3. Ang Nakakagulat na Balita

1092 Words
Panay ang pagdadabog ni chen habang pinupulot ang mga basura sa loob ng kwarto ni hannya. " Grabe! hindi ba siya naglilinis ng sarili niya'ng kwarto?! chaka ano to? soju? umiinom pala siya nito? baliw na lasenggera talaga. Iniiwan niya pa itong cellphone niya, huh? teka.." napatigil si chen sa ginagawa nang bigla niyang makita ang napakaraming missed calls sa cellphone ni hannya. " Ang dami naman sino kaya to? may boyfriend kaya 'tong si hannya? tingnan ko nga." pangiti niya'ng sabi sa sarili na para bang umaasa na may maganda siyang malalaman.Subalit nagbago ang impresyon ng kanyang mukha nang makita ang pangalan ni aijo at puro aijo lang " Grabe sa ganda niya wala talagang nanliligaw sa kanya? kung sa bagay hindi naman babae kung umasta yun kaya hindi na ito nakakagulat. Huh ? teka" nakita niyang may text message si aijo. HANNYA HINDI KA PUMASA SA EXAM, TALAGANG MALUNGKOT AKO? Bahagya'ng ibinagsak ni chen ang cellphone sa kama at mataray na sinabing, " At naghahanap pa pala siya ng paraan para tustusan ang sarili sa kolehiyo? akala niya ba hindi ko iyon kaya? hmm! hannya! makikita mo ! magiging maganda ang kinabukasan mo dahil sakin! kaya wag kanang magpapagod." Maya-maya ay napansin ni chen mula sa bukas na bintana na umuulan ng nyebe. " Ba't hindi pa umuuwi si hannya? malamig ngayon sa labas ah. " Tanong niya sa sarili habang sinasarado ang bintana. Di nagtagal ay dumating din si hannya, nagulat siya sa hitsura nito. Magulo ang buhok, madungis ang mukha at iba'ng damit na ang soot nito amoy basura pa. " ano bang nangyari sayo hannya! ba't parang amoy basura ka! chaka kaninong damit ba yang soot mo? damit lalake yan! ha! wag mong sabihing--!" pasigaw na sabi ni chen na para bang may masamang naiisip. " Haysh! hinabol lang ako ng aso noh ! pinagpupunit yung damit ko chaka nagtago ako sa basurahan kaya ganito amoy ko" sagot niya habang hinuhubad ang kanyang sapatos. " At ya'ng damit mo? san mo ba nakuha yan hannya?" pagtatakang tanong ni chen. " Ahh, napulot kolang to tinapon siguro ng may-ari, kita mo ? may butas sa dibdib parang natapunan ata ito ng sigarilyo. " " ahh ganun ba , pagkatapos mong maligo pumunta ka sa kwarto ko may sasabihin ako sayo." DAE SHIM and HARRIS's viewpoint " Napaaga naman yata ang uwi mo, parang gusto mo'ng marinig ang kabaliwa'ng gagawin ni dad sa sarili niya. " wika ni dae shim habang nakasandal sa pader at tinitignan si harris na sinosu "hmm wala akong pakialam gawin niya kung anong gusto niya'ng gawin." sagot ni harris na hindi manlang tumitingin kay dae shim. " hindi talaga siya nagbabago arrogante pa rin." bulong ni dae shim sa sarili. " Si kyung seo ba uuwi din?? hindi kasi siya tumatawag sa'kin " " hindi kami nag-uusap." sagot ni harris " Ano! Hanggang ngayon ba di parin kayo magkasundo! harris kailangan niya'ng bumalik at kausapin si dad! na iurong ang kasal niya sa gold digger na yun!" lumingon si harris at sinabing " nakita mo na ang babae niya?" "Oo naman, isa siya'ng reporter sa seoul ordinaryo'ng babae lang. At balita ko, may ampon silang babae na kasing edad natin. " " pa'no mo nalaman yun?" " pina-imbestigahan ko kay beju. " "hmm! bahala kayo diyan." hinubad ni harris ang bathrobe at lumantad kay dae shim ang katawan nito , nakita niya ang maliit na sugat sa dibdib nito. " huh? harriss napano ba ya'ng dibdib mo? " " Wala to." sagot ni harris atsaka tumungo sa bathroom. "Ano ba'ng nangyari sa kanya?? " Pagtataka ni dae shim at bahagya'ng tumingin sa labas." Ang ganda naman ng napili niya'ng condo , tanaw na tanaw ang boung syudad ng geumjeong. "Siguro bukas babalik na kami sa seoul" bulong niya sa sarili. HANNYA's viewpoint Naaliw si chen habang pumipili ng mga wedding gown sa internet nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. " Pasok ka! " Bumungad ang mukha ni hannya na ngayoy nakasoot ng maluwang na sweater. " Ano ba ang sasabihin mo sa'kin? hah! ano ba yan? wedding gown? waahh! ba't ka ba nagkakaroon ng interest sa mga ganyan? wag mong sabihing?" " Oo hannya, magpapakasal na 'ko" pangiti'ng sagot ni chen habang itinataas ang kanang palad pra ipakita ang wedding ring na isinuot niya sa kanyang daliri. " Nakakagulat ito, sino ba yung lalake? gwapo ba siya? kasama mo sa trabaho? mabait ba? mayaman ba? atsaka-" puno ng pagtatanong ang nasa mukha ni hannya namimilog ang kanyang mga mata na para bang di siya makapaghintay na masagot ang kanyang mga tanong. "Isa siya'ng CEO sa seoul. " " wow! ang swerte mo naman! pa'no ba kayo nagkakilala? " " nagkakilala kami sa isang press conference dalawa'ng taon na ang nakalipas. Nabalitaan ko'ng kasal siya pero pumanaw ang asawa niya matapos nito ipinanganak ang tatlo'ng kambal na lalake." " Tatlo'ng kambal? nakakamangha naman. Ilang taon na ba sila ngayon? " " Matanda sila ng konti sayo, pero isa lang ang nasa seoul ngayon nasa abroad ang dalawa para mag-aral." " ows? grabe ka naman, inalam mo talaga lahat?" pabiro'ng tanong ni hannya kay chen. " Syempre naman loko-loko ka ba? magpapakasal ka ba sa hindi mo kakilala? " pataray niya'ng tanong kay hannya. " Kung sa bagay, masaya ka naman diba? huwag mo akong kalimutang bisitahin dito sa busan ha? mayaman ka na ngayon, sobrang yaman mo na! ano kaya kung ibigay mo na lang sa'kin itong rentahan mo? para may pera naman ako no!" " At ano'ng gagawin mo sa pera? ibibili mo ng isang libo'ng bote ng soju? lasenggera'ng baliw ." " Ha! pa'no mo nalaman ?" " Pa'nong hindi eh ako ang naglinis sa kwarto mo kanina." " ah ganun ba? minsan lang ako umiinom no pag nanonood ako ng kdrama ang saya kaya." Pagtanggol ni hannya sa sarili. " Ewan ko sayo, basta mag impake ka na, aalis tayo bukas ." " Ano! saan tayo pupunta??!" " Magpapaganda para sa kasal ko! binigay ko na itong rentahan kay lola sa ibaba kaya hindi na tayo babalik" " Ano ! ba't mo ginawa yun! saan mo ako patitirahin? hindi mo'ko pwede'ng isama sa bahay ng mapapangasawa mo!" sigaw ni hannya ngunit hindi na nakinig si chen at tumungo na sa paliguan. " Basta mag impake ka kung ayaw mong tumanda sa kalye." " ha! teka! hindi pwede to! ano'ng mangyayari sa'kin kasama ang mga mayayaman! " sigaw niya habang ginugulo ng dala niyang palad ang kanyang buhok. ***itutuloy***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD