2. Ang Malupit na Prinsipe

1471 Words
" Maligaya'ng pagbabalik , young master harris. Paumanhin sa biglaan ko'ng pagpasok sa iyong kwarto nais ko lamang sabihin na inaasahan ng CEO ang iyong pagbisita sa mansion bukas ng gabi. " magalang na pagbati ng body guard sa napakagwapo'ng lalake na nakatayo sa kanya'ng harapan at tahimik na nakatingin sa labas ng condo. " beju, " malamig na sambit nito sa body guard na ngayo'y nakayuko sa likod niya. " ano po'ng maipaglilingkod ko young master. " Sagot nito habang nakalagay ang kanang palad sa kanyang dibdib. " Ginusto ko'ng uminom kasama si dae shim, bakit ikaw ang nandito ngayon? " arrogante'ng wika ni harris habang patuloy na nakatanaw sa labas. Nagtayuan ang balahibo ni beju sa sobra'ng takot. " pa'no na 'to ngayon? nasaan ba kasi 'tong si dae shim talagang mapapatay ko siya!" bulong niya sa sarili. " ba't di ka sumasagot? " , tanong ni harris. " ahh, young master kasalukuyan po'ng wla sa mansion ang iyong kambal, may- may- may- - may importante po siya'ng pinuntahan patungkol sa kanyang pag-aaral ha-ha-ha " malamig ang pagtawa ni beju kaya napansin ni harris ang pagsisinungaling nito. " ganun ba? beju gusto mo bang tumayo bilang substitute ? " sarkastiko'ng tanong ni harris. " aaahhh! young master hindi po ako umiinom ng alak may allergy po ako sa alcohol! " pasigaw na tanggi ni beju sa alok ni harris. Alam niya'ng hindi ito ordinaryo uminom, matagal nang nagsisilbihan ang kanyang pamilya sa pamilya'ng lee. Ang ama niya ay ang secretarya ng presidente ( ama ni harris ) at ang kanyang mama ay ang kasalukuya'ng butler sa mansion. Tapat sila'ng naglilingkod sa pamilya'ng lee, sila ang nag-aalaga sa mga ito lalong-lalo na sa triplets. Pumanaw kasi ang kanilang ina nang isilang niya ang magkakambal nang mag-isa. Umalis ito sa mansion matapos malama'ng may ibang babae ang kanilang ama at may anak sila sa labas. Pinili nitong magpakalayo at nanirahan ng malungkot sa probinsya, subalit pumanaw siya pagkatapos isinilang ang triplets. Gayunpaman, ipinagkatiwala niya kay mrs. park ( ina ni beju) ang mga ito bago siya pumanaw , at nangako naman ito'ng aalagaan niya ang magkakambal at pagsisilbihan hangga'ng kamatayan. Ganun din ang ipinangako ni beju sa sarili, na paglilingkuran niya ang mga tagapagmana ng pamilya'ng lee. Kahit nakakatakot ang mga ito, lalong-lalo na si harris. Kasalukuya'ng nanginginig ang binti ni beju habang nasa likod siya ni harris. Kakadating lang nito galing abroad, mga apat na taon na niya'ng hindi ito nakikita subalit hindi parin nagbabago ang kanyang aura. Napaka mysteryoso at nakakakilabot. Hindi kasi ito gaano'ng nakikipag-usap sa iba. Nagsasalita lang ito pag nagagalit. Wala rin siyang pakialam sa iba'ng tao ,may sarili siyang mundo at marami siya'ng ayaw sa mundo. Subalit ang pinakaayaw niya ay ang hinahawakan siya ng ibang tao kahit ng kanilang papa o kapatid ay hindi basta-basta'ng humahawak sa kanya. Nakakakilabot siyang magalit alam ng lahat iyon. " labas " ,utos ni harris kay beju. " ss--sige young master .." maiyak-iyak na pagtugon ni beju. HANNYA's View point. "ho ! grabe naman 'yung aso'ng iyon parang multo ata! biroin mo kinain pa tong damit ko! buti nalang di ako nakagat !! naligaw ko ata yun!" humihingal na sabi ni hannya sa sarili. " Haay, pano ako makakapunta sa post office na ganito ang soot ko! nakakahiya! " maiyak-iyak niyang sabi sa sarili at umupo na lamang sa daan. Nang may nambato ng lata sa kanyang ulo galing sa isang bintana. " Araay!!! sino ba yun!" sigaw niya habang nakahawak sa kanyang ulo. Isang batang lalake ang nakita niya sa may bintasa sa mataas na gusali. " Ang ingay mo pulubi ka!" sigaw ng bata sa kanya. " Ano! hindi ako pulubi nagkakaganito lang ang soot ko dahil hinabol ako ng aso! salbahe ka'ng bata ka!!" saway niya dito habang tinuturo-turo ang batang lalake. " ah basta mukha kang pulubi umalis ka diyan! babaeng pulubi!" sigaw ng bata sa kanya. Nag-aapoy sa galit si hannya at tuwing nagagalit siya ay ginugulo niya talaga ang kanyang buhok. " lumabas ka nga dito't makakatikim ka sa'kin bata ka! salbahi ka ha! " Biglang nagliparan ang napakaraming lata sa bawat bintana ng mga gusali pinagbabato siya ng mga bata. " Alis ka na pulubi! alis na!! ayaw namin sa mga pulubi! malas kayo sa lipunan! " sabay sigaw ng mga batahabang binabato nila si hannya. Tumakbo si hannya papalayo at napunta sa isang tahimik na sulok. Malalaki ang gusali doon subalit napakaluma na kaya walang tao. Umupo siya at isinandal ang sarili sa pader. " Haay, ang malas talaga ng araw na'to, bakit ba ang malas ko sa buhay? " bulong niya sa sarili habang nakatingala sa makulimlim na langit. " Sabi nung matanda uula daw ng nyebe ngayon, uulan nga kaya?? " patuloy niya nang dahan-dahan niya'ng nadama ang pamimigat ng kanya'ng talukap at bahagya'ng nakatulog. HARRIS's viewpoint. " Sa wakas lumabas ka na rin sa iyo'ng lungga dae shim. " wika ng isang lalake'ng nagsisigarilyo kasama ng tatlo pa niya'ng tropa na ubod ng kayabangan. " Tingnan niyo boss! nagpakulay pa siya ng buhok para itago ang sarili sa atin! HAHAHAHA gagu talaga!" pagtatawa'ng sabi ng isa nilang kasama na ubod ng katabaan. Nagtawanan silang lahat. Lumapit ang kanilang leader at pinatay ang kanyang sigarilyo sa dibdib ng tinatawag nila'ng si dae shim. " at ano ba ya'ng nunal mo sa mukha? nakakatawa ka tignan mas bagay sayo ang peklat kagaya ng ginawa ko sa braso mo !! HAHAHAHA" panay ang pagtawa niya na bang nasisiyahan siya sa ginagawa niya'ng pagpaso sa dibdib ng binata. " lumayo ka sa'kin .." kalmado niyang tugon subalit nag-aapoy ang kanyang boses na para bang nagbabanta ng kamatayan sa sino ma'ng hindi sumunod. Lumayo ang lalake at tumawa sila'ng lahat "HAHAHAHAHA nababaliw ka na! pagkatapos mo'ng magtago sa'kin yan ang sasabihin mo ha ! dae shim! isa kang malaking ulol! oh ano ha? hindi ka ba magsasalita?? pipi ka ba? ha! " sigaw ng kanilang leader. " luhod." utos ng binata sa mga lalake. " anong sabi mo!" sabay sagot ng mga lalake sa kanyang harapan. Hinugot ng binata ang isang barya sa kanyang bulsa at sinabing. " lumuhod kayo.. " " Abay!ginagalit mo ko ah--!!!" hindi nakatuloy sa pagsasalita ang lalake dahil biglang dumanak ang dugo sa kanyang mata na tinamaan ng barya mula sa mga kamay ng binata.Napakabilis ng pangyayari kaya't di niya ito naiwasan. " Ang mata koohhhh!!!" pabalik -balik niya'ng sigaw habang tinatakpan ang nagsurugo niya'ng mata. Nagsimula'ng umulan ng nyebe at lumamig ang paligid. Nagsibulungan ang iba'ng lalake "Nagkamali yata tayo, parang hindi ito si dae shim, napansin ko'ng iba ang boses niya at ang mga titig niya , parang nagbabanta ng kamatayan.." " buti pa umalis na tayo dito!!!!!!" Sabay nagtakbuhan papalayo ang lahat maliban na lamang sa kanilang leader na sumisigaw pa sa sakit ng kanyang mga mata. " Dae shim! tandaan mo gaganti ako sa ginawa mo sa'kin! Humakbang si harris papalapit sa kanya at yumuko upang ibulong sa kanyang tenga. " ilayo mo ang madumi mo'ng kamay sa kapatid ko kundi... papatayin kita.." Samantala, mula sa isang maliit na butas nakasilip si hannya. Panay ang kabog ng kanyang dibdib sa kanya'ng nakita. Takot siya'ng makakita ng dugo kaya halos di niya maipikit ang kanya'ng mga mata sa natunghayan niya, halos di niya maramdaman ang lamig ng nyebe na bumabagsak sa kanya'ng mga balikat magkahalo'ng takot at pagkamangha sa binata ang kanyang naramdaman. Subalit nang makita niya'ng papalapit ito sa kung saan siya nakasilip ay agad siya'ng lumayo, " papunta siya dito! kailangan ko'ng magtago! pero saan!! " nakita niya ang basurahan na mgkakasya siya kaya pumasok siya doon.Ilang sandali lang ay narinig niya ang mga yapak ng binata. Itinulak niya ng konte ang takip at sumilip. Tumingala si harris sa langit habang patuloy na bumabagsak ang nyebe sa kanyang mukha. Sumilip si hannya at doon niya natitiga'ng maigi ang mukha nito. Parang tumigil ang mundo niya sa nakita. " Ang gwapo niya .." bulong niya sa sarili Hinubad ng lalake ang kanyang damit at itinapon ito sa daan. " hmm, malas." wika ng lalake atsaka lumakad papalayo. Nang mawala na ito ay lumabas si hannya sa basurahan, nahihilo siya sa masamang amoy ng kanyang katawan. " Grabe! ang baho talaga! di bale na nga basta hindi ako nahuli baka bulagan pa ako ng lalake'ng yun! chaka Hahaha akin nato! ngayon may isusuot nako papauwi kaysa itong punit-punit kong damit! " Masaya niyang sabi sa sarili habang niyayapos ang damit na itinapon ni harris. " Buti naman nagising ako kanina dahil sa lamig ng nyebe'ng bumagsak sa ilong ko kung hindi baka dito pa ako abutin ng gabi," wika niya habang sinusuot ang damit ni harris medyo maluwang ito sa kanya dahil maliit siyang babae pero maganda naman ang hubog ng kanyang katawan. "ayos! ngayon uuwi nalang ako at magkakape!!" ***itutuloy***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD