hariss ay ganun pa rin hindi kumikibo at walang pakialam. " Nakita mo yun! hindi manlang ako pinansin? " wika ni dae shim habang tinuturo ang dalawa niyang kakambal na naglalakad papasok sa mansion.Napatawa si mrs. park " hahaha hindi pa rin sila nagbabago " " tumatawa kayo? hindi kayo nagagalit sa kanila na ganyan umasta sa harap ninyo? pagtataka ni dae shim. " master dae shim, nalimotan ko'ng itanong sa inyo kung saan kayo galing? tatlo'ng araw kayo'ng hindi umuuwi " " kailangan ko na palang umalis diyan na kayo!!!" paalam ni dae shim kay mrs. park " hay itong bata'ng to, tuwing tinatanong ko kung saan siya galing palagi niya lang iniiba ang usapan" buntong hininga ni mrs. park " Sana maging maayos ang takbo ng gabi'ng ito mansion" patuloy niya. Napansin ni Mrs. Park na nagsibulungan ang mga kasambahay, " Ang gwapo talaga ni master harriss iba ang dating niya diba? gusto ko siya'ng yakapin at halikan !" " Mas gusto ko si master kyung seo, kita mo kung pa'no siya maglakad? para siyang artista" sagot pa ng isa'ng kasambahay. " Tumahimik nga kayo! magkamukha silang tatlo kaya pareho lang silang gwapo!!!!" lumapit si mrs. park at sinaway ang mga kasambahay " hoy kayo! hindi ba kayo nahihiya diyan sa pinagsasabi ninyo? balik sa trabaho!" Nagsialisan ang lahat sabay sabing .. " Palibhasa, matanda na siya" " Sinong tinatawag niyo'ng matanda!!!" sigaw ni mrs. park sa lahat. Samantala, kasalukuya'ng nasa study room ang magkakambal at ang kanilang ama. " Mr. park, iwan mo muna kami sandali" utos ng CEO. " masusunod po." tugon ni mr. park sa utos ni Mr. Lee at sa ilang segundo lang ay lumabas ito at naiwan ang mag.ama sa loob ng malaking kwarto. " Alam ko'ng alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag. Pero isa sa mga dahilan ay ang kaligayahan ko na napagdesisyunan na ninyo'ng ipagpatuloy ang kolehiyo dito sa seoul. Maligaya'ng pagbabalik mga anak " wika ni Mr. Lee sa kanyang mga binata nang biglang nagsita si dae shim na ngayo'y nakaupo sa harap ng kanyang ama. " kasinungalingan, alam namin na pinatawag mo lang kami para ianunsyo ang kasal mo. Dad huwag mo nang ituloy ang kalukuhan mo, ilang anak ba ang balak mo'ng ibigay sa pamilya'ng to? kahit kami'ng tatlo nga lang di mo maalagaan ng tama." " Isang malaking kahihiyan ang gagawin mo sa pamilya'ng to, nabalitaan ko'ng ang ipapalit mo kay mommy ay isang ulila na nag-ampon din ng isang ulila. At syempre ordinaryo'ng reporter lang , naisip niyo ba na baka pera lang ang habol sa inyo ng babae'ng yon? " sarkastiko'ng tanong ni kyung seo sa ama. " Di bale na, kung gusto mo talagang pakasalan at dalhin dito ang asawa mo, ako ang tatapon sa kanila sa labas makikita mo." Banta ni kyung seo sa ama. Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ng matandang lalake na nakasoot ng puti'ng tuxedo. Nanlaki ang kanila'ng mga mata at sinabi'ng. " Grandpa!!!" Napangiti si Mr. Lee. Ang matanda ay ang chairman, takot ang triplets sa kanya, dahil pwede niya'ng ipa walang bisa ang credit card nilang tatlo sa isang utos lang ng secretarya niya. Pinaghahampas ng chairman si dae shim sa kanyang baston. " Aray! tama na po grandma!" sigaw nito " Walang galang ka bata ka! matapos kang maglayas ngayon pagsasalitaan mo ng ganyan ang ama mo!" "grandpa hindi po ako naglayas! may ginawa lang ako!" giit pa ni dae shim. "may ginawa'ng kalokohan" dagdag pa ni harris. " Ano! sabihin mo nga sa kanila hariss na nasa condo mo lang ako sa busan!" " Sinungaling ka talaga bata ka!!", saway pa ng chairman sa kanya. " tama na yan papa, kahit paano naging masaya ako dahil umuwi silang tatlo para dumalo sa kasal ko." wika mr. lee " At sinong maysabing dadalo kami?" arrogante'ng tanggi ni kyung seo. " At bakit hindi? hanggang ngayon ba hindi niyo pa rin alam na hawak ko ang buhay niyo'ng tatlo? kapag narinig ko pang nang-aalipusta kayo ng mga ordinaryo'ng tao ay sigurado'ng sa kalye kayo pupulutin! naintindihan niyo!" tumalikod ang chairman at kinindatan si mr. lee sinyales na pwede na siyang magsalita. Napangiti siya at sinabing. " aham! nais kong ipaalam sa inyo mga anak na pagkatapos ng kasal ay maninirahan kami sa bagong mansion na ipinatayo ni papa at kayo na ang maninirahan dito kasama ang ampon ng magiging asawa ko na halos magkasing-edad niyo rin." Nagulat ang tatlong binata at sabay sinabing, " Ano! hindi pwede yun!" " Lolo! alam niyo nama'ng binata na kami diba alam niyo na mahirap nang mga dalaga sa paligid hindi pwede yun!" boung puso'ng pagtanggi ni dae shim. " At bakit hindi ! ganun ba kadumi ang pagkalalake mo !" tinuturo-turo ng chairman si dae shim ng kanyang baston. " Di bali na pahihirapan ko din siya kaya kusa'ng loob siya'ng aalis dito." wika ni kyung seo. "ang lahat ng kasambahay dito ay palilipatin ko sa bagong mansyon, at kayo ay maninirahan at pagsisilbihan ang sarili hanggang matapos kayo sa kolehiyo." dagdag pa ng chairman " Ano! grandpa alam mo namang hindi kami marunong maglaba, magluto lahat-lahat! pa'no kami mabubuhay! " sigaw ni dae shim. " Grandpa hindi niyo pwede'ng gawin lahat ng gusto niyo, sinisira ninyo ang pamilya'ng to." wika ni kyung seo. " Hindi nakakasira ng pamilya ang kawalan ng kasambahay, maraming mga tao sa labas ng mundo niyo na nagsisipag magtrabaho para buhayin ang sarili, kayo ang alam niyo lang ay gumastos!" " Papa tama na yan, mga anak papasok din ang bata'ng iyon sa eskwelahan ninyo bilang freshmen kaya maging mabait kayo sa kanya ayaw kasi niyang tumira kasama namin ni chen. " dagdag pa ni Mr. lee nang biglang nagsalita si kyung so, " Dahil mas gusto niyang tumira kasama ang mga lalake? kakaiba'ng babae, sigurado ako'ng iba ang motibo niya. Baka naman gusto lang niya'ng makakuha ng attensyon namin kagaya ng mga baliw na babae sa eskwelahan. Babae'ng mababa ang lipad " Inihampas ng chairman ang kanyang baston sa mesa at nabasag ito. " Wag kang magsasalita ng ganyan. Ang batang iyon ay nagnais na pagsilbihan kayo bilang ganti ng pagpasok niya sa kolehiyo magtratrabaho siya para pagsilbihan kayo! naiintindihan niyo! " "kyung seo hindi mo dapat sinabi yun" bulong ni dae shim kay kyung seo. " At ikaw dae shim, pag nalaman ko pang nambubugbug ka ng body guard makakatikim ka sa'kin bata ka! " " opo." maiyak-iyak na sagot ni dae shim. " Ikaw hariss may sasabihin ka ba?" lumingon ang chairman kay hariss na tahimik lang sa isang sulok. " hmm gawin niyo ang gusto niyo bahala kayo" " mabuti naman, sa isang araw ay gaganapin ang engagement party at homecoming narin iyon para kay kyung seo at hariss kaya dumalo kayo'ng lahat. Kung wala na kayo'ng sasabihin ay maaari na kayong lumabas" Nagsilabasan ang tatlo'ng binata sa study room at naiwan ang chairman at si mr lee sa loob. " Papa, hindi kaya mahirapan ang mga anak ko sa naging desisyon ninyo? " puno ng pag-aalala ang nasa boses ni mr. lee. " Chang woo, alam mo ba kung bakit pinili kita'ng maging CEO kaysa sa iba mo pang mga kapatid?siguro hindi ka kasing talino ng mga kapatid mo subalit alam ko't nasubaybayan ang kagandahan ng iyo'ng loob. " lumapit sa kanya ang chairman at tinapik ang kanyang balikat, " Alam mo kung ano ang ibig ko'ng sabihin, sana maging masaya ka sa iyo'ng buhay kasama ang iyong mapapangasawa at makapili ng tamang mangangalaga sa companya sa tamang panahon." " Salamat papa." ***itutuloy***

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD